Isa itong kwento na di ko alam kung magugustuhan niyo .. haha :D pero free kayong magcomment . ;)
----------------------------------------------------
----------------------------------------------------
May crush ako sa isang kabarkada ng kuya ko na crush din naman ng kabarkada ko. Oh dba ang gulo?
Alam ko magagalit ang kaibigan ko pag nalaman niya na crush ko din ang crush niya. Kaso di ko talaga mapigilan eh. Anyway, ako nga pala si Shine. 16 years old, si Jel ang kabarkada ko at si Anthony ang pareho naming kinahuhumalingan. yeah wata word. haha :D
Di ko alam pero kapag nakikita ko sya eh parang may mga paru-parong nagliliparan at di mapakili sa aking tiyan. Sobra kong saya pag nakikita ko siya, kahit pa hindi niya alam na gusto ko siya.
Isa ko pang ikinatatakot ay ang aking kuya , haay buhay nga naman oh . haha .. kaso anong gagawin ko eh gusto ko nga yung tao di ba?
Lumipas ang ilang linggo tingin ko napapansin na rin ng kabarkada ko na may gusto ko sa crush niya pero di lang siya nagsasalita. Pero syempre gaya nya deadma na lang din ako.
Malapit lang ang bahay ng crush ko sa bahay namin kaya mas madalas ko 'tong nakikita compare sa kabakada ko. Minsan nakakakonsensya din. Naiisip ko masama ba ko na naging crush ko ang crush na ng tropa ko. Haay , anak ng tinapay naman oh.
Ano ka ba di mo naman kasalanan yun. tsaka crush lang din naman yun ni Jel, CRUSH nga diba hindi pa BOYFRIEND kaya wala syang karapatang magalit. ---- sabi ni Jim (bsfren ko)
Sabagay tama ka naman pero for sure masasaktan si Jel baka nga magalit pa eh :/ sagot ko ..
Oo nga, pero gaya ng sabi ko sayo wala syang karapatan. Wala siyang karapatan kay Anthony kaya wag kang matakot o mag-alinlangan na sabihin kay Anthony yang nararamdaman mo para di ka na din nahihirapan ---- Jim
Umalis na si Jim matapos naming mag-usap, pero ako, eto nag-iisip pa din. Nakakaloka na .. haha XD mahal ko na yata talaga siya.
Kinuha ko ang number niya (ni Anthony) sa isa kong kaibigan. Pero nang makuha ko na nag-aalinlangan pa ko kung itetext ko ba sya at kung ano nga bang sasabihin ko? Waaah.... Pano ba toh ?
Pero dahil gusto ko na talagang sabihin sa kanya na gusto ko siya nagtxt nako..
Hi ----- ako
Who's this--- Anthony
Aba , at paenglish english pa ang loko. Syempre i just said it on my mind ..
Ahm..Shine toh. Ikaw po ? ----ako
Antanga ko.. ako nagtext tas tinanong ko pa kung sino siya. Ano ba yan. Pero laking gulat ko ng ito ang ireply nya.
Rain po. Kanino mo pala nakuha number ko ? ---- Anthony
Waaaaa.. Rain daw ? Ano to lokohan ? Di ko alam kung anong trip niya . Pero alam ko si Anthony talaga yun . kahit nantitrip siya nagreply pa din ako.
Sa friend ko, si Rizza.. kilala mo ba siya ? sabi niya kase itext daw kita ----ako
Ah oo, kilala ko sya. Pinsan nga pala ko ni Anthony---- siya
Huli ka, oh diba sya nga yan. Di ako nagtanong pero siya na mismo nag-open. Naku, trip ako nito aah.
Aah pinsan ka pala niya.. Pero parang di yata kita kilala---ako
Oo. Madalang kase akong napunta dyan sa kanila. hehe----siya
Aah kaya naman pala . haha ---- ako
Crush mo ba si Anthony ? ----- siya
OHMY! grabe. natigilan ako sa tanong niya. di na ko makapindot sa keypod ng phone ko.. Anong sasabihin ko ? Eh alam ko namang siya ang katext ko. Ilang minuto na pero di pa rin ako nakakareply. Nagtext na sya ulet.
Too-Toot-Too-Toot.....
Ui. Ano ? Sorry ha. Nagtatanong lang naman eh. Pero ok lang kung ayaw mong sagutin---siya
Aah .. Hindi ako galit. Wag ka ng magsorry. Ok lang yun. ----ako
So, Ano na ? Gusto mo nga siya ?---- siya
Haay , grabe. Kala ko tapos na , di pa pala...
Oo .. Gusto kita ----- ako
Cancel cancel cancel.. Hala, anak ng tinapay nagsend .. Lagot!
Haha.. Alam mo palang ako toh? ---- siya
Hmmp.. Tawa ka dyan ? Bat ba kase nagkukunwari kapang Rain ang pangalan mo? Kainis >_< ---- ako
Sorry naman.. Gusto ko lang kaseng malaman kung gusto din ba ako ng taong gusto ko ---- Siya (personal na)
Dahil nasa labas ako habang katext ko siya . Nagulat na lang ako dahil paglingon ko nandun lang pala siya. Grabeeeeeeeeeeeeeeee. Gusto kong himatayin, pero di pwede .. Sayang ang moment .. haha XD Tulala ang peg ng ate niyo.
Huy. Ano na ? -- siya
Ka.. ka.... kanina ka pa dyan ? ----ako (nauutal pa)
Oo.. Kanina pa kita tintingnan---- siya (sabay ngiti)
Tulala again... with matching gulat. O_o
Shine, ano ba? gusto mo ko diba? Wala ng bawian--- siya (sabay lapit at hawak sa mga kamay ko)
O...o.... Oo , Anthony .. Gusto kita . Di lang gusto , mahal kita .. Mahal na mahal ---- ako
Mas mahal kita Shine ----- siya (sabay yakap sakin)
THE END :) ♥