Umiiyak nang bumaba ng Jeep si Cassandra. Sapu-sapo niya ang kanyang dibdib habang pilit na pinipigil ang may kasakitan nang pagsinok.
Batid niya na kanina pa siya nagiging sentro ng atensyon sa daan ngunit wala na siyang pakialam. Sobra ang kirot sa kanyang puso para indain pa ang judgment ng iba.
Tumawid siya ng kalsada. Gulo-gulo pa rin ang kanyang buhok habang ang kanyang damit ay hindi na mawari kung marunong pa bang kumilala ng plantsa.
Tumigil siya sa paglalakad nang marating niya ang sementado at malinis na sidewalk. Nilipat niya ang kanyang kamay na nakahawak sa dibdib patungong parteng baga. Hindi siya makahinga.
Kamatayan ang kanyang sinapit kay Charlie. Halos hindi na nga niya nagawang magpaalam pa kina Lola Trina dahil sa nangyari.
Tumingala siya. Ninamnam niya ang hanging kay lamig na dumadaan ng kay bilis sa kanyang katawan. Sabi nila, kailangan raw yakapin ang mga nangyayari sa buhay kahit pa ito’y masaya o malungkot dahil pare-pareho daw ang mga iyon na huhubog sa pagkatao ng isang indibidwal.
Ginawa niya iyon ngunit tila hindi nawala ang sakit sa kanyang puso. Natanto niya na kung iiwasan man niya ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pag-inom ay hindi tama. Natitiyak niya na matatagalan pa bago mawala ang kirot sa kanyang puso.
Tumingin siya sa kanyang kanan. Nawala ang lungkot sa kanyang mukha nang makita ang lugar na laging nagbibigay kapanatagan sa kanya. Ang Plaza.
Humakbang siya papasok sa malaking entrada ng Plaza. Ang ingay ng mga taong nagkakasiyahan ay kay sarap sa tenga. Ang mga mapanghikayat na boses ng mga tindero sa paligid ay nakakatuwang marinig.
Pinagpatuloy niya ang kanyang mabagal na paglalakad habang nililibang ang sarili sa pagtingin sa paligid. Sa ganitong paraan, hindi niya nararamdaman na nag-iisa siya.
Tumigil siya sa ilalim ng isang malaking puno ng Mangga. Naaalala niya na sa lugar na ito palaging may nagpa-practice ng Cheerdance mula sa isang malapit na University.
Sa gawing kaliwa, naaktuhan niya ang paglalambingan ng magkasintahan. Nakaupo ang mga ito sa isang sementadong bench. Magkayakap, naghahalikan.
Hindi niya maiwasang mainggit. Kailan nga ba niya nagawa ang ganitong klaseng romansa? Mukhang never pa.
Niyakap niya ang kanyang sarili. Iyon na lamang ang kanyang magagawa upang mapunan ang pangungulila sa kanyang puso.
“Awwwww...”
Napatingin siya sa kanyang likuran nang makarinig ng mga boses ng kakiligan.
Bahagya siyang napangiti nang makita ang isang malaking selebrasyon sa harap ng Angel Fountain. Sa tingin niya’y masaya doon dahil karamihan sa mga taong namamasyal sa Plaza ay nagsitakbuhan doon upang makinood.
Bilang gusto niyang makalimot, pumunta rin siya. Nakipagsiksikan siya upang makita ang atraksyon.
“Excuse me....aray.......Kuya padaan po......teka....aw!.........wait lang po...pausod po....thank you......hay!”
Napasinghap siya ng hangin nang finally ay narating niya ang gitna ng pabilog na bulto ng mga tao.
“Annie.....I love you and I want to spend the rest of my life with a beautiful soul like you. You’re my life and I can’t live a day without you.”
Napahawak siya sa kanyang dibdib ng makita ang paglilitanya ng isang chinitong lalaki sa kahawak kamay nitong babae na mangiyakngiyak na.
Sa paligid ng dalawa ay may mga Photographers at Violinist. Nakakakilig. Nakakainggit.
BINABASA MO ANG
Cassandra's Second Chance
RomanceMeet Cassandra feira. Mayaman, maganda, sexy, matalino, sofistikada, at may sinasabi sa lipunan. Ang tawag sa kanya ng mga katrabaho niya ay BITCHERA. Bitch na etchosera. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, puno ng kalungkutan at kasawian ang kanya...