Chapter 4

78 8 0
                                    

Keziah's Pov

  Pagkatapos kong magpagod kakaisip sa kwarto naisipan kong lumabas makikipagchismisan nalang muna ako kila manang nababagot nako dito eh.

Dumiretso naman ako sa tambayan nila manang este sa kusina oo sa kusina don talaga tambayan nila e. Naabutan ko naman agad sila don na nakain habang nagtatawanan ayon si chingchong na apollo tawang tawa oa talaga to kahit kelan eh.

"Oy keziah ikaw pala halika dito kumain kana" anyaya ni ate maria habang nakangiti padin.

"Dito kana sa tabi ko kez" singit naman ni apollo agad naman akong tumabi sa kanya don nalang din kasi yong may space no choice charot,  kinuhaan niya naman ako ng plato "kain kana damihan mo ha" aniya sabay ngiti, papatabain ata ako ng chingchong na to.

"Oyyy alam niyo bagay kayo yieeee diba manang?" Pang aasar ni ate maria si manang naman napailing lang, tinignan ko naman si apollo na malawak ang ngiti kulang nalang mapunit tong mga labi niya.

"Ikaw talaga ate maria joker ka din pala hahaha" tumatawang aniko

"Oonga naman maria ikaw talaga eh napakabata pa nyang mga yan e mamaya magkatotoo yan" ani naman ni ate macris sabay naman silang nagtawanan pati si manang napapailing na natatawa na din e.

"Kayo naman po hahaha kain na nga lang tayo hapon na hapon nagpapatawa kayo" ani ko iniiba yong usapan.

Sinimulan naman na agad naming kumain habang nagtatawanan pa din. Habang nagtatawanan may dumating namang lalaki mga nasa 30's din to "hi girls may pagkain paba ako dyan?" Anito

"Ohh ikaw pala rod halikana kumain kana dito" ani manang, kumuha naman ng isang upuan si kuya rod kuno sabay tabi kay ate maria. Natawa naman ako nang makita kong nakabusangot si ate maria hahaha si kuya rod lang pala katapat nito e humanda ka sakin ah isa pang asar sakin kay apollo, nasakin ang alas whahahaha.

"Ahh kez si kuya rod nga pala driver dito" ani apollo lumingon naman agad ako kay kuya rod sabay ngiti.

"Hi po keziah po pala kez nalang for short" aniko habang nakaalok yong kamay inabot niya naman agad ito nang may malawak na ngiti.

"Nice to meet you kez nako napakaganda mo namang bata ka pwede ka sa mga model model ah" papuri niya

"Nako hindi naman po bolero ka din po pala"

Sabay sabay naman kaming nagtawanan. Sila ate maria at kuya rod naman yong inaasar nila ate macris at manang syempre nakikisali si apollo feeling close nga kasi to.

"Oh kez diba kinausap ka ni ma'am kanina? Ano daw ang sabi?" Tanong ni manang napatingin naman silang lahat sakin, nilunok ko muna yong nginunguya ko sabay inom ng tubig.

"Ahm yong sa pag aaral ko daw po ipapasok daw nila ako sa pinapasukan ni sir tyron eh" aniko

"Wooow talaga? Nako ang swerte mo namang bata ka akalain mo yon makakapasok ka sa mamahaling school?" Ani ate macris

"Yong nga po eh alam niyo ba? Ang sabi ni ma'am may nililigawan daw kasi tong si sir tyron pero di daw pinapakilala sa kanila kaya ayon na curious ata ang mahal nating amo kayat pinapareport ako pag nakita ko yong babae diba nakakainis" aniko habang nakakunot ang noo.

"Nako keri mo yon madali lang naman yon e" ani ate maria

Kwenento ko lahat ng napag usapan namin ni ma'am lucy sa kanila tuwang tuwa naman sila tch ano kayang nakakatuwa don. Napalingon naman ako kay apollo nang napansin kong nakatitig ito sakin.

"Bakit ka makatingin ng ganyan?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay. "Nagagandahan ka din sakin no? Haynako apollo kung nagagandahan ka sakin please naman sabihin mo nalang wag ka puro titig dyan" proud na proud ko sabi.

"Hahaha ang kapal mo talaga" aniya sabay iling iling, nakangiti naman ako hahaha nakonako.

Nahinto kami sa pagtatawanan nang biglang dumating si tyron "manang papalit na ng bed sheet ko" aniya sabay sulyap sakin, umalis naman siya bigla.

"Uyyy tumingin sayo si sir tyroooon yieeee" pang aasar na naman ni ate maria.

"Haynako ate maria hahaha baka ikaw nakatingin kay kuya rod" nagtawanan naman kami, si ate maria naman tiningnan ako ng masama hahaha kala mo ah.

"Oh keziah palitan mo na yong bed sheet ng alaga mo don tapos kana namang kumain eh" ani manang "teka kukunin ko lang yong ipapalit mo antayin moko ah" umalis naman agad si manang para kunin yong bed sheet para sa kama ni tyron

"Gusto mo samahan na kita?" Ani apollo

"Nako hindi na no para din masanay nako at tsaka madali lang naman to di naman na ako bata no" ani ko habang nakatingin sa kanya, napansin ko namang nailang siya kaya inalis niya agad yong paningin niya sakin

"Baka kasi mahulog kana naman sa hagdan eh" aniya sabay tawa, tss lakas ng trip nito ah

"Teka ikaw pala yong nahulog kahapon sa hagdan kez?" Tanong ni ate macris tango lang at ngising nahihiya ang tanging sagot ko

Bumalik naman agad si manang "Oh kez ito na umakyat kana don at palitan ang bed sheet ni tyron" ayy paulit ulit si manang hahaha.

"Sige po akina po" tumayo nako sabay akyat papuntang kwarto ni abnormal, kumatok muna ako sabay sigaw ng  "siiirrr andito napo akooo papalitan kona po yong bed shee-

Bumukas naman agad yong pinto kahit diko pa natatapos yong sasabihin ko. Umayos ako ng tayo nang makita ko si Tyron sa harap ko, pinakita ko naman sa kanya yong bed sheet sabay ngiti. Pumasok nalang ako agad at iniwan siya don sa may pinto wala ata siyang balak magpapasok e.

Naramdaman ko namang sinara niya na yong pinto sabay diretso sa may upuan sa kabilang gilid ng kama oo sa harapan ko at ang nakakailang don nakatitig siya sakin kaya napatingin din ako sa kanya "bakit sir may dumi po ba ako sa muka" tanong ko sa kanya.

Inirapan lang ako nito sabay talikod. Ibinaling ko nalang sa pagpapalit ang atensyon ko habang nasayaw sayaw pa hindi niya naman ako makikita kasi nakatalikod siya sakin eh. Pagkatapos ko magpalit aalis na sana ako kaso bigla siyang nagsalita

"I heard that you're going to transfer to my former school?"tanong niya

"Yes sir bakit po?"

"Nothing. You can go now" aniya baliw nga ata ang isang to magtatanong tapos sasabihin nothing chee! Nothing your face. Pababa  naman na sana ako sakto nakita ko si apollo.

"Buti naman at hindi kana nahulog ulit sa hagdan hahaha" bungad niya nang makababa ako "hahaha bat ganyan ka makatingin?" Tanong niya

"Tss ewan sayo siguro tuwang tuwa ka kahapon nong nahulog ako no?" Matalim ko siyang tiningnan.

"Hahaha hinde ah halikana nga"aniya sabay akbay sakin nagulat naman ako sa inasta niya pero hinayaan ko nalang kase feeling close nga pala siya.

The Missing Young BrideWhere stories live. Discover now