CHAPTER 3: Ellice & Ayah

183 6 1
                                    


Lahat ng taong nabubuhay sa mundo'y may angking talino at kakayahan. Nasasayo na ito kung gagamitin mo sa kabutihan o masama. May nabubuhay sa karangyaan ngunit walang kasiyahan. May nagising sa kahirapan ngunit nagsumikap upang yumaman. May nabubuhay palagi sa kadiliman. Meron ding nabuhay sa liwanag. Gaya ng mga bituin sa madilim na kalangitan. Nagpapasalamat sila sa kadiliman dahil nakikita sila mula sa kalangitan. Nagpapasikat sila tuwing gabi. Kaniya-kaniyang kislap. Kaniya-kaniyang liwanag dahil doon sila nabubuhay.

"HEY ! Ellice......malalim ang iniisip mo ah!"maingat itong umupo sa tabi ko.

Nandito kami sa paanan ng isang bundok. Nakaharap kami sa naglalakihang kakahuyan. Kita mula sa inuupuan namin ang mga bituin sa madilim na kalangitan. Malamig ang simoy ng hangin. Tanging tinig ng mga maliliit na insekto ang ingay na maririnig. Kapayapaan. Sarap namnamin.

Nakatingin ako sa malayo habang ninanamnam ang sarap ng hangin."Bakit ba pinipilit ng mga tao na gumawa ng kasamaan kung pwede namang maging mabuti..."

Narinig ko ang buntong-hininga nito." Hindi natin mapipilit ang mga tao Ellice, merong iba'y napipilitan lang. May sarili silang mga kadahilanan "

Napatingin naman ako sa kaniya." Bakit Ayah? wala bang konsensya ang mga nilalang na'yan, pareho lang sila ng lahi. Hindi ba dapat nagtutulungan sila?." Ibinalik ko ang tingin sa kalangitan.

"Pero Ellice, hindi mo hawak ang tadhana nila, hindi natin mapipigilan ang nakatakda, 'yan 'yong sinasabi nilang tadhana!"

Pagak akong natawa."Hah! Nakakatawang isipin na may gano'n palang mga bagay no.."

"Kung minsan kasi, ang mga simpleng bagay ay nakakalimutan ng tao, hindi nila alam na ito ang pinakaimportante sa lahat..."

Bigla akong natigilan sa narinig. "Gaya ng buhay?"dagdag ko'pa

Matagal ito bago umimik. "Tama ka. Buhay. Buhay na pinagkait ng tadhana"

Napatingin ako sa katabi." Ako Ayah"turo ko sa sarili"ano kaya ang tadhana ko sa mundong ito."

Ilang segundo kaming nagtitigan.
"Haha! Ikaw talaga nagda-drama kana naman" inakbayan niya ako" pa'no kung wala dito ang tadhana mo?"

Tinanggal ko ang kamay nito sa aking balikat."Hah! kalukuhan. Magku-kwento kana naman,na pareho tayo?....hahahaha baliw"

Tinaasan niya ako ng kilay."Wow! parang kanina lang nag da-drama ka d'yan. Tapos ngayon tinatawanan mo ako." Kunware pagtatampo nito.

"Haha may high blood din pala ang katulad niyo hahaha"

Humaba naman ang nguso ni Ayah "Sige. Pagtawanan mo pa ako pa'no kung magkauri pala tayo. Aver?"nakanguso nitong saad.

"Haha kalukuhan.Hindi porket nakikita kita , pareho na tayo?"

"Teka nga, bakit mo ba ako inaaway , kala ko'ba kailangan mo ng makakausap?"inirapan niya lang ako

Umayos muna ako ng pagkaka-upo."Ito naman hindi mabiro "pinagsingkitan niya ako ng mata" maiba ta'yo"baling ko sa kanya"kumusta na pala sa inyo?..."

Nakita kong nagbago ang ekpresyon ng mukha nito." Ganon pa'rin magulo"tumingin lang ito sa malayo.

Naguilty naman ako, sana pala hindi ko nalang tinanong. Sumisikip palagi ang dibdib ko kung maririnig mula kay Ayah ang kaganapan sa kanila.

"Nakuh! Pasensiya na kung natanong ko"

Ngumiti lang ito bago tumingin sa madilim na kagubatan. "Nah .Sanay na kami sa gulo .Ewan ko'ba. Walang may alam kailan matatapos ang problemang 'yan.."

R.I.P. IS MY CODENAME: Ang Pagbabalik ni Prinsesa HeshayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon