"Oh, wala kayong asungot ah. Nasaan na 'yong anak niyo?"
"Tulog na. Napagod." Tamad na sagot ni Rico kay Rinoa.
Palapit kami sa cottage kung saan naroon na muli iyong dalawa kasama nila Rinoa at Steve. May mga beer at jager sa lamesa sa harapan at mukhang nagsisimula na sila.
Alas tres na ng hapon at kakalabas lang namin ni Rico sa suite. Inihiga namin si Melo sa kama ni Rico kaninang nakatulog ito pagkatapos mabihisan. Nasa iisang suite kami ni Rico, sa totoo lang ay ayaw niya sana. Gusto niyang sa kabilang kwarto nalang sila ni Melo kaso ayaw n'ong bata na maihiwalay sa akin kaya sabi ko kaming tatlo nalang.
Deluxe naman ang kinuhang room ni Rico at may dalawang kama kaya ayos na rin.
Naligo na rin kami at nakapagpalit na ng damit bago nagdesisyong makisalo na rito sa kanila.
"Sus, pinatulog niyo lang ata ih. Anong ginawa niyo sa loon? Magulang na magulang kayo r'on sa pamangkin ko ha?" Si Rinoa at nakangisi.
Hindi ko alam pero biglang napadapo ang tingin ko kay Gleizen. Nakatingin siya kay Rinoa bago ibinaling sa hawak. Nang masulyapan niya akong nakatingin sa kaniya ay nag-angat siya ng kilay at uminom sa kaniyang baso habang nakatingin parin sa akin.
Itong si Rinoa talaga, konti nalang sasabunin ko na ang bibig.
"How old is your kid?" Tanong ni Trevour na ikinatawa ni Rinoa. Nawala ang tingin ko kay Gleizen at nilingon si Trevour.
What? He thinks that Melo is our son? Kung anu-ano kasing sinasabi nitong si Rinoa eh.
"He's.. not o-our kid." Sagot ko na nagpakunot sa noo niya.
"Mr. Montaverde, hindi anak ni Beca at kuya Rico si Melo. Anak siya ng isa ko pang kuya, iyong panganay namin." Humalakhak si Rinoa at uminom din sa kaniyang baso.
"Oh, not their kid.." Sabi ni Trevour at may ngising tumango-tango.
Sinulyapan ko muli si Gleizen at hindi ako sigurado kung na-malikmata ba ako nang mapansin ang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi. Agad naman kasing nawala iyon kaya akala ko lang siguro.
"Bakit ba hindi mo pa tinatanggal iyang sunglasses mo, Beca? Wala naman nang araw, tanggalin mo na iyan." Sabi ni Rinoa.
Kainis talaga ang isang 'to.
Tama siya, palubog na ang araw at maya-maya lang ay didilim na ang paligid. Kaya naman kahit labag sa aking kalooban ay mapipilitan akong tanggalin na nga ito.
Sa medyo nanginginig na kamay ay dahan-dahan kong inalis ang sunglasses sa aking mata at ipinatong ito sa aking ulo. Nagtama agad ang mga mata namin ni Gleizen. Hindi siya kumurap at napaawang pa ang mga labi.
Sabi nila, sa buong mundo raw ay may anim na kamukha ang isang tao. Kaya imposibleng iisipin niyang ako talaga ito. And I am doing my best to look at him without giving myself off. I will pretend that this is my first time seeing him and I should act like I didn't know him.
Nag-inuman lang ng kaonti at nagkwentuhan hanggang alas sais bago kami nag-dinner sa pahabang lamesa na ipina-set sa tabing dagat. Nanatili kami ng mga tatlong oras pa pagkatapos kumain bago nagtungo sa kani-kanilang suite.
Dalawang oras na ang lumipas simula nang mahiga ako sa aking kama. Mahimbing nang natutulog si Rico sa tabi ni Melo. Nasa kabilang sulok ang kanilang kama katapat lang ng sa akin.
Hinhdi ako makatulog. Hindi parin nawawala sa isip ko ang biglaang pagpapakita ni Gleizen. Kung bakit sa dami ng lugar na pwede niyang bakasyunan, Boracay, Siargao, Batanes, name it, bakit dito pa? Baka nga hindi pa niya napuntahan lahat ng beach sa Cagayan Valley tapos ngayon nandito siya at mismong dito sa San Vicente pa talaga.