SURVIVE 39

19 8 2
                                    


Survive 39

Hard-headed

Bangag ka, Bri. Bangag na bangag. Nandito ako ngayon sa kwarto ko, parang tangang pilay na tumatalon. Hindi ako makagalaw nang maayos! At meron pa kong race mamaya! Anong gagawin ko? Naman kasi eih, mamayang-mamaya susunugin ko na talaga yung heels na yun. Kainis kasi eih.

Kahit ganun ang kalagayan ko ay pinilit ko pa ring maligo kaysa bumantot ako maghapon. Pupunta muna ako nang hospital mamaya para mabawasan naman yung sakit. It's swollen as hell. Isang buwan na talaga akong hindi muna maghi-heels.

Kaya ganun nga ang ginawa ko. Dumiretso ako sa hospital kung saan nagta-trabaho si Doktora. Kahit mahirap mag-drive dahil kanang paa ko pa talaga yung na-sprain. Saktong pagpasok ko ay nakita ko siya.

"Gamutin mo ko, Dok." nakangusong sabi ko sa kaniya.

Nag-alala naman siya. "What happened?"

"Na-sprain ako kagabi. Huhu."

"Hayst. Hindi ako gagamot niyan. May operation ako in five minutes. Halika at dadalhin kita sa ER." tinulungan niya kong pumunta sa ER.

Sinabi niya sa isang doktor ang kalagayan ko kaya agad naman ako nitong inasikaso. Di naman niya ko iniwan doon. Tinanong niya ko nang sandamakmak na tanong.

"Ano bang nangyari."

"Pagdating ko kasi sa bahay kagabi, dumiretso ako sa higaan nang di ko nahuhubad yung heels ko. Tapos nang tumayo ako biglang kumidlat. Nagulat ako."

"Tss."

"Ma'am, mukhang kailangan mo munang mag-stay dito sa hospital dahil mukhang hindi to gagaling agad." agad kong nilingon ang Doktor na umaasikaso sakin.

"What?!"

"Sundin mo ang Doktor mo, Breyilin."

Agad akong nangatwiran pero wala, talo ako. May binigay sila saking form at pina-fill up-an yun sakin. No, hindi pwedeng tumagal ako dito. Meron pa kong race mamaya. No waaay!

"Dok, mukhang di naman to malala eih. Nakakalakad pa naman ako eih."

"Shut up, Breyilin. Kung tinawagan mo sana ako kagabi, di na sana yan lumala."

Napanguso naman ako. Pinagmasdan ko ang paa kong may bandage. Wala na ba talaga akong magagawa? Sinubukan kong galawin yun at nagawa ko naman. I need to go.

Saktong kailangan na si Doktora sa OR at umalis na yung Doktor na umaasikaso sakin dahil may bagong pasyenteng dumating. This is my chance. This may be a dumb move, but I really need to go.

Luminga ako sa paligid at nang makitang busy ang lahat ay tumayo ako at dahan-dahang naglakad palabas nang ER. Pahirapan pa ko sa pagtago pero nagawa kong makalabas. Paika-ika pa ko pero pinilit kong makalabas nang hospital. Sorry my feet, but I really need to go.

"Akala ko di ka na dadating." sinalubong ako ni Stella na ngayon ay mukhang nagtatago sa media. Alam kong ayaw niyang tanungin na naman siya tungkol sa ex niya.

Napapangiwi ako minsan dahil kumikirot ang paa ko. Promise self na uuwi tayo agad at magpapahinga pagkatapos nito. Okay? Hayst. Ayaw kong bumalik nang hospital dahil papagalitan lang ako ni Doktora.

Nang makapag-ayos na ko ay hinanda na ang sasakyan ko dahil ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang karera. Ngumisi ako nang makitang marami akong fans dito. Nice, nabawasan yung sakit. Hold on muna, okay?

Nang makapasok na ako sa loob nang sasakyan ko ay huminga ako nang malalim. I can do this. You can do this, Bri. Ni-check ko ang paa ko at maayos naman iyon. Naka-boots pala ako ngayon, yung medyo maluwag sakin. Ayokong madagdag ang bugbog nang paa ko.

SURVIVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon