Prologue

22 2 1
                                    


~*~

PROLOGUE

~*~

       "This is what you called... living the moment." saad niya at nilahad ang kamay sa aming harap. Ipinakita mga kaibigan naming mga baliw, kung makatawa ay parang nasisiraan na ng ulo.

     Wala silang pakialam kung may ilang taong tinitignan sila na para bang nakatakas sila sa mental hospital.

     I chuckled as I saw my friends, running around while throwing sand at each other's faces while some of them were holding water guns, shooting each other whenever they had the chance.

     Feeling the softness of fine pure black sand against my feet while I hear the wild waves crashing to the shore with much intensity, the salty breeze was blowing into my face and making my long hair a huge mess. My eyes began to blur.

     I feel at peace.

     In tranquility.

     For once in my life, I feel contentment in my heart.

     I don't have anything to ask for.

     They are enough. More than enough, actually.

     What could go wrong?

     My friends saw us and excitedly waved their hands to us.

     Nginitian ko sila ng matamis kahit nanlalabo ang mga mata dahil sa namumuong luha ay masigla ko silang kinawayan.

     Yeah... What could go wrong?

     Or so I thought.

     Nagsimulang bumuhos ang ulan, ang malakas na hangin ay humahagupit, kadiliman ay unti-unting lumulukob sa buong kalangitan, kulog at kidlat ang namayani sa buong kagubatan kasabay ang isang nakakarinding palahaw ng mga halimaw.

     Tumigil kami sa sobrang hingal, tinukod ang braso sa malapit na puno habang hinahabol ang hininga.

     Tinignan ko siya at naawa sa kalagayan niya.

     Nakaluhod na ito sa maputik na lupa dahil sa sobrang pagod. Nilapitan ko siya at kinulbit sa balikat.

     "Tara na."

     Hindi siya makatayo ng ayos kaya isinabit ko ang isang braso niya sa aking balikat at pinalibot ang kanang braso ko sa kaniyang bewang upang alalayan siya.

     "Shit." Mura niya.

     Suminghap ako. Pinilit ang sarili na tatagan ang loob.

     "We're going to get there alive." I convinced him. Kahit ramdam ko ang panghihina niya ay tumango siya at nginitian ako.

     Gumimbal ang buong pagkatao ko nang isa na namang palahaw ng halimaw ang umalingawngaw sa kagubatan, at ngayon ay malapit sa lugar namin.

     Mariing pinikit ko ang mga mata nang pinatong niya ang nanghihina niyang kamay sa kamay kong nasa bewang niya.

     Tumigil kami sa paglalakad at nilingon siya.

     Ang pinipigilan kong hikbi ay kumawala.

     Bakit ganito?

     Bakit ang bilis naman bumawi?

     Parang kailan lang na masaya ako, bakit ngayon pa?!

     Bakit ba hindi patas ang mundo pagdating sa akin?!

     "Putangina." malutong na mura ko.

     Hinaplos niya ang aking mga pisngi at pinahid ang luha ko sa aking pisngi gamit ang kaniyang hinlalaki.

     Nilapat niya ang kaniyang labi sa aking labi at hinagkan ako. Pinikit ko ang mga mata.

     Hiniwalay niya ang kaniyang labi at nilapit sa tenga ko, binulong ang mga katagang ikinakatakot kong marinig mula sa kanya.

     Dinilat ko ang mga mata saka kinuyom ang mga kamao, samu't-saring emosyon ang lumulukob sa aking pakiramdam.

     Gulat, sakit, labis na pagkalungot at panghihinayang.

     Humiwalay siya sa akin at hinarap ako.

     "Now, Run."

     Hindi ko siya hinayaang sabihin ulit ang utos niya kaya kahit taliwas sa loob ay sinunod ko siya.

     Tumakbo ako papalayo at ramdam kong tanaw niya pa rin ako.

     Isa na namang nakakabinging palahaw na naman ang namayani sa tahimik na kagubatan kaya hindi ko na napigilan ang sariling lumingon sa likod.

     Saktong kumidlat kaya nahagip ng mata ko ang kaniyang matikas na likod, matapang na hinarap ang halimaw sa kaniyang harap, hawak ang isang mahabang espada.

     At kasabay ng pagkulog ay umatake sa kaniya ang halimaw habang ako'y tumakbo papalayo sa mundong ito.

~*~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Promises of the WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon