FILWMS 10

51 2 0
                                    

FOR YOU, HE IS MORE THAN A FRIEND

"Friend?" Tanong ng bagong transferee dito sa school namin, he sat down beside me kasi 'yon nalang ang available na upuan.

Tinanggap ko ang kamay niya and we shaked hands,  I smiled "Friend! My name is Marianeth by the way." Pagpakilala ko.

"I'm Dwight." He smiled cutely. He's really handsome and cute at the same time, I can't deny that he's attractive also.

Since then we became closed friend na inaakala nang iba ay may namamagitan na sa amin while others said na bagay daw kaming dalawa even the teachers sa school namin ay sinasabi din na para daw kaming may relasyon ni Dwight dahil sa sobrang close namin.

"What if may feelings 'yan sa'yo si Dwight, Marian? Tapos manliligaw siya sayo, sasagutin mo ba?" One of my classmate asked while nakapalibot naman ang iba sa upuan ko. Here they are again with their imagination.

"I don't think so na may gusto sa akin 'yon and if meron man, kaibigan lang talaga eh." I said at umalis naman sila nang pumasok na si Dwight sa classroom.

"Bakit ka na late?" I asked him ng makaupo na siya.

"Ang traffic kasi sobra." He said habang inaayos ang kanyang gamit sa lamesa namin. "Bakit miss mo ako? nag video call naman tayo kanina ah."

"Hindi ah, gagi 'to curious lang ako noh!" I hissed. Bakit parang may nararamdaman ako sa kaloob looban ko na hindi ko maipaliwanag.

He's sweet and caring kaya maraming nagkakagusto sa kanya but takot din umamin at sabi nang iba ay dahil daw sa akin dahil iniisip nila na magkarelasyon kaming dalawa ni Dwight which is not true naman.

If lalagyan ko lahat ng malisya ang mga ginagawa niya ay baka iisipin ko na gusto niya ako kasi when I need someone to talk to he always volunteer na makikinig sa mga rants ko. Hatid-sundo niya ako not  araw-araw but pag may time siya sa akin niya inuubos 'yon and sometimes pag wala kaming ginagawa pag weekend inaaya niya ako mag joyride or manood ng cinema.

Pag may sakit ako palagi 'yan siya gumagala sa bahay para ma check if okay na pakiramdam ko,  naging closed niya na din ang families ko dahil sobrang bait niya nga at ma respeto pa na siyang nagustuhan ng parents and some sa mga relatives ko.

Never niya nakaligtaan na batiin ako every morning and he always make sure na kumakain ako on time at pag sabihin kong wala akong gana kumain tatawag kaagad 'yan siya sa messenger at papagalitan ako at lalabas na naman pagiging nutritionist niya sa sobrang daming alam about healthy habits at wala akong magagawa kundi kakain nalang para manahimik na siya.

Pag recess time siya 'yong always pumupunta sa canteen para bilhan ako nang pagkain and I don't know why eh kaya ko namang bumaba pero dahil minsan tinatamad ako kaya hinahayaan ko na rin. He always bring me lunch box para daw matikman ko ang luto niya and yes ang sarap niya nga magluto. He even always bought me some beverages kasi stay hydrated daw.

Sobrang sanay ko na sa presensiya niya until one day, may nakilala siya na isang transferee din sa school namin. Maganda, matangkad, mahinhin, maputi, matangos ang ilong, mabait, at sweet kong magsalita, hindi rin maarte she's just so perfect. Parang babae na galing sa libro sa sobrang perfect.

Naalala ko tuloy ang sabi ni Dwight noong tinanong ko siya about her ideal girl kasi I almost think na din na may gusto siya sa akin eh dahil na rin sa mga kilos na pinapakita iya sa akin.

"Anong gusto mo sa babae?" I innocently asked.

"Bakit mo natanong Neth?" He asked too at tinignan ako. Siya lang tumatawag sa akin ng Neth kasi lahat ng kakilala ko ay Marian ang tawag sa akin.

"You know your ideal girl para matulungan kitang maghanap." I said while laughing para mawala yong awkwardness sa boses ko.

"Ang gusto ko sa babae 'yong walang arte tapos mabait na mahinhin and 'yong tipong mapapangiti ka din pag ngingiti siya alam mo 'yon, yung nanghahawa na charisma. At mahal ako pero dapat mas mahal ko siya." He said with a genuine smile on his face. And all I can think that time is that the ideal girl his talking about is definitely not me.

One day he asked for my help. "Neth? can you help me?"

"Of course Dwight!" I excitedly announced. "Ano maitutulong ko sayo?" I smiled

"Pa help sana ako para ma closed ko—I mean natin 'yong bagong transferee." He said na nagpawi nang ngiti ko sa labi. Even though I don't feel like to help pero wala na akong magagawa dahil nakapag yes na ako.

One of our subjects want us to make a poems at sakto na ang pagsusulat ng mga tula ay isa sa favorite hobbies ko.

"Pwede gawan mo ako Neth?" Dwight asked, na tinanguan ko naman. "Thank you Neth!"

I made a poems para sa amin ni Dwight at habang nagsusulat ay napaisip ako na gawan na rin si Shane—the transferee.

Nang matapos ako sa paggawa nang tatlong tula ay binigay ko na kay Dwight ang dalawa.

"Thank you so much Neth! babawi ako pero why two?" Naguguluhan niyang tanong.

"Para kay Shane 'yong isa, ibigay mo na." I happily said even though naninikip na ang dibdib ko.

"Oh? is this your way of helping me to get closed with her Neth? Ang bait mo kaya kita kaibigan eh. Thank you once again!" He happily said. I won't deny na it hurts me seeing him happy because of someone.

They're closeness started with that poem I made hanggang sa parang naging hangin nalang ako para kay Dwight.

Yong dating hatid sundo niya sakin kay shane niya na ginagawa, sumasabay nalang siya sa akin pag may tanong siya tungkol sa gusto o hilig ng mga babae. Nalaman ko nalang one day pagpasok ko ng campus ay kumakalat na nililigawan niya na pala si Shane.

Some of my classmates and schoolmates na nakakilala o nakasubaybay sa closeness namin ni Dwight asked me kong kumusta ako? if di ba daw ako nagseselos na wala nang oras sa akin si Dwight, I always answered and assured them na I'm happy for him and Shane and I always support Dwight for his decision dahil magkaibigan lang naman kami since day one pero iwan ko ba pag nag iisa ako napapaiyak na lang ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Yong tao na parating nandiyan para sakin dati ay sa iba na binubuhos ang atensyon ngayon, atensyon na alam kong ibang iba sa binibigay niya sa'kin. Everytime I asked him now na gala kami he always answer me na may lakad si Shane na kailangan niya munang samahan and I understand kasi nililigawan niya naman eh and I'm just a friend wala akong karapatan.

I will admit na I missed him so much! missed ko na ang luto niya, missed ko na mga corny jokes niya, missed ki na mga pag aalala niya, at lalong missed na missed ko na siyang katabi nang upuan lalo na kasabay pag uwi kasi ngayon mag isa nalang ako. Magkatabi na kasi sila ni Shane nang upuan since naging mag official boyfriend and girlfriend na silang dalawa. Mag isa nalang din akong umuuwi.

Hanggang tingin nalang ako sa kanila kasi kahit palagi kami nagkikita sa school at kahit classmate kami hindi na rin kami nag uusap dahil palaging na 'kay Shane ang atensyon niya and it's okay— it's okay for me. Ako na rin ang umiiwas minsan kasi ang sakit pala, hindi ko man lang namalayan na ang lalim na pala nang pagkahulog ko at ngayon hindi ko alam kong saan magsimula para makabangon.

Sana darating 'yong araw na masanay ulit ako na mag isa.

_
E N D

FALL IN LOVE WITH MY STORIES Where stories live. Discover now