| Rice

21 1 1
                                    

"Tita malalaki bayabas don tapos kulay pink pa ang laman!" masayang tugon ni Joshua.

Naglalakad kami ngayon papunta sa sinasakahan nila Tita Corazon. Nakakaburyo na sa bahay kaya napag desisyon-an namin na sumunod sa kanila.

Mag iisang buwan nadin ako dito at hindi na din naulit ang pananaginip ko na katulad nung ibinalita dati.

"May din suha dun! Diba Wa(Joshua) - saad naman ni Jia na nasa tabi ko.

Tumango lang ako bilang sagot sa kanila, medyo malayo din yung sakahan kaya nakakangalay sa paa. Kung magtatagal ako dito ay tiyak na magkaka muscles na paa ko.

Nag pajama at jacket ako ngayon kasi partida mainit ang pupuntahan namin lalo na at tirik ang araw.

Wala din akong ligo kasi may paniniwala akong masama ang pag ligo araw araw! Heakky-Tips Sis?!

"Malapit na tayo Tita!" Saad ni Jenil at mas binilisan niya ang lakad habang nagsitakbuhan naman sila Jero at Jia.

Natanaw ko naman agad sina Tita Corazon at ang asawa niya. Medyo madami din silang kasama dahil ang lawag ng palayan nila. Ang ganda tingnan dahil halos sabay sabay silang gumalaw.

"Mam-" Hindi natuloy Jero ang pag tawag sa Mama niya dahil may dumating na sasakyan.

Napatingin lahat ng tao sa dumating. Nakita ko pa ang nag aalalang mukha ni Tita Corazon.

"Hala Tita. Yung boss nila Mama" nangangambang ani ni Jenrose na tumabi na sakin.

Pumarada sa di kalayuan ang isang White Jeep Wrangler at bumaba doon ang isang may katandaang lalaki naka puting long-sleeve ito at isinisigaw ng alahas niya kung gaano siya kayaman. Sumunod naman ang batang bersyon ng matanda, naka puting long-sleeve din ito pero black rip-jeans.

Nagsimulang mag lakad ang matanda papunta sa harap ng bangin at tamad na sumunod ang kasama niya. Halatang mag ama ang dalawa dahil parehas isinisigaw ng tindig nila kung ano at sino sila.

"Anong tinitingin tingin niyo jan! Bumalik kayo sa pagta trabaho!" ma authoridad na sigaw ng matanda at binaling niya ang paningin niya samin ng mga bata.

Napahawak agad si Jenrose sa braso ko. Natakot ata sa sigaw ng matanda.

"Kayo! Anong tinatayo tayo niyo jan! Magtrabaho na kayo! Hindi ko kayo sine-swelduhan para magpa hinga!" sigaw niya samin ni Jenrose sabay turo sa baba ng bangin kung saan ang palayan.

Napataas ang kilay ko. Mukha ba kaming nagpapahinga? Pumunta lang naman kami dito para makita sila Tita ah!

Sasagot na sana ako ng sumigaw si Tita Corazon galing sa baba.

"Shane baba nalang kayo!" sigaw ni Tita Corazon. Wala na akong nagawa dahil hinila na ako ni Jenrose pa baba ng bangin.

"Kayo! Wag kayo dito mag laro!" narinig kong sigaw ng matanda sa mga bata.

Huh! Porket mayaman kung umasta parang hari! Aangal na sana ako sa inaasta ng matandang lalaki pero pinigilan ako ni Jenrose.

"Tita wag. Hayaan mo nalang baka mawalan pa ng trabaho sila Mama." nag aalalang saad ni Jenrose at hinarap ang mga kapatid niya.

"Jenil dun na muna kayo sa Kubo!" sigaw niya sa mga kapatid niya.

"Wrong timing ang punta niyo dito Shane. Araw ngayon ng dalaw ng masungit naming Amo. Pasensya na ha" paghihingi ng tawad ni Tita Corazon.

"Wala po yon. Ako dapat ang humingi ng tawad Tita kasi ako nagpumilit sa kanilang pumunta dito. Ano po palang gagawin ko?" saad ko ky Tita.

"Ah ito oh. Ganto gawin mo" pinakita niya sa akin kung paano itanim ang palay.

"Ako nalang ang lilipat para hindi ganun kalawak ang pagtataniman mo. Parte parte ang ginagawa namin para mas mabilis kaming matapos. Wag ka lang magmadali para hindi ka mabilis mapagod. Pasensya na Shane ha?" malungkot na tugon ni Tita sakin.

"Okay lang po talaga Tita. Nakakatuwa nga dahil makakaranas ako ng ganto e! For experience nadin po!" nakangit kong saad ky Tita Corazon para hindi na siya mabahala.

"Sige kung may kailangan ka tawagin mo lang ako ha" tugon ni Tita bago pumunta sa likuran para magsimula muli. Nanlumo ako, ayan tuloy dumoble ang gawain ni Tita dahil sa kagagahan ko.

Umiling nalang ako at sinimulang kumuha ng palay bago ibinaon sa basang lupa. Kaloka lumulubog ang paa ko, wala naman sigurong naninipsip ng dugo diba aaaaah! Mas napailing ako sa naisip ko.

"Kaano ano mo si Tiya Cora?" pagsasalita ng babae sa gilid ko. Ilang metro lang ang layo niya sakin at pansin ko agad ang kapayatan niya.

"Ah Tita ko kaibigan ni Mama" pagsagot ko. Tumango tango lang siya.

"Bakasyon lang ba kayo dito? O dito na kayo titira?" napatigil ako sa tanong niya.

Ano nga ba? Pinapunta ako dito dahil wala akong mapuntahan o kilalang kamag anak sa maynila. Ibig sabihin dito na ako titira.

Pero malapit na akong mag 18 yearsold kaya pwede na akong magtrabaho sa maynila para suportahan ang sarili ko. Oo nga mag wo working student nalang ako sa maynila.

Ngumiti ako ng hilaw bago siya sinagot.

"Nag babakasyon lang" sagot ko. Hindi pwedeng dito ako titira. Hindi ko maasiwang dumagdag sa pasanin nila Tita Corazon, masyado ng malaki ang pamilya nila at wala silang maayos na trabaho. Nagpapasalamat nga ako dahil tinanggap pa nila ako kahit na isang kayud at isang tuka ang pamumuhay nila dito.

"Ahh. Ako pala si Estela. Kapatid ng asawa ni Tiya Cora ang Papa ko." pagpapakilala niya.

"Ah kaya pala kahawig mo yung asawa ni Tita Cora. Ako pala si Shane" Ngiti ko sa kanya.

"Ang pogi ni Sir Ace no? Ngayon ko lang ulit siya nakita dito. Sa Manila kasi siya nag aaral at mukhang bakasyon nila kaya nasa probinsya siya ngayon! Nakakapanabik talaga ang kakisigan ni Sir Ace!" mukhang tutulo na ang laway ni Estela habang nakatitig sa lalaking naglalakad patungo sa sasakyan nila.

Napangiwi ako. Wala sa pangalan niya ang inaasal niya ngayon. Parang ayaw ko na maniwala sa kasabihan na 'You' re what your name is' (Baka LIVE UP YOUR NAME! Duh~ Authory)

Totoong makisig ang pangangatawan ng lalaking kakapasok lang ng sasakyan, matangkad at balat pang mayaman talaga. Napangiti ako sa isip ko, kahit papano ay makakasundo ko itong si Estela.

"Kaso ang sama ng ugali. Kung masama ang ugali ng ama niya ay triple ang kasamaan niya." Biglang lumungkot ang ekspresyon ni Estela at parang may naalala siyang nakakalungkot na pangyayari.

Sabagay, like father like son naman. Pansin ko nga kanina kahit hindi siya nag sasalita at deretso lang ang tingin ay nakakakilabot ang presensya niya.

"Kaya Shane magingat ka sa susunod ha. Pag naulit yung nangyari kanina baka hindi lang sigaw ang aabutin mo e." pagpapa alala niya sakin. Tumango nalang ako.

Mag tatakip silim na nang natapos ang lahat sa pag tatanim. Agad kinausap ng isang tauhan ang Amo nila sa taas at bumalik ito na may dala ng pera. Ipinamahagi niya ang sahod sa bawat isa. Naisama pa ako sa sinwelduhan nila kaya ang ginawa ko ay ibinigay nalang ky Tita Cora pang dagdag gastos sa araw araw na pamamalagi ko sa kanila.

"Shane Iha kaya mo pa bang mag lakad? Pwede tayong magpahinga muna" nagaalalang saad ulit ni Tita.

Pang ilang tanong na yan ni Tita dahil alalang alala siya sakin pero nanghihina na akong sumagot kaya umiling nalang ako at ngumiti.

Ang totoo niyan ay kanina pa nangangalay ang braso at bente ko habang kumikirot naman ang beywang ko. Ilang oras lang akong tumulong ay ganto na nararamdaman ko paano pa kaya sila Tita na buong magdamag nagtanim.

Malapit na naman din kami kaya titiisin ko nalang.

Sa Sentro ng Sityo Esperanza nakatira sila Estela kaya sa trabaho lang nagkikita kita ang pamilya nila at pamilya nila Tita Cora.

'Ahhhhh tiyak mahihirapan akong gumalaw bukaaaas' daing ko..

A Per Page StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon