P48

1.1K 35 2
                                    





               Ilang linggo narin kami sa mansyon at natitiyak kong isa 'yun sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Hindi lilipas ang araw na nawawalan ako ng ngiti lalo na at nakikita ko kung paano napapalapit si Morgan kay Connor. Iniisip ko na ngang mas mahal niya ang kaniyang ama kesa sakin pero natatawa nalang ako dahil doon. Mas lamang parin ang pagmamahal ko sa kanilang dalawa.

  
                 Nakangiting tinatanaw ko lamang sila na nakaupo sa damuhan sa may hardin ng mansyon. Parehas silang seryoso sa nilalarong board game na Snake and Ladder, ang cute na mukha ng aming anak ay lukot at parang hindi na natutuwa dahil laging nakakain ng ahas ang kaniyang pato at ganun din naman ang kaniyang ama. Parehas silang lunod sa larong 'yun na para bang nakikita ko ang maliit na Connor dahil kay Morgan. Walang itulak-kabigin sa katotohanang kamukha niya si Connor ng higit kesa sakin.

               "Argh! Madaya ka po!"

               Nakatayo na ngayon si Morgan at nakatitig sa pato ng kaniyang ama. Lalong lumukot ang mukha neto na pinagmamasdan naman ni Connor habang may ngiti sa labi.

                   "What? No, baby! Tama ang bilang ko," depensa ng kaniyang ama.

                    Umikot naman si Morgan sa pwesto ng kaniyang ama at tiningnan ang dice at pato niyon. Hindi pa siya nakuntento at talagang kumandong pa siya kay Connor na ikinatawa ng huli.

                   "Hindi! Nakita ko po na nandito ang pato niyo. Lima ang lumabas sa dice tapos sobra ang hakbang niyo, papa!" paliwanag ni Morgan habang nagtuturo pa sa board na sinundan naman ng mabining tawa ni Connor.

                  "No, son. Dito talaga ako kaya sakto lang ang talon ko,"

                  "Hindi nga po, papa! Dito ka, dapat kain kana ng snake. Bilang ko po 'yun!"

                  Kita ko kung paano nanggigigil na hinalikan ni Connor ang anak sa pisnge dahil sa cute netong busangot na mukha.

                  "Alright, that's it buddy! Papa will go back five times. Son, kahit bumalik si Papa ng limang beses mananalo parin ako. That means mas mahal ko ang mama mo," pang-aasar pa ni Connor sa bata.

                 Bahagya akong natawa sa kung anong pustahan nila para sa larong 'yun. Alam kong hindi papatalo ang maliit na batang 'yun pagdating sa usaping pagmamahal sakin.

                  Agad tumayo si Morgan at saka bumalik sa pwesto ng may determinadong mukha at saka galit na bumaling ng tingin sa ama na lalong ikinatawa neto.

                  "Mas mahal ko siya kaya mananalo ako!"

                   "Alright, little man you love her but I love her more than you do,"

                     "No. I love my mama more than you do,"

                     Nagtatalo talaga silang dalawa kung sino ang may mas mahal sakin ng sobra. Hindi na ata nakatiis ang bata kaya bigla itong umiyak kahit nagpipigil ng luha. Kita ko ang taranta sa mukha ni Connor. Agad niyang tinabi ang board games at saka inabot si Morgan at inupo 'yun sa kaniyanv kandungan.

              "Hush now, my man. Sige na, mas mahal mo na ang mama mo. Mahal natin siyang pareho pero sige, you love her more than I do," pagpapakumbaba netong alo sa umiiyak na bata.

              Natatawa akong lumabas sa bahay at saka lumapit sa kanila. Nang makita ako ni Morgan ay agad itong tumayo at sinalubong ako. Binuhat ko naman agad ito kaya isiniksik neto ang ulo sa leeg. Pinakatitigan ko naman si Connor na nakatinga samin.

               "I didn't mean to make him cry, love. Damn, I love you but it looks like that I have a true rival now," aniya na ikinatawa ko.

                 "Mahal ko naman kayong dalawa kahit anong mangyari o kung sino ang mas nagmamahal sakin sa inyong dalawa,"

                  Inabot niya ang aking kamay at saka dinala 'yun sa labi niya upang bigyan ng magaang halik.

                "It looks like the 'I love you more than I do' is finally real. Even my offspring loves you more than me. Punong-puno kana ng pagmamahal namin, love. Dalawa na kaming lalaking nagmamahal sayo and it would stay as long as I turn into ashes,"

              "I love you too,"

               Tumahan din naman ang bata at nagsorry sa kaniyang Papa na tinawanan lang naman neto. Sa huli ay niyaya ako ni Ate Francia samahan siya para mag-grocery. Gusto ko sanang nandun lamang ako sa bahay para sa panghapong session ni Connor para sa practice niyang paglalakad pero sinabi niyang sumama nalang muna ako kay Ate Francia kaya ganun nga ang ginawa ko, naiwan naman si Morgan dahil gusto daw niyang i-cheer ang kaniyang Papa.

             Nagsama lamang kami ni Ate Francia ng 2 katulong at saka tumulak na para mag-grocery.

             2 malalaking cart ang tulak namin ni Ate Francia, ako na sa isa habang yung isang katulong naman doon sa isa pang cart dahil medyo nangangalahati na ang laman niyon at buntis si Ate Francia baka mapano pa siya kung magtutulak pa siya ng mabigat na cart. Ako naman ang may hawak ng isa pang listahan kaya nag-iikot-ikot din muna ako upang hanapin ang nakalista.

              "Ate Francia, ilang marami ba ang kailangan mo netong mga prutas?"

              "Oo sana, yang mga 'yan ang mga natitipuhan kong kainin ngayon eh,"

           Tumango ako at nagpaalam na pupunta sa nakahilerang prutas sa bandang gitna ng grocery store sa loob ng mall na 'yun. 

               Pinipili ko yung maayos at walang masyadong mga sugat sa balat na prutas. Tinulak ko ang cart kaya nabunggo niyon ang isa pang cart!

               "Hala, pasensya na! Pasen—" natigil ako at ang may-ari ng cart ng magkatitigan kami.

                 "C-caina?" Mahinang tanong neto habang titig sakin.

                 Napalunok ako at agad na umayos ng tayo at ganoon din siya. Matagal na pala talaga ang panahong wala ako. Iba na ang kaniyang hitsura. Mas lalong naging manly at responsableng tingnan. Maging ang dati niyang hilig na gupit sa buhok ay iba narin. Mas lumapad din ang kaniyang mga balikat at lalong tumangkad.

                "K-kamusta, Nate?" kiming tanong.

                Parang nauupos ako. Nahihiya akong humarap dahil iniwan ko siya noon ng walang pasabi. Nang walang closure. Nang walang paliwanag.

                 "I'm doing great, Caina. I-ikaw?" aniya.

                 Napakurap naman ako bago tuluyang ngumiti sa kaniya. Hindi na ako bata, dapat alam ko ng harapin ang mga ganitong pagkakataon.

                "Ayos naman. Masaya. Ahm...sige, masaya akong makita ka ulit, Nate. Matagal din ang pitong taon. Mauna na ako sayo?"

             Muli akong ngumiti at hinila ang cart upang makaalis pero hinawakan niya 'yun kaya natigil ako. Bumaling ako sa kaniya ng may pagtatanong sa mata.

                "Can we talk? Please?" aniya.

             Umusbong ang kaba sa aking dibdib ngunit agad din akong bumungong hininga. Siguro nga ay kailangan ko din isara kung ano bang nakaraan samin.

                Dapat ko ng isara kung ano man yung mga pangyayaring naiwan kong bukas. Lalong-lalo na sa parte ni Nate, alam kong sobra ang naramdaman niya noon dahil sa ginawa ko. Kaya ngayon ay handa na akong tapusin 'to. Hindi na ako tatakbo at magtatago. Hindi na kailanman.

___________________________

      See you sa next update, dear'❤️

Caina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon