Chapter 7: Nasasaktan ako
Gabi na nang maka-uwi ako sa bahay. Nag-presinta kasi ako na sasama ako kay Ralph sa closing.
"Hm? Kamusta naman ang date niyo ng boyfriend ko?" Tanong sa akin ni Ralph, nang makalabas kami ng shop.
"Ewan ko sa'yo, Bakla! Tantanan mo nga ako sa pang-aasar sa kaniya." Ismid ko dito.
"Yan lang problema sa'yo, Dan! Para kang laging galit sa mundo. Parati kang galit, parati kang bwiset na bwiset sa hindi ko malaman na dahilan! Mabuti nga nag tiya-tiyaga 'yung tao na pasiyahin ka, e! Samantalang ikaw, parang hindi ka marunong tumanggap ng biro." Sunod-sunod nitong sabi sa akin.
Alam kong sanay na sanay na akong nakaka rinig ng ganito mula sa iba. Na parang laging galit sa mundo.
Pero, bakit ngayon... parang mas nagigising ako sa katotohanan.
"Ralph, masama na ba ako?"
Tumingin ito sa akin, "bakit na-rerealize mo na ba?"
Hinampas ko ito, "ewan ko sa'yo! Bwiset!"
Tumawa ito, "tignan mo na! Parang tanga!"
"Ayos kasi!" Sigaw ko dito.
Hay! Nakakabwiset talaga itong baklang 'to.
"Hindi ka naman masama, sa totoo lang. Mabait ka, alam ko. At dahil kaibigan kita, alam ko lahat ng nangyari sa'yo. Kaya naman alam ko din ang dahilan mo kung bakit ka nagkakaganiyan. Pero, sa iba na walang alam, na walang ideya tungkol sa'yo... siyempre iisipin nila agad na may mali sa'yo, at na masama ka."
Tama si Ralph.
Tumahimik ako dahil wala na akong masabi.
"Pero, walang mali sa'yo, Dan. Nasaktan ka lang kaya ka nagkakaganiyan. Pero, kasi dati na 'yon. Matagal na. Lahat ng nanakit sa'yo, masaya na. Kasalanan mo din, e! Kasi hinayaan mo na lumubog ka ng ganiyan."
"Hindi ko na din alam kung paano ko ibabalik ang sarili ko." Pag sasabi ko ng totoo kay Ralph.
Inakbayan ako nito, "Hindi mo naman kailangan madaliin. Dahan-dahan lang. Atsaka, 'wag kang maging madamot. Madaming may gustong mag mahal sa'yo, pero hindi mo binibigyan ng chance!"
Ngumiti ako kay, Ralph, "salamat."
"Ang ganda-ganda mo kapag nakangiti! Naku! Na-iinsecure na ako!"
Tumawa lang kami doon.
Hinatid niya ako hanggang sa sakayan ng tricycle, 'saka nag paalam na uuwi na din siya.
Tama si Ralph. Tama lahat ng sinabi niya.
Nakakasakit ako sa pagiging ganito ko.
Kaya ito ngayon, nakakaramdam ako ng panibagong dahilan para makonsensya.
Lumipas ang mga araw... walang Burn na pumupunta sa shop.
Wala din akong ideya kung paano ko siya ma co-contact. Kaya hinayaan ko na lang. Gusto ko lang mag-sorry sa kaniya tungkol sa mga na sabi ko noon.
Tinext ko si Ralph na male-late ako sa trabaho at baka mag-half day ako.
Hinatid ko kasi si Mama, sa mga Tita ko o sa kapatid niya para mag laba ulit. Pinayagan ko na lang siya dahil ang rason niya wala siyang magawa sa bahay.
Basta sinabi ko na lang na huwag siya masyadong mag pa-pagod.
"Sunduin na lang kita mamayang gabi, Ma. O hindi kaya, bukas na lang kung gagabihin ako mamaya. Basta, 'wag kayo uuwi mag-isa." Paalala ko dito.