Chapter XXV

14 1 0
                                    



Pagkatapos ng paguusap namin ni Asher, sabi ko sakanya magpapahinga na ako, alam mo na ayaw niya pa ako papasukin pero tumango nalang siya. Yung mata kapag tinignan mo akala mo pagod na ewan.

Kinabukasan kung saan saan kami pumunta ni Asher, nag swimming kami, tapos nag island hopping. Nang tanghali na kumain na kaming dalawa, nang hapon naman nag surfing kami. Kahit papaano nakakalimutan ko yung nangyari sa Cebu. Parang happy couple kami ni Asher. Kaso hindi, hindi na..

Day 3 namin, nag stay kami sa isang isla, doon kami nag stay ng buong isang araw. Ang ganda ng lugar, sobra. Nag snorkeling din kami dun.

Ganun lang ginagawa naming dalawa, bukas uuwi na kami. Hindi ko alam, hindi ko alam kung pagkatapos ng araw na 'to babalik pa ba kami sa dati, hindi ko alam kung bago matapos yung araw na 'to magiging okay kaming dalawa.

"Love..." tawag ni Asher sa'kin atsaka hinawakan yung kamay ko

"Hmm?"

"Nagpa prepare ako ng dinner, iroroom service nalang daw nila, dinner tayo sa room ko." I just nodded at him.

"Call me kapag nandiyan na yung food. Maliligo lang ako." Atsaka ko siya iniwan para pumunta sa hotel room ko

Asher, I don't want to let you go, Please ask me again to stay, and I'll stay. I just couldn't see myself loving someone other than you. Nang matapos ko mag ayos puro buntong hininga nalang ginagawa ko. Kung hindi pa ako kakausapin ni Asher, kokomprontahin ko nalang siya. I just don't want to torture myself anymore.

Nang kumakatok na si Asher, tumayo na kaagad ako.

"Love, food's ready." I just nodded atsaka sumunod sakanya.

It is a Candle light dinner.

Habang kumakain kaming dalawa, napapansin ko na tumitingin tingin si Asher sa'kin. Nabobother naman ako sakanya pero sinawalang bahala ko nalang 'yun.

A/N : I suggest you to listen Wag na wag mo sasabihin by Kitchir Nadal

Pagkatapos naming kumain, nakatitig lang si Asher sa'kin.

"May gusto ka bang sabihin?" Mahinahon kong tanong

"Marie, I'm sorry." He sighed " I'm sorry."

"Who do you keep on saying sorry? May nagawa ka ba?"

"Marie, I don't know where to start." He sighed, we got silent for some minute and he sighed again "But I want to end this. I'm so sorry but we should end this."

Napa awang yung bibig ko. Anong I want to end this!?

"W-what?"

" You heard me, Marie. I want to end this." Pa'no niya nasasabi 'yun ng ganun nalang?!

"Ano? Iiwan mo na 'ko? Pagkatapos nating hindi magkita ng isang buwan, ayan ibubungad mo sa'kin? " naiiyak na saad ko

Para saan ba 'to? Farewell vacation? Kingina.

"Sorry, it's not working anymore, can't you see? Even sa chats na ayun nalang nagpapa konekta sa'tin sobrang cold na natin sa isa't isa!"

"You're so immature Asher! Chats lang 'yun! Bakit doon mo binabase kung itutuloy pa ba natin 'to o hindi na! Atsaka ikaw naman 'tong hindi sumasagot sa'kin sa buong isang buwan na 'yun diba! Stop making any excuses, kasi alam ko na " I didn't give hin a chance to talk "Alam ko na, na may nangyayari nang iba, you divert your attention to someone else! It ks Angelica right? While me? Nag antay ako! Inintindi ko na busy ka! Kasi nga 'di ba, nagta trabaho ka, graduating palang ako! Oo iba schedules natin, pero hindi ko naman alam na sa iba ka na nagpapa busy! Malayo ka sa'kin! Pero tiniis ko! Kapag hindi ka makaluwas ng Manila, ako yung pumupunta sa'yo! Naiintindihan kita kasi nga pangarap mo 'yun!"

He was stunned, I can see how his face paled

" I loved you, pa'no ko magagawa yun sa'yo? Did you remember nung sinabi ko na 'wag mo'ko iiwan? Totoo yun, kasi mahal kita, bakit ba ayan iniisip mo? No one's involved here, 'wag ka nga mag overthink. " Asher said

" Right at this moment, you're still lying? I saw you and Angelica, Asher! Both of you — sleeping on your bed, naked. And No, you don't love me. You just love the idea of me, ayaw mo na iwan kita it's because ikaw gagawa nun sa'kin. Eto na nga 'di ba? Iiwan mo na 'ko. Iiwan mo na 'ko kung kelan durog na durog ako, sana nung panahong 'di tayo nagkakausap hinanda ko na pala sarili ko 'no? Kaso wala eh, hindi sumagi sa isip ko na mangyayari 'to. Pero alam mo? Kahit naman sabihin mo dati na 'wag kitang iiwan, 'di kita iiwan eh. Kasi, I already saw you on your best and your worst. Minsan nga iniisip ko, kaya lang naging tayo it's because mag bestfriend tayo noon, I'm always by your side kapag nasasaktan ka sa ibang tao, alam mo yun? Masakit din sa'kin, minahal ko bestfriend ko eh. Iniisip ko rin na baka naging tayo kasi wala ka nang choice, siguro kasi ako nalang yung nag sstay sa'yo kahit na ganyan ugali mo. Pero 'wag ka mag alala, hindi masisira friendship natin. Baka nga talagang more than friends less than lovers lang tayo; pero alam mo ba nararamdaman ko nung isang buwan na 'di ka nagparamdam? Hindi ako makakain, hindi ako makatulog. Alalang alala ako, pero siguro ngayon 'di na ko mag aalala, nandito ka na sa harap ko. Iiwan na nga ako eh, stop saying na no one's involved here, this time, stop lying. Kasi, when you were not reaching out on me, I decided to go to Cebu that time. 'Di ko na kayang mag antay kung kelan mo 'ko balak kausapin eh."

I cried in front of him. Tahimik lang siyang nakikinig sa'kin. He tried to hold my hand.

"Asher, hindi ko maisip kung bakit ganyan kabilis ka mag desisyon. Hindi mo 'ko basta bastang bestfriend o girlfriend nalang. Fiancé mo na ako. Alam na ng ibang tao na ikakasal na tayo. Pero niloko mo pa rin ako. Nakakahiya. Hindi ko alam bakit ganyan lang sa'yo kadali para itapon ako. Sabi ko pa sa sarili ko, mag sorry ka lang sa'kin at sabihin na mag stay ako sa buhay mo mag sstay ako. But you choose to let me go. Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Aalis lang ako kapag pina alis mo na ako. And here we are now." Tinanggal ko yung engagement ring ko at nilapag sa lamesa . "Thankyou for everything, Asher. For the friendship, for the love, and for all the pain." I said and left him here, standing.

I didn't give him a chance to speak, I don't need explanation, kasi kahit sa huling pagkakataon na 'to nagsisinungaling siya sa'kin. Ayoko nang pakinggan yung karagdagang kasinungalingan niya. I've had enough, Mas mataas pa nga self- pity ko keysa sa self worth ko eh. Ganun ko binaba sarili ko sakanya, siguro nga, na challenge lang siya sa'kin kasi kahit anong nangyayari sa buhay niya, I stayed. Nung umiiyak siya dahil sa babae, nasa tabi niya ako, all ears sa lahat nang rant niya, nung panahong naglalasing siya, nasa tabi niya ako, pero siguro nga we're not that really meant for each other. Maybe I should start looking for my self worth, kasi siguro kung minahal ko rin sarili ko, hindi gan'to kasakit . Siguro nga, not every friendship will end up into a best relationship. Hindi lahat nagwowork.

Pagpasok ko sa hotel room ko, wala akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Kumakatok si Asher pero hindi ko siya pinagbubuksan. Ayoko na. Tama na. Sobrang sakit na. Hindi ko maisip na ipagpapalit niya yung pinagsamahan namin para lang sa babaeng naka trabaho niya.

Nang medjo okay na ako, tinawagan ko si Deborah.

"Hello ghorl, buti naman buhay ka pa. Nasaan ka?"

"Debs, can you fetch me here?" Atsaka ko sinabi sakanya kung nasaan ako

"Teka nga. Umiiyak ka ba? Wait. Anlayo pero sige, wait mo 'ko diyan okay? Magpapa drive nalang ako sa driver."

Hindi ako natulog habang inaantay si Deborah, katok pa rin nang katok si Asher. Nang mapagod na siya, tumigil din siya.

Akala ko okay na kaming dalawa, akala ko kami na talaga, akala ko nagbago na siya. Kasal nalang inaantay naming dalawa, akala ko papahalagahan niya na 'ko sa huling pagkakaton pero hindi pa rin pala. Lahat pala 'yun akala nalang.

Beautiful Broken RulesWhere stories live. Discover now