Chapter One
"Hoy Emerald? Okay ka lang ba?" Nabalik ako sa wisyo ng hilahin ni Earl ang braso ko.
"O-oo. Bakit ba?"
"Tange ka, kanina pa nagriring yang cellphone mo."
Mabilis kong tinignan kung sino ang tumatawag. My eyes widen when I saw my boss' name.
"Hello Sir, good morning." Tumayo ako at lumabas sa balcony.
[Emerald, You have a new project. Be sure to be here in Tuesday. I'll send the details on your email.]
"Yes Sir!"
[Okay, have a good day.]
I checked my email account at bumalik sa pagkakaupo ko kanina.
Medyo matagal magloading iyon kaya hinintay ko pa. Sumungaw ang ulo ni Earl sa may kusina.
"We'll eat breakfast now. Come here."
I turned off the tv and walked toward the dinning. Umupo ako sa harapan ni Earl. Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko at pinindot ang latest mail doon.
"What the fuck!" Usal ko ng makita ang title ng project ko.
"Emerald!" Si Mama.
"Oh my god!" Ulit ko pa at nagiscroll pa.
I am having a private interview with Vini Acosta. The son's president!
"Emsi what's happening to you!" Si Earl.
"Wala, n-nagulat lang ako sa project kong bago."
I locked my phone and took a deep sighed. Umiling iling ako.
Maybe he doesn't remember me now? Oo no. Dalawang taon na ang lumipas, hindi na nya tanda iyon. Pero teka, bakit ako, tanda ko pa din?
Pumikit ako ng mariin. Gusto kong maiyak kasi hindi ako pwedeng tumanggi dito, nasa rules ni Sir na bawal akong tumanggi sa bawat project na ibibigay nya para sa promotion ko.
Tangina Emsi! Bakit kasi nagpakatanga ka last two years ago? Bakit? Bakit?!???!
Ni hindi ko malunok iyong pagkain ko. Hinihiling ko nalang na sana tumigil ang oras at hindi na mag tuesday.
Ano ba naman itong nangyayari sakin? Damn, pinagsisisihan kong pinilit kong magbakasyon kami sa SoKor. Jusko Emerald!
Masyado ka kasing panatag na hindi na kayo magkikita and what's worst? Anak sya ng presidente ng pilipinas! Tangina!
Kahit ayaw ko, nauwi pa din ako sa pagsesearch tungkol sa issue na kinasasangkutan ni Vini Acosta. Madaming article ang lumabas.
Isa isa kong binasa ko iyon. May iilan na nasangkot ito sa illegal drag race at napasama sa aksidente. Meron ding raid sa isang hide out gawa ng drugs and cocaine.
Habang binabasa ko ang articles ay napapahilot ako sa ulo ko. Kung ako, naiistress pagbabasa. Ano pa kaya iyong presidente na binabato ng mga batikos ngayon.
Victor Nicholas 'Vini' Acosta. Damn, now I remember. Vini ang pinakilala nya sakin that night. Oh fool you, Emsi.
Siguro kung anak to ni Mama, panay nang may pingot to sa tenga dahil sa duming dinidikit nya sa apelyido namin. Naku.
Naglista na ako ng mga pwede kong itanong once na makita ko na sya ng personal. Wish ko lang na sana hindi nya ibuild up kung ano iyong nangyari noong dalawang araw na iyon sa SoKor. And if that happens, I know I'm doomed. Not really pero... ugh.
Tuesday came. Tamad na tama akong bumiyahe pabalik sa opisina. Pero kapag naiisip ko ang promotion ko, tinatatagan ko nalang ang loob ko.
I am being professional here! Magkaiba ang sariling buhay sa pagiging reporter ko. Sana lang hindi antipatiko si Vini kapag nakaharap ko na dahil iba ang pakikitungo nya sa akin that time!
BINABASA MO ANG
Into You (Lausingco Series #8)
RomanceDahil sa pinagbigyan ang sarili, ginawa ni Emsi ang lahat sa loob ng dalawang araw noong nagbakasyon sila sa SoKor. May nakilala syang lalaki na nakasama nya doon. Iniwan at kinalimutan ang lahat. Paano kung makita nya uli ang lalaking iyon at kuli...