Bella,Nais kang kausapin ng iyong Ama. (bigla na lamang dumating ang tao na matagal ko na din gustong makita. Ang taong gusto kong muling ma-yakap!.)
Anak? (tawag nya sa akin. Hindi ko alam kung sasalubungin ko ba o kaya naman ay mananatili ako dito. Nandito pa din ang sakit na dinulot nya. Hindi mawawala si kuya kung hindi dahil sa kanya. Kaya kahit masakit sakin ay sinisisi ko sya sa nangyare.)
Antonio ,hayaan na muna natin silang mag-usap. (sambit ni Don Lazaro. Kami na lamang ni Ama ang natira dito sa loob ng silid.)
Alam ko na nagta-taka ka kung bakit nandito ako ngayon. Kung bakit magkasama kami ni Don Lazaro. (panimula nya. Pinaparinggan ko lamang ang lahat ng kanyang sinasabi at umaasa na mababawasan ang sama ng loob ko sa kanya dahil sa kanyang paliwanag.)
Nag-tungo ako mismo sa mansyon ni Don Lazaro upang humingi ng kapatawaran sa lahat ng aking nagawang....kasalanan. ( dagdag nya pa sa akin.)
Bakit kung kailang wala na si Kuya ay saka nyo naisipang mag-bago? Kailangan pa ba na....may mawala samin? (tanong ko sa kanya.)
Alam ko ang kasalanan ko sa inyo....huli na ang lahat alam ko 'yun. Subalit nais ko pa ding subukan anak. Patawadin mo ako kung mas inuna ko ang sarili kong mga interes. Naging maka-sarili ako at hindi inisip ang inyong nararamdaman. Pati ang inyong kaligayahan ay aking na-hadlangan. (salaysay nya sa akin. Bakit hindi ko pa din maibsan ang sakit na nasa loob ko kahit humihingi na sya ng tawad sa akin.)
Mahal na mahal namin kayo....pero ba-bakit hindi 'yon ang inyong nakita? Ba-Bakit hinayaan nyong malason ang iyong isip ng mga hindi magandang hangarin para sa kapwa? (tanong ko muli sa kanya.)
Alam nyo ba kung gaano kayo kamahal ni kuya? Halos hindi sya bumibitaw sa paniniwala na...magbabago kayo ? Napaka-sakit dahil..hindi nya 'yun naabutan. Si Ina....lubos ang pagmamahal nya sayo. Kahit na anong bagay ang inyong gawin. Masama man o hindi....nandyan sya para sa inyo. Pero sumobra kayo at nasaktan nyo sya. Sobra-Sobra yung sakit na nandito sa puso ko Ama. Gustong-gusto ko kayong sisihin sa lahat....pero napagtanto ko na hindi dapat. Dahil lahat ng ito ay may dahilan. ( sa wakas ay nailabas ko na ang lahat ng sakit na nasa loob ko. Ayoko nang magkimkim pa.)Hayaan mo akong bumawe sa inyo Anak. Hayaan mo na ang mga pagkakamali kong nagawa ay aking maayos. Nandito ako ngayon upang pumanig. Nais kong matutunan ang tunay na pagmamahal sa ating bayan. Kaya gusto kong tulungan kayo. (seryosong sambit nya sa akin.)
Wa-Wala akong karapatan upang ipag-kait sa inyo ang kapatawaran. Kung ang Diyos nga ay nagpapatawad ako ay isa lamang tao Ama. (sagot ko sa kanya pagkatapos ay niyakap sya ng mahigpit. Hindi ko nais umalis sa panahong ito ng may dalang hinanakit.)
Maraming Salamat Anak. Hindi kita pipilitin sumama sa akin kung nais mong manatili na muna dito ay hahayaan kita. Ngunit,kung maisip mo man na bumalik ay bukas ang ating tahanan para sa'yo. (sambit nya sakin.)
Magkikita po tayong muli. (sagot ko. Hindi ko sigurado kung makaka-balik pa ba ako sa mansyon na 'yun?. Kaya't ayokong mangako.)
Maiwan na muna kita anak. Kailangan ko maka-usap si Don Lazaro. (wika nya. Tuluyan na syang lumabas sa silid.)
Nawa'y bumalik na ang dati mong ngiti. (wika ni Antonio ng maka-pasok sya sa aking silid.)
Sana ay makita ko na muli ang bella na nakilala ko. (sambit nya din.)
Hindi naman ko nawala Antonio. Minsan may mga sakit na...nagpapabago sa kung sino tayo. Kung paano tayo mamuhay. Kung paano natin tinitingnan ang buhay. (sambit ko.)
At ang sakit na 'yun ay hindi lang nagpapa-bago sa atin. Nagiging dahilan ito kung bakit mas...nagiging matapang tayo sa lahat ng hamon sa buhay. Hindi dapat nating sukuan kung ano man ang ibigay nyang hamon. Dapat ay harapin natin ito. (dugtong nya din sa aking sinasabi.)
Patawad. Nasaktan lamang ako sa pagkawala ni Kuya Crisanto. Masakit para sa akin sapagkat naging kaagapay ko sya sa lahat. (wika ko sa kanya.)
Kapag may nawala,may babalik. Sigurado ako kung nasaan man si Crisanto ngayon ay napaka-saya nya. (muli nyang wika sa akin.)
Bakit? (tanong ko dito.)
Masaya sya dahil...maayos na ang kanyang kapatid. Dahil nagbabago na ang inyong Ama. At mabubuo na muli kayo. (naka-ngiting wika nya sa akin. Nakaka-gaan ng loob lahat ng kanyang sinasabi sa akin. Nawawala lahat ng aking sakit kapag sya ang nasa tabi ko at sa kanyang mga yakap ay kuma-kalma ang aking puso. Noon pa lamang at hanggang ngayon ay sigurado ako na sya ang ibinigay sa akin ng Panginoon.)
Paano naman kami mabu-buo kung...wala na si kuya Crisanto? (tanong ko naman sa kanya.)
Hindi naman sya nawala sa piling nyo. Nawala lamang ang kanyang katawan. Subalit ang kanyang puso at isipan ay mananatili sa inyo na kanyang pamilya. (wika nya.)
Huwag kang mawawalan ng pag-asa sa buhay. Hayaan mo na ang Panginoon ang syang mismong lumaban para sa'yo. Magtiwala ka. (sambit nya sa akin.)
.... KAYA KO PA BANG LISANIN ANG LUGAR NA'TO? ANG PANAHON NA'TO? NAIS KONG BUMALIK MULI SA SIMULA ANG LAHAT. KUNG PAANO KAMI NAGKA-KILALA. KUNG PAANO KO SYA MINAHAL? HANGGANG SA UMABOT KAMI SA PUNTO NA ITO. HINDI KO INAASAHAN LAHAT NG MGA NANGYARI SAKIN SA PANAHON NA'TO. KUNG SAAN MARAMI AKONG NATUTUNAN. SA BAWAT TAO. SA BAWAT PAGKAKATAON. SA BAWAT PANGYAYARI....ANTONIO! ANTONIO! KAILANGAN NYONG MAKA-ALIS SA TAHANAN NA ITO NGAYON DIN !!! (Nagmamadaling wika ni Don Lazaro. Nasa tabi nya si Ama.)
BAKIT HO? ANO ANG NANGYARI? (TANONG NAMAN NI ANTONIO.)
SI DON FELIPE NANDITO NA SYA. DOON KAYO DUMAAN SA LIKOD NG BAHAY. BILISAN NYO. (SAMBIT NI AMA.)
PAANO KAYO AMA? DON LAZARO? HINDI PA BA KAYO SASAMA SA AMIN? (TANONG KO SA KANYA)
Hindi ba't sinabi ko na babawi ako sa'yo? (maka-hulugang tanong nya sa akin. Hindi pwede!!. Hindi ko na kakayanin pang mawalang ng minamahal.!!!)
BINABASA MO ANG
"UNTIL WE MEET AGAIN"
Historical FictionSi Yzobelle Hanley ay isang sikat na manunulat ng mga "Historical Fiction" na libro. Madalas nyang nadidinig ang salitang nakaraang buhay. Subalit,hindi sya naniniwala sa ideolohiyang ito. Dahil para sa kanya ay iisa lang ang buhay at kamatayan ang...