papel se casarmiento 4

3 0 0
                                    

Two years later....

"What is it, Tim?" Wika ni georgie pagkapasok sa opisina ng president. CEO and finance officer ng montalban group. Si timotheo montalban. And she adressed him as plain 'Tim' .

"Sit down," wika nito, in-indicate ang katapat na silya.

Pinagbilinan siya nito na dumaan sa opisina nito bago umuwi. Habang palapit sa parehong silyang iyon nang inuupuan niya two years ago, parang gustong matawa ni georgie. Ganoon ang nararamdaman niya kapag bumabalik sa kaniya ang insidenteng iyon two years ago. When she was freshly graduate na nag-i-steuggle magkaroon ng lugar sa corporate world.

Now she was an assistant finance officer. How was that happened, hindi na niya gustong kuwestiyunin. Bastat nandoon siya, on top of the corporate ladder. And she loved it.

"News? Problem? May ipapagawa ka?" Nakalahad ang dalawang kamay na sunod- sunod na tanong niya aa lalaking hindi lamang naging boss niya. She was also a confidant. Hindi siya nito itinuturing na simpleng empleyado. Oftentimes, they will dine together. Isinasama rin siya nito kapag nanonood ito ng performance ng paborito nitong musicians, here in the Philippines and even in abroad.
     Nagkaroon pa nga noon ng gossip sa  social circle na lover siya ni timotheo. They laughed their hearts out nang malaman iyon. She guessed ganon naman talaga ang magiging reaksiyon ng dalawang magkaibigan kapag napagbintangang lovers.

      Because in her heart, she knew he was a friend, a father, and a perfect boss at all rolled into one. Never, not once , na kinuwestiyon niya ang kabaitan sa kaniya ni timotheo.
       Sumandal si timotheo sa back rest ng high-chair nito. Bahagyang inikot-ikot iyon habang nakapikit.

"What? " tanong niya.

"I'm retiring, georgie."

Tumaas ang isa niyang kilay. May ngiting umalpas sa mga labi sa di-pagkapaniwala.

"You're what? You're dying?"

"Retiring, silly."

"That's my point. Hindi ka naman magre-retire unless your doctor diagnosed you're already dying. Just what do you mean by that?"

"I want to rest. My son will take charge," kampanteng tugon nito.

Napasandal rin siya sa swivel chair.

"Seryoso ka?"

Tumango ito. She doesn't know what to say. Timotheo was old. Maybe he was still good in handling business, she even believed he was the best. But it was obvious, he was old. Among karapatan niya para pigilan ito na magretiro at magpahinga na lamang? And she could bet siya ang una nitong sinabihan ng plano nito.

"Kailan?" She asked.

"Next month. Kapag bumalik na si Alfonso sa manila," tukoy nito sa only son.

"O-okay," aniya.

Alam niyang nagha-honeymoon sa labas ng bansa si Alfonso at Naomi. Last month lang ito ikinasal. Hindi siya nakadalo dahil siya ang nagtake-charge sa posisyon ni timotheo bilang finance officer during that time.
    Dumilat si timotheo at tinignan siya.

"You'll like him," anitong nakangiti.

"If he was like you, I'm sure I will," nakangiti ring wika niya.

Tumayo si timotheo at lumapit sa kaniya. Tumindig rin siya para salubungin ito. They embraced na ang huli.

KATULAD ng sinabi ni timotheo, nag-lie low na ito sa business world. Iniwan nito ang pamamahala sa kumpanya sa anak na si Alfonso.
      Alam ni georgie na kumuha ng masters degree in business administration sa Oxford university, Oxfordshire england si Alfonso. Kaya never pa niyang nakita ang lalaki. At hindi niya maiwasang mag-ancitipate. How was Alfonso like? Makasundo kaya niya ito? Paano kung ibang-iba ito sa ama? Paano niya ito pakikitunguhan?

   Only child at heredero ng isang bilyonaryong businessman. Arogante at antipatiko marahil. Base sa pagkukuwento ni timotheo ay spoiled ng yumaong esposa si Alfonso, dahil nag-iisa nga.

Tumunog ang intercom.

" Ma'am, " wika ng NASA kabilang Linya.

"Mr. Montalban wants to see you now."

Lumabas si georgie ng opisina.
Bumuntong hininga siya bago binuksan ang pintuan ng opisina ng bagong president, CEO at finance  officer. Her new boss. Pag-uusapan nila ang total asset at liabilities ng kumpanya.
        Bahagya muna niyang bulinuksan ang pinto, as if unsure na pumasok sa loob. Napakunot ang noo niya nang may nakitang malaking lalaki na nakaupo sa edge ng Mesa habang mabilis na ishina-shuffle ang hawak na mga papel, bahagya lamang pinapasadahan ng tingin ang mga iyon.

      Medyo niluwangan niya ang bukas ng pinto. Nakatalikod ang lalaki kaya hindi niya makita ang mukha nito. Nakasuot ito ng dilaw na sportshirt at jeans. Lalong kumunot ang noo niya. Jeans? Then oversized loafers. Para itong mag-go-golf imbes na mag-o-opisina.
       Isang Segundo itong napasulyap sa pinto nang maramdaman marahil na may nagmamasid dito.
    
"Close the door, ms. Peczon, lumalabas ang lamig," anito sa seryosong tinig.

Pahiya naman siya. Hesitantly, she stepped inside, habang nakamasid pa rin dito. Hindi niya maalis ang tingin sa malapad nitong balikat, likod at malalaking braso. Parang walang katapusan ang stretch ng binti at hita nito na defined ang muscles sa suot nitong tight jeans. She thought, kapag nasipa ako nito, hindi na ako mabubuhay.

"Sit down," anitong hindi siya nililingon.

Hindi niya iniiwan ng tingin ang lalaki habang palapit sa swivel chair. His complexion was fair, dahil marahil sa matagal na inilagi sa england. Tuwid ang buhok nitong may pagka-brown. Bahagya nang umabot sa batok.

"I can't find that damned...contract," anito sa iritadong Bose's.

Pagkuway ibinagsak sa mesa ang mga hawak kaya naman napahinto siya sa paglapit sa upuan. Tumindig ito, and just as she  thought, was a giant, maybe six-two. Pumihit ito paharap and looked at her.
       Napanganga siya. She expected an arrogant looking boss, not a matinee idol!

Nakita niyang napakurnapakurap si Alfonso. May disbelief sa anyo nito. Hinagod siya ng tingin.

"Ikaw si miss...ikaw si Georgina?" Tanong nito.

"Georgie," aniya

"Georgie," ulit nito. Pagkuway nakamatang nagtanong.

"Ikaw ang assistant ko?"

Tumango siya. To her dismay, he laughed. Hard.

"Among nakakatawa?" Tanong niya. Among humorous sa pagiging assistant finance officer niya?
    Pinilit nitong tapusin ang pagtawa. Pagkuway umiling-iling.

"Nothing," anito.
"Its just that...hindi lang katulad mo ang ine-expect ko. You look like a baby," he pronounced the word 'baby' as 'bebi' dahil sa makapal na British accent nito.

"You expected an old maid," matter of factly na wika niya.

"Yes. Upo ka, upon," masiglang alok nito na parang old buddy ang kaharap.
  
    Naupo siya sa swivel chair. Si Alfonso ay nanatiling nakaupo sa gilid ng mesa, nakaangkla sa sahig ang isang paa habang nakataas ang isa pa. Kumikislap ang mga mata nito habang pinagmamasdan siya.

"Ilang taon kana, Georgie?" He asked.

"Twenty-three."

"Twenty-three! I have a twenty  three years old assistant," he said, then grinned. "May boyfriend ka na ba?"

"You're married, Mr. Montalban," aniyang pinipigil ang mangiti. She found his accent seductive and...utterly sexy.

"Alam mo?"

Tumango siya.

~~~~~~~author~~~~~~~~~~~

Hi po ulit!

Vote and comment. Thanks

Enjoy!

Inlove with my boss (papel de casarmiento) (completed)Where stories live. Discover now