Unang Kabanata: Ang Kasalukuyan

4 1 0
                                    

"Pre bakit ganon? Pangit ba ako?! Kapalit palit ba ako?!"
Gumaralgal ang boses ni June habang ang kanyang mga kaibigan ay walang humpay ang tawanan dahil sa mga linyang binitiwan ng sawi nilang kaibigan.

"Pre ano ka ba? Fanboy ka ba ni Liza Soberano? HAHAHAHA"
Bagamat nag-aalala ay hindi maiwasan ni Lester na tawanan ang kaibigan.

Boys will always be boys. lahat dinadaan sa biruan.

"Alam mo pre, umuwi na tayo. Tama na yang mga nainom mo! Lagot ka nanaman sa nanay mo. Susukahan mo nanaman higaan niyo nyan eh."

Tumayo si Lester at inalalayan ang kaibigan. Hinatid niya ito sa kanto. Sa eskinita ng bahay nila. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok sa kanilang pintuan.

Kinaumagahan, gumising si June nang maramdaman ang matinding sikat ng araw.

Alas dyis na pala.

Tanghali na ngunit nagdesisyon siyang humigang muli. Napaisip siya sa nakaraan nila ni Elaine.

Bakit mo ako nagawang iwanan mahal? Nagkulang ba ako? O sadyang masasakit na salita lang ang nasabi ko?

Sobrang sakit ba ng sugat na iniwanan ko sayo? Ilang taon ko pang hihintayin ang kapatawaran at muling pagtanggap mo?

Tumulo ang mga luha sa magkabilang mata ng binata. Hindi niya napigilang lamunin ng lungkot at pagsisi. Hindi niya napigilan ang lungkot na dulot ng pagkawala ng pinakamamahal niyang binibini.

Gayunpaman, pinahiran niya ang sarili niyang mga luha at hindi na hinayaang mabasa pa ang kanyang unan.

Bumangon siya at nanalangin na sana magawa niya. Magawa niyang magbago at makalimot sa sakit. Sana magawa niyang ipagpatuloy ang buhay nang walang ang pagmamahal ni Elaine.

Don't worry Elaine my baby. Babawiin kita. Aangkinin muli kita. At sa pagkakataong iyon, kaya mo na akong ipagmalaki. Pangako. Pangako Elaine. Hindi na kita sasaktang muli. Sana sa araw na balikan kita, napatawad mo na ang panggagag* ko sayo.

Sinimulan na ng binata ang araw niya. Nilisan niya ang kwarto, higaan, at mga unan niya na siyang tumatawag sa kanyang pagsisisi at kalungkutan.

ItinakdaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon