"Please copy the lesson on the board," sabi ni Miss Dela Hoya sa amin pagkatapos n'yang i-discuss ang lesson kahit wala naman kaming naintindihan. Ang bilis n'ya kasi magturo, malingat ka lang ng konti hindi ka na makakasunod.
Saka nabo-bother kasi ako do'n sa sinabi ni Nesha no'ng linggo about sa ilong ni Miss Dela Hoya, parang natural na natural naman e. I shook my head because of the thought and tried to focus on writing, kailangan ko 'tong mga notes na 'to kung gusto kong grumaduate with flying colors.
Narinig kong humikab si Nesha sa tabi ko kaya siniko ko s'ya. Ayaw na ayaw pa naman ni Miss Dela Hoya na may inaantok sa klase n'ya.
Bumulong si Nesha. "Sorry, hindi kasi ako nakatulog kagabi kasi nanood pa ako ng K-drama."
Tinignan ko s'ya. "Ano? Alam mo namang may pasok tayo!"
"You at the back! Didn't I tell you to copy the lesson?"
Siniko ako ni Nesha kaya napa-ayos ako ng upo.
"Sorry ma'am," sabi ko na lang at saka yumuko. Grabe talaga ang tenga nito ni Ma'am.
"Haaaa!" Napalingon kaming lahat sa humikab ng malakas. Lumapit si Miss Dela Hoya kay Zamora. Humikab ulit si Zamora at nilakihan pa ang bibig para ipahalatang antok na antok s'ya.
"Zamora! Are you sleepy?" nakakatakot na boses na tanong ni Ma'am.
"Kind of."
"Why don't you write the lesson so that you're not sleepy anymore?" halatang nagpipigil na si Ma'am. Ewan ko ba dito kay Zamora, hindi mo alam kung confident lang kaya pati rules ng mga teacher hindi n'ya sinusunod o talagang walang magawa sa bahay e.
"Boring."
Ako kinakabahan para sa babaeng 'to e. Pumunta sa harapan n'ya si Miss Dela Hoya na parang lalabasan na ng usok sa ilong. "Miss Zamora, intellect without attitude is nothing in the real world, please be reminded of that."
Isa pang matalim na tingin ang binigay sa kan'ya ni bago s'ya tinalikuran ni Ma'am. Pinagmasdan ko si Zamora na nakangiti pa kahit pinagalitan na. Napailing na lang ako sa sarili ko at nagpatuloy sa pagsusulat.
****
Mabilis na lumipas ang buong linggo dahil busy akong kabisaduhin ang mga linya ni Ariadne para sa play. Kabisado ko na nga bawat linya kaso parang may kulang pa rin.
"Ano ba 'yan Cassie, huwag ka ngang kabahan! Kayang-kaya mo 'yan, ikaw pa ba?" sabi ni Nesha habang naglalakad kami papunta sa auditorium. Dumeretso agad kami dito pagkatapos na pagkatapos ng service. Ewan ko nga kay Papa e, parang sobrang bait n'ya sa akin ngayon. I mean mabait naman talaga s'ya pero iba ngayon e, parang hindi na s'ya gano'n kahigpit? Well, ibig sabihin lang no'n pinagkakatiwalaan ako ni Papa and I won't mess it up!
Napabuntong-hininga ako para mawala ang kaba sa dibdib ko. "Eh kasi naman e, paano kung hindi ako matanggap? Ito na lang 'yong huli kong chance para naman masabing may ginawa ako sa buhay high school ko 'no."
Natawa si Nesha. "Grabe ka naman, ang talino mo kaya, talo ka lang naman ni Rowan sa mga extra curricular activities n'ya e."
Napanguso ako dahil sa thought na 'yon. Tama s'ya lagi na lang kasi akong pangalawa sa kan'ya e, sa lahat ng subject. Ewan ko ba, kahit pa anong gawin kong review lagi na lang akong may isang mali or lagi pa rin ako pangalawa sa kan'ya. Pero hindi naman ako nakikipag-kompetensya sa kan'ya 'no, gusto ko lang naman maka-graduate ng may maipagmamalaki sa mga magulang kong naghirap para maipasok ako sa school na 'to. "Hindi naman ako nakikipag-kompetensya sa kan'ya Nesh."
"Alam ko naman 'yon, ang point ko lang dito, huwag ka ng kabahan at galingan mo!"
Nginitian ko si Nesha at mahinang nagpasalamat. Pumasok na kami sa loob ng auditorium, nakita kong nagsisimula na ang audition ng mga lalaki para sa role ni Theseus. Naka-upo ang mga kaklase namin sa unang row ng upuan sa ibaba ng stage at nasa pinaka-gitna si Rowan at Yuu.
BINABASA MO ANG
Star Crossed (GxG) - Completed
General FictionCassady Solera is a pastor's daughter. Mula pagkabata ay turo na ng magulang ang kan'yang nakagisnan, mula sa tamang pagdadamit hanggang sa kolehiyong papasukan--- pati na rin sa kung ano ang dapat maramdaman. Rowan Zamora is an atheist. Ever since...