Chapter 2

13.6K 305 6
                                    

Chapter 2: Meet-up

HINDI man gusto ni Gray na gumastos wala syang pagpipilian.

Isa sa mga natutunan nya sa art of lying, kung magsisinungaling ka kailangan mong gawing totoo ang kasinungalingan mo para kapag nagkabistuhanan na may mailalatag kang ebidensya para patunayang totoo ang mga sinasabi mo at iyon ang ginagawa ni Gray ngayon.

Dahil sa sinabi nya sa ina na pinatitira nya ang asawa sa bahay na binili nya na may hardin dahil mahilig ang asawa sa kalikasan, kaya napapasubo sya ngayon.

"You serious dude? Totoo pala na may binubuhay ka na ngayong nobyo? Para sa kanya rin ba tong bahay na binibili mo sakin?"

Carter Mort Guiterez is an acquaintance, katulad niya negosyante rin ang lalaki. He sales mansions, resorts and houses.

"What the hell Carter, huwag mong sabihing naniniwala ka na rin sa mga kumakalat na balita" hindi siya makapaniwala na halos lahat ng tao sa paligid nya naniniwalang bakla talaga sya.

"Bakit? Para saan ba ang bahay na binibili mo sa akin ngayon?"

"Kailan ka pa naging chismoso, Carter?" tumawa lang si Carter sa kabilang linya. "Hindi naman. Nagtataka lang talaga ako. You don't seemed gay to me. Hindi lang talaga ako makapaniwala"

"The house is for my wife" mahabang katahimikan ang namayani sa kabilang linya. At napakunot ang noo niya ng humalakhak si Carter.

"Dude you're hopeless. Pinagloloko mo ba ako. You're one hella scared of women tapos sasabihin mong may asawa ka na. I saw how you decline women who came for you. Hindi ka laman ng mga bars and I never saw you with any woman" Carter concluded. He know ang hirap paniwalaan ang mga pinagsasabi niya ngayon. Pero wala namang magagawa ang mga ito kung makikita na nila ang magiging asawa niya.

"I'm serious Carter" walang halong biro ang tunog ng pagkakasabi niya kaya napatahimik ito. "I know ayaw mong maniwala. I never been with girls you see because I'm fucking loyal man to my wife. Kasado na akong tao bakit kailangan ko pang pumasok pa sa mga bars. I don't want my wife to be jealous. In case you don't know but I'm a married man a year ago, hindi ko lang talaga sinabi" ilang mura pa ang sinabi nito sa kabilang linya kaya lihim siyang napatawa. Thats him a very expert liar. Kaya niyang magsinungaling ng hindi pumipiyok.

"Seryoso ka talaga Gray. Bakit hindi namin alam na kasal ka na pala?" he smirk at his question. Halatang gulat na gulat ito. Lahat ng magiging  posibleng tanong ng mga tao sa kasinungalingan niyang ito pinaghahandaan na niya ang sagot.

"Civil wedding" maikli niyang sagot, alam naman niyang naiintindihan na nito ang nais niyang sabihin. "So how much is the house with the garden?" pang-iiba niya ng usapan.

Hindi kaagad nakasagot ang kaibigan "Ten million for the house with a garden. Maganda ang bahay kaya magugustuhan ito ng asawa mo. Kailan mo titingnan ang bahay?"

"No need for that masyado akong abala ngayon sa kompanya. Just send me the address of the house and tomorrow asahan mo ang bayad na nasa bank account mo na" hindi na niya hinintay na makasagot ang kausap, kaagad niyang ibinaba ang tawag.

Napabuntong-hininga siya. Hinilot niya ang sentido at humilig sa kanyang swivel chair. He's exhausted.

Pinindot niya ang intercom at tinawag ang sekretarya.

"Bakit ho sir?"

"What's my appointments for this day?" tiningnan naman ng sekretarya ang dala nitong tablet bago siya sinagot.

"After lunch sir may meeting po kayo kay Mrs. Cozun of Cozun Real Estate pagkatapos naman po ay meet-up niyo kay Mr. Chua para sa proposal nito para sa kompaniya. Kinagabihan kailangan niyo pong kausapin si Engineer Ignacio para sa reconstruction ng hotels sa Morfrenque-" hindi na niya pinatapos ang sekretarya

THE CEO'S HIRED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon