A/N: BEFORE YOU PROCEED TO THE STORY PLEASE READ THIS FIRST.
Guys gusto ko lang sabihin sa inyo na please be patient and be understanding. Kung matagal man ang update ko minsan or ng ibang author ng binabasa niyong stories ay dahil hindi po madali ang magsulat. Ask for update in a nice way. Nakakawala kasi ng gana at nakaka-offend pagkatapos kong mahirap para bigyan kayo ng update. Mas naiintindihan ko kapag ganon pero hindi ko pa rin maipapangakong makakapag-update ako agad agad.
I'm really trying my best here na makapag-update asap pero minsan hindi talaga kaya kapag sobrang blangko ng utak ko. Iyon lamang po, humihingi lang po ako ng konting pag-intindi at pasensya. Thank you! Keep safe and stay hydrated. God bless you all!
=====
Coleen's POV
Sinipa ko nang malakas ang pintuan dahilan upang makalas ito at mahulog sa sahig.
Bumungad sa paningin ko si ang babaeng kanina pa nagpapakulo ng dugo ko. Mukha siyang gulat na gulat at parang takot pa habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa akin at sa hawak kong Katana na puno ng dugo.
"Doktor ka ba talaga? Bakit mukhang takot kang nakakita ng dugo?" Taas kilay kong tanong sa 'personal doctor' ni Andrei na si Zyna.
"Hindi ako sa dugo natatakot, sa hawak mong espada na puno ng dugo ako natatakot. P-Pinatay mo ba ang mga bantay sa labas?" Tanong niya habang nakaupo sa gilid ng kama.
"Ano pa nga ba? Alangan namang hayaan ko lang silang patayin ako? Tss." Pabalang kong sagot at mabilis akong lumapit kay Max.
"Anong nangyari sa kanya?" Agad kong tanong ng makita kong wala siyang malay.
"Marahil ay binigyan siya nang pampatulog kaya hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay." Sagot naman ni Zyna.
Hindi ko na siya pinansin at mabilis kong kinalagan si Max. Habang inaalis ko ang nasa kamay niya ay may bigla akong naalala.
Patingo na kami sa bahay ni Timothy ng may mapansin kaming sasakyan sa harapan.
Biglang pinaharurot ni Knight ang sasakyan at hinarangan ang daraanan nito saka kami bumaba.
Agad din namang lumabas ang matandang babae mula sa sasakyan.
"Ano bang nangyayari? Pwede bang itabi niyo na ang sasakyan niyo dahil nagmamadali ako-"
Mabilis na lumapit si Knight at hinablot ang pisngi ng babae. Sandali silang nagkatitigan hanggang sa bitawan niya na ito.
"Go." Wika ni Knight.
Tulala naman ang babaeng pumasok sa kanyang sasakyan at nagulat ako nang pumihit ito pabalik.
"Saan pupunta 'yon?" Taka namang tanong ni Andrei.
"She's the doctor who will abort our baby." Seryosong sagot ni Knight.
Napalunok ako. Mabuti na lang pala at naabutan namin 'yon.
"Anderson." Muli nitong sambit.
"Yes, master." Agad na sagot ni Andrei.
"Call your doctor. Papuntahin mo siya rito."
"Si Zyna?" Takang tanong ni Andrei.
"Kailangan nating kumuha ng kapalit para hindi sila makahalata."
Muli kong tiningnan si Zyna sa tabi na mukhang takot pa rin.
Sa madaling salita ay kinuntsaba namin siya upang palitan 'yong doctor na na-hypnotized ni Knight para hindi matuloy kina Timothy.
YOU ARE READING
Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)
ערפדיםBook 2 of Engaged With The Vampire King.