SETH POVNasa Dorm lang ako nagkukulong dahil sa nagyari sa amin ni Sharina. Masakit sa akin na mag sinungaling ako sa kanya at layuan siya pero yon ang naisip Kong paraan nang mga oras na yon. Ang Sundin ang utos ni papa na layuan siya. Napabalikwas ako nang biglang pumasok si Nico na nagpupuyos sa galit.
“SETH NATHAN MONTEMAYORRRRRRRR” sigaw nito na mas kinabigla ko pa na naghudyat sa aking pagtayo. Bigla niya akong sinapak at kwenelyuhan kitang kita ko sa mga mata niya ang galit.
‘’ANO BA NICO? BITAWAN MO NGA AKO!’’ tulak ko sa kaniya na naging dahilan para maglayo kami nang bahagya.
‘’BALIW KANA BA HA? BAKIT HINDI MO AMININ KAY SHARINA NA IKAW AT SI NATHAN AY IISA? PINAHIHIRAPAN MO SIYA Seth! NAKAGAWA KANA NANG KASALANAN SA KANIYA KAYA SANA SINABI MO NA RIN SA KANIYA ANG ISA MO PANG SEKRETO!! "Naiinis nitong sigaw sa akin.
‘’Pre! Gustohin ko mang sabihin sa kaniya. Natatakot akong baka tuluyan niya na akong layuan. Mahal ko siya pre. Mahal na mahal.’’ Umiyak na ako nang tuluyan. Hindi ko na mapigilan ang damdamin na kanina ko pa pinipigil dahil sa nangyaring gulo sa aming tatlo ni vanessa at sharina.
‘’Ayusin mo ang gulo mo seth. Kaibigan kita at kaibigan ko rin si Sharina ayukong magtapos kayo sa wala. Ipagtapat mo sa kaniya ang katotohanan para hindi na kayo masaktan. Magpakatotoo kalang Seth ipakita mo ang totoo mong ugali hindi yong ginagawa mong masama ang paningin mo sa ibang tao tapos sa katauhan ni Nathan mo inilalabas ang tunay mong ugali.’’ Mahinahon at may diin niyang sabi sa akin at umalis na nang dorm ko. Napaupo nalang ako at iniisip ang lahat nang ginawa kong kamalian.
Unang kita ko palang sa kaniya ay nagustuhan ko na siya. Nakita ko kong paano niya tinulungan si Ruby ang naging Flavor of the Month ko at nakita ko rin kong paano siya naiinis sa akin. Kinamumuhian niya ako. Alam kong wala na akong pag-asa dahil sirang sira na ako sa kaniya. Isang araw nagbihis ako at bilang Nerd. Ginagawa ko naman talaga to para makalaya ako sa pagiging isang Seth montemayor na wala nang ginawa kundi gumawa nang masama sa paningin nang iba.
Oo ako si Nathan, Ginagamit ko ang katauhang yon para makawala bilang isang montemayor. O bilang isang SETH NATHAN MONTEMAYOR kinamumuhian at kinatatakutan nang lahat dahil sa pagkabasagulero at babaero. Kailangan kong gawin yon para matakot sila sa akin para na rin maialis ang dating Seth na binago ni Saffiyah na naging dahilan nang pagkamatay nito. Kong sinamahan ko lang sana siya nang araw na yon. Kong hindi ko lang sana piniling mag-aral noong araw na yon edie sana na samahan ko siya.
Naalala ko ang unang pagkikita namin. Hindi sinasadyang mapadako si Sharina sa Tree House na ginawa ko. Nagkapalagayan kami nang loob kaya mas nahulog ako sa kaniya bilang si Nathan. Hindi ko naman akalain na bibigyan ako ni mama ng tutor alam niyang hindi naman talaga ako bobo, sadyang ayuko lang mag-aral dahil na rin siguro sa pagrerebelde. Napalapit ako kay sharina sa mga oras na iyon at ginawa ko siyang Girlfriend para wala na siyang kawala sa akin. Pero hindi ko napigilan ang nangyari kanina sa Tree House. Hindi ko sinasadyang magtapat sa kaniya bilang si Nathan. Hindi ko gustong maguluhan siya.
**
Kinabukasan hindi ako pumasok dahil na rin sa Guilty ako sa ginawa ko kay Sharina. Nagkulong lang ako sa dorm ko maghapon. Napukaw ang pag-iisip ko nang may kumatok. Nagulat pa ako nang Makita ko sa labas si Ruby. Ayaw ko pa sana itong papasukin pero nagtuloy tuloy na ito sa loob.‘’Bat hindi ka pumasok seth?’’ tanong nito.
Imbis na sagutin ko ang tanong niya sinawalang bahala ko lang ito. Nararamdaman Kong hindi pa ring lubos na nagbabago itong si Ruby kahit humingi na siya nang tawad kay Sharina.
‘’Bat ka nandito Ruby? " tanong ko dito.
‘’Seth alam mong sa una palang mahal na mahal kita. Naging kaagaw ko si Saffiyah sa atensiyon mo tapos ngayon si Sharina naman. Seth kailan mo ba ako mapapansin ha? Ginamit ko lang si Sharina para mas mapalapit sayo" sabay halik at yakap nito sakin. Nabigla naman ako agad kaya ilang Segundo rin akong walang nagawa.
Nang bumalik ako sa wisyo. Naitulak ko siya nang malakas at nakapagsalita nang masasama sa kaniya.
“ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SA IYO NA HINDI KITA MAHAL! ATSAKA KAIBIGAN MO SI SHARINA ANG TOTOONG NAGMAMAY-ARI NANG PUSO KO. BAKIT NA GAGAWA MO TO SA KANIYA HA?
"Ginamit ko lang siya. Hindi kaibigan ang Turing ko sa kanya dahil siya ang may kasalanan Kong bakit ka nawala sa akin. Please ako nalang ulit Seth" umalis ako sa harapan niya ayuko nang pahabain ang usapan. Isa lang ang mahal ko at si Sharina iyon.
Umiiyak siyang lumabas sa dorm ko. Hindi ko na siya hinabol dahil na rin sa ayaw kong umasa pa siya.
BINABASA MO ANG
Light Elite Academy (COMPLETED)
Mystery / ThrillerMayroong tahimik na buhay ang mailalarawan sa isang dalagitang si Sharina Rodriguez. Mayroong masayang pamilya at mapagmahal na mga magulang. Pero nagbago ang takbo ng buhay niya ng malipat sa paaralan ng mga elite ( Ang Light Elite Academy) Patayan...