ONSE

28 17 3
                                    

ONSE

Margaux's POV

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa sofa. Nagising na lang ako ng may biglang umupo sa tabi ko. Si Keith.

"Oh? Anong nangyari sayo? Bakit mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa dyan?" Natatawang tanong ko sa kanya habang bumabangon sa pagkakahiga. Medyo malat ang boses ko dahil bagong gising nga.

"Wala." Tipid na sagot nya at nagcross arms. Isa lang naman dahilan nito lagi kapag nawawala ito sa mood eh. At hindi ano, kundi sino.

"Si Lloyd na naman ba?" Tanong ko sa kanya. Napatingin naman sya bigla sa akin at umiwas rin agad ng tingin. Mukhang namula.

"H-ha? H-hindi no!" Sabay tingin sa malayo para itago ang mukha nyang namumula.

"You sound guilty. Too defensive." Saka ko lang narealize na nagaya ko pala yung sinabi ni Ethan kanina.

"Hey! That line is mine!" Speaking of. Narinig ko mula sa likod ko si Ethan. Agad akong lumingon sa kanya at tinarayan ito.

"And so? You don't care!" Saad ko naman sa kanya. Tumingin muli ako kay Keith at ito ang loka, may nakakalokong ngiti sa mga labi.

"Eh sa inyo, anong nangyari? Mukhang LQ kayo ah?" Pang-aasar sa amin ni Keith. Tumabi sa kanya si Ethan at inakbayan ito.

Bigla naman nag-init ang kamao ko at parang gusto kong bigwasan itong si Ethan. Talagang sinasaktan ako! HUHUHU!

"You know Keith." Tumingin muna si Ethan sa akin bago ituloy ang kanyang sinasabi. "Q lang, hindi LQ. For your information, we're not LOVERS." Talagang diniinan ng walang hiya ang word na LOVERS. May pagsenyas pa sa kamay nya ng quotation marks.

"Paano ba yan bes? Mukhang ako ang bet ni Ethan?" Taas babang balikat na sabi ni Keith sa akin.

Talagang pinagseselos ako nitong dalawang ito ah. Pinagtutulungan pa talagang durugin ang aking durog nang puso. Mga taksil! WAAAA!!

"Whatever!" Nasabi ko na lang at saka umalis. Narinig ko pang naghagikhikan pa itong dalawa.

Kalma Margaux, inaasar ka lang nila. Jusko! Di ba nila alam yung kasabihang, 'Biruin nyo na ang lasing, huwag lang ang gising'?

Pumunta na lang ako sa kusina at naabutan ko sina Kyle at Lance na nagpiprepare na ng mga pagkain sa dining table. Tumulong na rin ako para mapabilis ang pagiintindi. After that, pumunta na ako sa taas para tawagin yung iba.

Nang mapadaan ako sa sala kung saan naroon sina Keith at Ethan, biglang inakbayan ulit ni Ethan si Keith at kunwari nagkikwentuhan sabay magtatawanan. Tapos titingin sa akin at tatawa na naman. Pinag-iinit nila talaga ang ulo ko, pigilan nyo ako. Kahit mga kaibigan ko ang mga ito, papatusin ko sila.

Pumasok ako sa kwarto naming girls at saktong gising na silang dalawa.

"Girls, kakain na!" Anunsyo ko.

"Ah sige, Vien mauna na kayo ni Margaux may gagawin lang ako saglit." Seryosong sabi ni Jasmin.

Nakakapanibago ang kinikilos ni Jasmin ngayon. Ngayon lang ulit sya nagseryoso, kadalasan kasi isip bata yan eh.

Pumayag naman si Vien at sumama na rin sa akin para tawagin yung mga boys. Isa-isa kong kinatok ang mga kwarto. Ngunit wala yung mga boys sa una at pangalawang kwarto. Sa pangatlong kwarto naman ay nakita namin si Lloyd na nag-iisa lang sa loob at tulala ito.

"Huy! Baka ka malunod!" Sigaw ko sa kanya habang nakasilip sa kwarto nila. Bahagya itong nagulat at napamura pa ng mahina. "Ang lalim kasi ng iniisip mo. "

TRESETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon