13: Family Outing???

1.7K 62 2
                                    

Naglelesson na si mam, nakakaantok naman oh. Nakakaantok na nga yung lesson, nakakaantok pa magsalita yung teacher, para bang bawat salita nya lullaby na sa sobrang boring nyang magsalita.

Natapos na rin yung 1 week na pagpapakasaya namin pagkatapos nun tambak ang mga project and exams buti nga nakasurvive pa kami eh, at eto 5 months na ang nakalipas.

Ng biglang may kumalabit saakin sa kaliwang elbow ko,lumingon naman ako kaso oo nga pala, wala naman taong naroon. Shonga lang hahaha.

"Joaquin" Madiin na may pagkahina na tawag ko sakanya alam ko naman na sya yun

"What?" Tanong nya na may pangaasar na ngiti. Sinimangutan ko naman sya "Okay okay, baka kasi may pumasok eh haha"

Agad ko naman tinakpan yung bibig ko, ganoon ba ka laki yung bibig ko?

"Ang cute mo" sabi nya sabay pisil ng left cheek ko.Anong problema nito?

"Ms. Tampipi and Mr. Delosreyes!!! Please proceed to the principle office now" biglang sabi saamin ni ma'am, sabay namain kami napatingin kay ma'am at unti unti na rin nyang tinanggal yung pagkakurot nya sa pisngi ko

Hal! Ano nanaman bang nagawa netong lalaking toh at nadamay nanaman ako?! Bakit pinapapunta kami sa principle office? huhu. Strike four na ako this year ah.

Tinignan ko naman ng masama si Joaquin, ayun parang nagmamaangan pang wala syang ginawa. Kunyari innosente

Argh! Salamat Joaquin ah! Grabe, pahamak talaga.

Kaya umingay ang buong classroom at ang nagpasimuno yung barkada ni Joaquin. Aish.

"Ma'am bakit daw po?" Tanong ko kay mam

Sana hindi yun tungkol sa ginawa ni Joaquin kanina,against kasi yun sa PDA law dito eh... huhuhu

"Walang nakasabi Ms. Tampipi pinapapunta lang kayo roon"

Lumabas na ako papunta sa principle office kasama si Joaquin

Nakakailang lang kasi hanggang sa makarating kami ng principle office nakaholding hands pa kami habang nakatingin ang mga tao saamin!

Andito na kami sa tapat ng principle office at pagkabukas ko nakita ko sila mama at yung mama ni Joaquin andun nakaupo.

Andito si mama? Ghad! Mas lalo tuloy akong kinabahan! Yung tipong kahit ayoko mas lalo kong hinigpitan yunv hawak ko kay Joaquin

"Ang sweet nyo naman" sabi ni mama

Mama talaga oh! Pagdating sa love parang ewan kung makatukso kung andito lang si kuya pagtatanggol ako nun

"Trrruuuuee nakakamiss tuloy ang magging teenager haha" sabi ng mama ni Joaquin at nakipagapir kay mama

Close sila?

Humarap ako dito sa katabi ko at ang loko sumama rin sa tawanan nila.

"Okay Ms. Tampipi and Mr. Delosreyes you may have your seat first" sabi ng principle

Umupo naman kami ni Joaquin, tumabi pa rin sya saakin mukha ba akong magnet at sya naman yung metal para palagi syang dikit ng dikit saakin

"Okay kayong dalawa, excuse kayo kasi may importante daw kayong pupuntahan" sabi ng principle na kinagulat ko. Tiningnan ko si Joaquin at tumango naman sya ng nakangiti para bang alam nya kung anong nangyayari.So ganun? Ako lang walang alam, kawawa naman ako!

Umalis na kaming dalawa ni Joaquin at nagholding hands ulit, hindi naman akong tumutol kasi andoon yung mommy nya

Ng makarating na kami sa classroom nagingay nanaman sila kasi nakita nilang nagliligpit kami ng mga gamit namin

Magugustuhan mo rin ang

          

"Uyyyyy magbabakasyon kayo? Nako nako alam na!!" Sabi ni Drake

"Hoy! Ayaw ko pang magging ninong!" Sabi ni Kiddo

"Good luck guys, no dirty bussiness!" Sabi ni Charles

Mga g*go talaga yung mga ito haha

"Salamat mga pre haha" sabi ni Joaquin sa kanila at nagsalute. Minsan talaga hindi ko gets ang mood neto, nakakalito!

Nauna na sya sa labas kesa saakin kasi may kakausapin pa raw sya roon. Edi sino pa ba? Edi si Gizel?

Nagkataon kasing nasa labas si Gizel at nakita ni Joaquin so nagpaalam sya, malay natin pinapasunod nya sya para hindi boring

"Huy! Saan kayo pupunta?" Sabi ni Ella

"Ewan ko ba kay mama at dun sa mommy ni Joaquin kung saan kami pupunta"

"Mukhang na set-up kayo ha hahaha" sabi nya at tumawa ng parang baliw

"Hindi siguro baka may family outing lang"

"Hala family outing kasama yung family mo at family nya?? Aba matinde! Mukhang napagkasunduan nakayong dalawa"

"Gaga ka talaga noh! Think positive hindi possessive!" Sabi ko sabay binigyan ko sya ng mahinang sampal

"Aray! Oh paano ako nanaman magisa mamaya, sila Cass at Marion kasi eh may kasamang iba!"

"Kawawa ka naman" sabi ko at tinaptap lang yung ulo nya "Babalitaan nalang kita kung saan kami pumunta" tuloy ko at lalabas na sana

Pero bigla akong pinigilan ni Kiddo at may binigay saakin

"Oh toh pangontra" seryosong nya tapos binigay yung parang gamot pangontra sa pagbubuntis

"G*go!" Madiin na bulong ko at ibinato sa mukha nya yung gamot na binigay nya

"Peh loko ka talaga, kiddo" sabi ni charles at tumawa pa

Lumabas na ako baka kasi pagalitan pa kami ni ma'am haha kung ano ano kasing dinadala yun eh haha

"Huy ayaw mo talaga! Bahala ka na sa huli ang pagsisi!!!" paghabol niya hahaha parang ewan lang

Joaquin's POV.

Buug

"Ano yun?" Tanong ni mommy

Nakita naman namin si Lyn ayun nakanganga habang nakauntog ang ulo sa bintana hahaha

Kung ako lang asa labas malamang sa malang pipicturan ko na sya hahaha. Ang gandang pang post oh, magiging viral siguro toh hahaha.

So ayun nga yung ginawa ko pinicturan ko haha, huli ka balbon haha

"Anak naman, kahit kailan talaga. Ilagay mo nalang yung ulo ng bebs mo sa shoulder mo" sabi ni mommy

"Ayaw ko nga" sabi ko at nagpatuloy sa pagtext kay Gizel. Hay nako ang kulit naman tong babaeng ito, hindi naman kami.

"Joaquin!"

Sinandal ko na yung ulo nya sa shoulder ko at grabe! Babae ba toh? Lumakas yung hilik pero pahina ng pahina naman din

"Hay nako ang baby ko, pagod nanaman. Ganyan kasi yan pag pagod humihilik ng malakas" sabi ng mama nya. Pero para saakin mukhang ganito talaga matuloy si Lyn hahaha parang lalaki.

Tuloy tuloy pa rin ako sa pagtext napansin ko naman basa na yung balikat ko

"Sh*t Lyn!!"

Para kasing tanga eh nalalaway habang natutulog,napatawa tuloy sila mommy

Great! So ako ngayon ang magpupunas nito? No way!

Tinulak ko na yung ulo nya

Buugg

"Putcha! Aray!"sabi nya sabay hawak sa noo nya

"Buti nga" sabi ko at nagbelat

"Arghh! Ikaw siguro ang may kakagawan nito noh! Langya ka! Ang ganda ganda na sana ng panginip ko kung hindi ka umiksena!" Sabi nya sabay hampas saakin. Ano ba yan?!

Lyn's POV.

Magkikiss na sana kami ng isang lalaking malabo ng panaginip ko kaso biglang

Buugg

"Putcha! Aray!" Sabi ko kasi naman ang sakit kaya. Try mong mauntog sa salamin ng sasakyan ng malakas tignan natin kung hindi ka masasaktan at aalog yung utak.

Buti nga hindi ito nabasag eh. Patigasan kamo kami ng ulo hahah pero aray ang sakit

"Buti nga" biglang sabi ng katabi ko

"Arghh! Ikaw siguro ang may kakagawan nito noh! Langya ka! Ang ganda ganda na sana ng panginip ko kubg hindi ka umiksena!" Sabi ko at pinaghahampas siya

Nakakainis naman talaga eh, sa sobrang inis na papaiyak na ako. Tsss panira nalang palagi ng eksena

"Oh shhh. Tahana bebs" sabi nya habang nilalapit nya ang katawan nya saakin at unti unting binalik ulit yung ulo ko sa balikat nya pagkatapos hinalikan yung noo ko

"Che!"

Pero parang gumaan ang loob ko nun hindi man sa lips yung kiss pero parang ang saya ko na, what's happening to me??

"Ako ba yun napaniginipan mo?" Tanong nya at ngumiti

"Wala kang pake" sabi ko pero nakasandal parin yung ulo ko sa balikat nya. Naramdaman kong tumawa sya ng mahina at ginulo yung buhok ko

"Kilig much naman!" sabi ni mama na kanina pa pala nakatingin saamin

-//////- So embarasssing

Tumingin nalang ako ng masama kay Joaquin at nagkiler smile nalang sya

Pak

"Ouch!" Sabi nya at ako naman tawa ng tawa

Kaloka kasi tong katabi ko eh hahahaha.

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon