Thana's Point of View
“Thana, this will be my last mission for you. Gawin mo ang lahat para protektahan siya sa mga taong may gustong kumuha sa kanya”
Nakita ko ang mukha niya na may malungkot na ngiti. Sinubukan ko siyang abutin pero—
Ki minno tori ko ni natte
Shimae ba kitto
Kono atsu wa jyu—Agad akong napabalikwas ng bangon at mabilis na inilibot ang paningin ko sa paligid. Napakurap ako nang mapansing ito pala ang kwarto ko. Napabuntong hininga ako at inalala ang panaginip ko.
Nanlaki ang mata ko nang ma-realize na nagpakita sa panaginip ko si Tyson. Napahinto ako sa paggalaw at naramdaman kong unti-unting tumataas ang balahibo ko.
Agad akong napatayo at ramdam kong mabilis ang takbo ng puso ko habang binubuksan ko ang ilaw. Pinagmasdan ko ulit ang kabuuan ng kwarto ko bago napabuntong hininga.
Halos mapatakbo ako palabas ng kwarto nang biglang tumunog ng malakas ang cellphone ko. Mamamatay talaga ako ng maaga dahil sa takot!
Agad na lumipad ang isip ko sa kung sinong pwedeng tumatawag sa akin sa dis-oras ng gabi. Kapag unknown number 'yon, hindi ko talaga sasagutin 'yon at baka mamaya marinig ko pa boses ni Tyson sa kabilang linya!
Napapalunok kong kinuha ang cellphone at tinignan ang caller. Napahinga ako ng maluwag nang makitang si Tempest pala ang tumatawag. Agad ko namang sinagot ito.
“Hoy, kamatayan. Ano, pa-VIP ka? Kanina pa kami nag-aantay sa'yo rito” Malakas na pagkakasabi ni Tempest na tingin ko ay dinig hanggang sa labas ng kwarto ko.
Hindi pa naka loud speaker 'yan pero parang naka loud speaker na dahil sa malakas na boses ni Tempest.
Agad na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. May sinabi ba akong pupunta ako doon sa kanila? Nababaliw na ata siya kasasama kay Cassius! Sinabihan ko na siya matagal na, na hindi maganda ang magsama silang dalawa. Parehas pa naman silang abnormal at nagkakasundo silang dalawa sa pangbu-bully sa akin.
“Hoy, ano na? Nakain ka na ba ng kama mo d'yan?”
Mas lalong akong napakunot noo. Nangangain ba 'yong kama? May bago bang naimbento?
Nanlaki ang mga mata ko nang lumipad ang isip ko. Agad akong napalayo sa kama at napalabas ng kwarto at bumaba.
Grabe naman! Nangangain na pala 'yong kama. Hindi man lang ako sinabihan ni Lorraine. Sino kaya gumawa ng kama na gano'n?
“Hoy, Thana! Hindi ka na nagsalita d'yan? Napunta ka lang d'yan, naging pipe ka na? Anyway, antayin ka na lang namin dito sa mansyon ni Cassius. Ingat sila sa'yo dahil ikaw pa naman si kamatayan! Bye!” At pinatay niya na nga ang tawag kahit hindi pa ako nakakapagsalita. Bastos!
Napatigil ako at inilibot ang paningin sa kabuuan ng dorm. Ngayon ko lang napansin malaki-laking dorm din pala ito. Sa second floor ay may tatlong kwarto at sa first floor naman ay may kitchen at living room.
Habang tumitingin ako sa dorm, agad kong naalala kung bakit pala nila ako inaatay sa mansyon ni Cassius. May bago nga pala siyang lead!
Ang astig ko talaga. Inuutos-utusan ko lang ang Master ko at tingin ko ako lang din ang nakakagawa no'n!
BINABASA MO ANG
Death: The Protector
ActionEmpire Series Book 1 Thana Rebel Quinlynn found herself doing her last mission only to find herself, along with everyone else, on a messy family issues.