Chapter 9•

0 0 0
                                    

by: FooooodisLifeeeee







Chapter 9:

Her's Pov

Nagpapalinga-linga ako ng nasa NAIA na kami, pano ko nalaman ang pangalan ng airport sa pilipinas? Tinanong ko kay Sam syempre, alangang hula-hula di ba?

Ang daming tao na may hinihintay, pero sina tita Marife ang hinahanap namin. Naka-dalawang beses ko na silang nakasama nung bumisita sila sa San Francisco sa bahay ni Sam. Kung saan kami nakatira.

"Sam, Selena?" napalingon kami pareho sa tumawag sa amin, si Tita Marife na tudo kaway. Napangiti ako ng malawak at kumaway pabalik saka patakbong hinila ang maleta ko at sinalubong ng yakap si Tita Marife.

"Tita, namiss ko po kayo?" sabi ko, "Tito, Sandro?" sabi ko kay Tito na papa ni Sam at bumeso dito, "Sander?" kaway ko sa 5 years old na kapatid ni Sam na nasa pagitan ni Tito at tita.

"Ate Selena?" bigla ako nitong yinakap, kaya napatawa nalang ako.

"Mom, dad.." nakita ko naman na nagyakapan silang tatlo, napangiti ako.

"Sander boy?" baling ni Sam sa bunsong kapatid ng kumawala ng yakap sa nga magulang at ang kapatid naman ang yinakap.

"Kuya.....namiss ko kayo ni ate Selena.." sabi nito, napapangiti nalang din si Sam at kinarga ang kapatid niya.

Si Tito Sandro na ang nagdala ng maleta ni Sam.

"So, saan mo gusto pumunta tayo?" tanong ni Sam sa kapatid, nilagay ni Sander ang hintuturo sa baba parang nag-iisip.

"Hmm, gusto ko po sa Enchanted Kingdom.." sabi nito at tinaas ang dalwang kamay na parang excited, merong enchanted Kingdom dito! Waaah, gusto ko nun.

Paglabas namin, tagaktak na ang pawis ko, ang init pala ng panahon dito.

"Sander, wag na muna. Galing palang sila kuya sa flight nila. Pagod pa sila.." sabi ni tita at hinimas ang likod ni Sander. Nakasimangot na tumango si Sander at um-okay. May kotse na nagaabang sa amin sa labas kaya sumakay na kami at umuwi kina Sam.

"Dito ang kwarto mo Selena, kapag nagutom ka baba ka nalang at diretso sa kusina, okay?" ani tita Marife, ngumiti at dito at nagpasalamat saka na siya umalis. Nilibot ko ang pangin sa kwarto, ang laki nun, halos sing laki lang ng kwarto ko sa America.

Hila-hila ang maleta ay lumapit ako sa kama, nilagay ko sa gilid yung maleta saka umupo sa kama, tinanggal ko ang shoulder ko at nilagay sa side table saka nahiga sa kama. The time my back touches the soft mattress of the bed, sleepness ate me.







His' Pov

"You find her?" tanong ni mommy pagkauwi ko, nakaupo ako sa swivel chair ko dito sa library ng bahay ko. Dito na sa pilipinas, nang malaman kasi nilang nakauwi na ako ay pumunta agad sila dito sa bahay ko.

"Yes, but I'm not really sure with this.." sagot ko habang nasa malayo ang isip ko. Every time nakikita kasi ako nung si Selena, palagi siyang nagugulat at napapaatras. Is she really pretending? If yes, wow.

She uses a different name, huh?

"Not, sure? What's with this Adrian? How can you be not sure?" may pagka-irita sa boses nito, hindi siya galit kay Aimee. Kasi hindi siya naniniwalang niloko lang ako nito at ginamit. Naniniwala siya na mahal talaga ako Aimee, na may nagplano nito para masira kung anong meron kami.

Wew, edi siya na magaling?

"Mom, I'm your son here. Bakit ang babae na yun ang kinakampihan mo?" iritang sabi ko at naiiling na sumandal sa swivel ko.

You'll also like

          

"Kasi wala kang pakialam sa asawa mo, kailangan mo siyang mahanap. Adrian alam ko na mahal ka nang asawa mo?" sabi nito at hinampas ang mesa, dumukwang siya ng kaunti sa akin. Pero malayo pa rin ang distasya namin, "look at me son!?" utos nito, bored na tumingin ako sa mata ni mommy.

"I know what love means son, and love shows in Aimee's eyes when she's still here.." seryosong sabi niya, direkta mismo sa mata ko.

"Whatever mom.." walang emosyon kung sabi at nag-iwas ng tingin. Umayos siya ng tayo at parang susuko na.

"Fine, you're not listening to me? Okay, I'm not the one who'll regret this.." sabi niya na parang tinatakot ako, na sinasabi niyang "magsisisi ka sa dull.." Napailing nalang ako.

"Dad!?" bigla akong napatingin sa nagsalita, tumakbo ito palapit sa akin at umupo sa lap ko at niyakap ako.

"Namiss po kita Dada, nahanap mo na po si mommy?" tanong niya, hinawi ko ang mahabang kulot sa dulong buhok niya, kagaya ng kay Aimee.

"Aiscle, I'm sorry baby. Hindi pa kasi nahahanap ni Dada si mommy?" sabi ko, napasimangot naman siya. Hinaplos-haplos ko ang hubok niya habang nakatalikod siya sa akin.

"Dada, kailan ko po mame-meet si mommy?" tanong nito at tumingin sa akin na parang nangungusap, gustong-gusto na niyang makita ang mommy niya. Aiscle was just 2 years old when Aimee left us.

"Soon baby okay?" sabi ko at nginitian siya, nagkatinginan naman kami ni mommy. Nailing nalang ito habang nakacross ang nga braso sa dibdib niya.

Nag-iwas lang ako ng tingin, at ibinalik 'yun kay Aiscle. Naglalaro ito ng ballpen, sa kamay pinapaikot-ikot niya. Magaling siya sa ganun, that's may girl.








Her's Pov

"Mommy...mommy..mommy!?" nagpalinga-linga ako nasa isang garden ako, may tumatawag sa akin, "mommy balik ka na po?" parang umiiyak ang boses babaing tumatawag ng mommy.

"Sino yan?" tanong ko pero wala akong makita, wala akong makita ni isa, kundi mga bulaklak at puno.

"Mommy..balik ka na po?" humihikbi ito kaya napaiyak na rin si Selena.

"Mommy, miss po kita. Pati si dada, miss ka niya!?" sabi nito, mas lalo akong napaiyak. Pakiramdam ko kasi para sa akin ang sinasabi niya.

"Miss na rin kita?" -di ko alam kung bakit ko 'yun nasabi, pero lumabas nalang iyun sa bibig ko.

"Mommy, balik ka na po.." bigla akong may nakita na bulto ng batang babae, nakaharap siya sa akin pero di ko makita ang mukha niya. Masyadong malabo.

"Anak.."-kusa nalang itong lumabas sa bibig ko, hindi ko alam kung bakit.

Nilapitan niya ako at yinakap ng mahigpit.

"Namiss kita, anak.." sabi ko at napaiyak pa lalo.





"Selena?" may tumapiktapik sa mukha ko kaya napamulat ako.

Pagmulat ko, nag-aalalang mukha ni Sam ang bumungad sa akin.

"Ayos ka lang Selena?" nag-aalalang tanong niya, nagpunas ako ng luha ko. Na di ko namalayang lumuluha na rin pala ako kasabay ng iyak ko sa panaginip ko.

"S-sam, y-yung anak ko!?" sabi ko at napasinghot at napaluha nanaman.

"Anak? May naaalala ka na, may anak ka?" tanong niya, umiling ako at nagpunas ng luha.

"Hindi ko alam, pero nanaginip ako? Tinatawag niya ako, tinatawag niya akong mommy!?" sabi ko napatakip ng mukha ko, gustong-gusto ko ng makaalala. Gusto ko, kasi gusto kung malala kung may anak talaga ako. Paano kung meron nga?

"Shh, wag ka nang umiyak?" ani Sam at umupo sa gilid ko at niyakap ako.

"Sam, paano kung, paano kung may anak talaga ako? Sam, paano siya?" umiiyak na sabi ko.

"Shh, di ba nangako ako sayo, tutulungan kitang makaalala? Maaalala mo rin lahat!?" sabi niya at hinagod ang likod ko at sinubukang patahanin.








Continue...

VOTE and COMMENT!!

I'm In Love with My HusbandWhere stories live. Discover now