Chapter 8: Paranoid

45 15 9
                                    

Chapter Eight

Nakaramdam ako ng pagkumot kaya nagising ako.
"Aray! Nasa'n ako?" sabi ko at napahawak sa ulo, sumasakit parin ang ulo ko.
Pinilit kong bumangon pero hindi pa yata kaya ng katawan ko kaya agad din akong napahiga.

"Gosh, thank God! Gising kana Klein," rinig kong boses ni Leigh.

Iminulat ko ang mata ko at nakita ang paligid.
Nasa puting kwarto ako.

Napansin kong nagising na din si Calix sa ingay
at agad akong nilapitan.

"Oh kamusta? Ayos ka lang ba?" agad na tanong nito.

"Oo nahihilo lang. Nasa'n tayo?" nanghihinang sabi ko.

"Sa ospital, hinintay ka naming magising sa sinehan. Pero they recommend na dalhin kana sa ospital, wala ka parin kaseng malay" pagpapaliwanag ni Calix.

"Ano bang nangyari?" tanong ko sa kanila at inaalala ang mga nangyari

"'Di rin namin alam, basta nakita ko nalang na wala kana sa upuan mo," sabat naman ni Leigh
"buti nalang napansin ka ng katabi mo na pumunta ka daw sa cr. Kaya ayun ang tagal mo ehh that's why pinuntahan na kita, at naabutan kitang nakahandusay sa isang cubicle, buti nalang din hindi mo nalock. Hindi ka na gumagalaw and i also thought patay kana," alalang sabi ni Leigh.

Napahawak nalang ako ng noo habang unti-unting inaalala ang mga nangyari kanina.

"Sabi ng doctor nagkaroon ka daw ng nervous breakdown resulting in sudden severe head ache at hypertension, buti nga daw nadala ka agad dito kung hindi baka tuluyan ka ng nasuffocate at na-cardiac arrest," pagpapaliwanag ni Calix
Sinubukan kong bumangon para umupo at inalalayan naman ako ng dalawa.

"Maraming salamat sa inyo, sorry talaga sa abala. Ok na ko, pwede na tayong lumabas," sabi ko na agad kinontra ng dalawa.

"No, actually it's my fault. Baka kase dahil sa panonood natin ng horror kaya ka nagkanervous breakdown. Sana sinabi mong takot ka sa ganong palabas para iba nalang ang pinili ko. Kaya din pala ang tahimik mo kanina.
And don't worry i'll take in-charge in all hospital bill and expenses. I'm sorry talaga," pagsisisi ni Leigh sa sarili nya.
"I'm sorry talaga," dagdag pa nya.

"Hinde, ok lang, ok lang. Actually hindi ko rin talaga alam," sagot ko naman
"Ayos na ako, pwede na tayong lumabas."

"Hindi pwede, sabi ng doctor kailangan ka pa nilang imonitor. Kailangan ka pang obserbahan baka naapektuhan ang utak mo."
"At kung normal naman ang resulta agad ka naman daw madidischarge," paliwanag naman ni Calix

Napatango-tango nalang ako at hindi na kumontra.
Pinili kong huwag na sabihin sa kanila ang nangyari kanina at baka mas lalo pa silang mag-alala.

Kasalukuyan kaming nagiintay ng resulta ng may kumatok sa pinto. Pumasok ang isang nurse at isang lalaking nakalab gown at na may stethoscope sa leeg nito.

"Uhmm Ms. Relojas? Hindi na namin nacontact ang parents mo dahil wala namang contact ang mga kasama mo. Pero hindi na naman siguro kailangan, nasa tamang edad kana din i guess," paliwanag ng lalaki habang ang kasama naman nyang nurse ay tinatanggal ang dextrose sa aking kamay.

"By the way, i'm doctor Singalin. Base sa test at examine sa katawan mo. Nagkaroon ka ng Nervous breakdown kaya ka nahimatay. Nang dinala ka dito ay hindi normal ang blood pressure at ang paghinga mo. Inatake ka hypertension at suffocation. At sa kabutihang palad nadala ka naman agad dito sa ospital at naagapan. Pero i recommend na consult psychiatrist para makasigurado tayo kung naapektuhan ang utak mo," sabi nito at tumango tango ako
Pero base sa observation, normal naman at walang problema. Wala ka naman bang medical history o past illness?"

The Innocent Killer (On-Going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon