Gumaling naman nga ang paa ko pero naghihirap pa rin ako dito. It's my fifth day here in the province. I can't still adapt the life here. Masyadong mahirap at literal na mahirap talaga ang buhay dito. Every morning, nasa center kami para magturo sa mga bata. Last day, ibinigay ko naman sakanila yung mga napamili kong pagkain. Grabe, parang first time nila na maulanan ng biyaya. Well, the kids already love me! I'm just starting with my classy revenge already.
You're right! Gagamitin ko ang mga bata para makapag revenge kay Dr. Luv. Yung kay Danica naman, kinalimutan ko na muna. Besides, nang dahil sakanya marami pa kong nalaman tungkol dito sa Sitio Villarica. Kung ano ang strengths and weaknesses ng mga tao dito. Luckily, I just need to show them my halo, magbait-baitan para makuha rin ang loob nila. Nirerespeto naman nila ako dahil alam nilang kapatid ko si Kuya Aries. Saka, masyado pa silang maasikaso kaya hindi ko naman nararanasan na maging alila dito.
Not after Dr. Luv turned me to this. A lady who's too beautiful to carry pails full of water.
"Ate Mona! Nasaan na daw po yung tubig ni Doc? Subago pa daa yan" (Kanina pa raw 'yan)
"Can't you see I'm tired? 'Di ba nauso sainyo dito yung mag pahinga?"
"I record ko nalang daw po yung sagot niyo. Sige po mauna na po ako"
Ano yun? Talagang may dala siyang phone na ginamit niya kanina para mai-record yung sagot ko! No way! I don't want any extensions here!
Saka, balak ba niya na paliguan lahat ng bata dito? Paano ba naman kasi inutusan niya ko na mag igib ng tubig hanggang sa mapuno yung drum malapit sac enter. So, ano 'to? Pakagaling ng paa ko mababalian naman ako ng mga braso? Binuhat ko ang pang limang balde ng tubig para idala na sa center.
"Ija, bakit ka ba nag iigib diyan? Bumalik na ang tubig, ineng. Naku, napaka sipag mo naman!"
"May tubig na ho?"
"Oo, bumalik lang kaninang alas- otso y media"
"Ano?!!"
Muntikan ko nang matapon ang buhat kong timba. Eh halos kalahating oras niya na kayo akong pinag-iigib dito! Kalalaki niyang tao, ako pa ang inutusan na mag igib! GRRR!!
"Mona, are you okay?"
"Kung tinutulungan mo nalang kaya ako Kuya para maging okay ako!!!"
"Bakit ka ba kasi nag iigib diyan eh may gripo naman?"
"Trip ko lang sigurong gumamit ng poso! Hindi mo gets 'yon?", nagtiyaga nalang akong buhatin ang timba para matapos ko na rin ang paghihirap na 'to! Imbyerna!
Inabutan kong inaayos ni Dr. Luv ang mga sabon at tabo na gagamitin ng mga bata. Ang hirap-hirap naman ata ng ginagawa niya kumpara sa akin!
"Bakit ba hindi ka nalang gumawa ng swimming pool dito nang sa ganoon, hindi na ko mag igib pa ng tubig!"
"Oh, nakabalik ka na pala. Akala ko pa naman natabunan ka na ng mga timba kanina...", nang dahil sa sinabi niya ibinagsak ko ang timba matapos kong ilagay ang tubig sa loob ng drum.
"Kung nag eenjoy ka na paglaruan ako, pwes ako, hindi na ko natutuwa sa mga ginagawa mo!!", sobra-sobra na din kaya ang pagpapahirap niya sakin! Alam niya naman siguro na hindi ako sanay sa ganitong bagay diba? Manhid din eh!
"Teacher Mona! Inaaway niyo po ba si Dr. Luv? Hala ka, mahibi na iyan!" (Iiyak na 'yan)
"Ano? Alam mo, bata ka palang pero chismosa ka na. Bad yan ah, wag ka nang gumaya sa isa dyan na chismoso na nga pakialamero pa!! Gets mo?"
BINABASA MO ANG
Dating Dr. Luv
RomanceSYNOPSIS The hardest part on choosing who or what will stay just came to my life. Ito na ba yung resulta sa kabila ng pagbabago? That Doctor changed me. He gave me more than a medicine, or a treatment. He gave me the essence of forgiveness, second...