CHAPTER 10

244 15 0
                                    

TAEKOOK: TAEHYUNG'S FIRST KISS

TAEHYUNG'S POV

Dahil dumating na naman yung kaibigan ni Jimin na si Elysa at nag-uusap sila ngayon ay inaya ko muna si Jin at Jhope na maggala sa mall

At hindi ko inaasahan na kasama ni Jhope si Jungkook at pa gwapo siya ng pa gwapo ah

"Annyoeng" bati sakin ni Jungkook.

"Annyoeng" sagot ko nalang.

"Inaya lang naman tayo nitong kaibigan Kong maggala dahil yung boyfriend niya daw ay busy sa iba!" at pagkasabi nun ni Jin ay pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran at sinamaan ng tingin. "Aray ko!" angal niya.

"Busy sa iba ang bf mo?" tanong ni Jhope.

"Hindi naman sa ganun, kasi syempre kakadating lang nung kaibigan niya from US at syempre namiss nila yung isa't isa kaya hinayaan ko nalang"

"Hindi yun rason para pabayaan ka niya" sabat ni Jungkook kaya taka kaming napatingin sa kanya na seryosong nakatingin sakin kaya medyo nailang pa ko.

"Oo nga naman bes, tama si Jungkook" pag sang-ayon ni Jin.

"Okay fine" sagot ko nalang. "Tara nalang maggala at nandito ako para magsaya at para hindi maramdaman na busy sa iba si Jimin"

"Sige Tara, magshopping nalang tayo"

At pumunta na kami sa may Tindahan ng mga damit at namili

Si Jin at Jhope ang magkasama at kami naman ni Jungkook ang magkasama

"Ayun oh damit na Gucci, diba favorite mo yun?" turo sakin ni Jungkook nung T-shirt na Gucci.

'Wow tanda niya pa pala ang mga hilig ko'

"Ah oo nga no, sige isusukat ko"

At kinuha ko na yung T-shirt na Gucci at sinukat na sakto naman sakin kaya binili ko na

Pagkatapos naming mamili ay kumain agad kami sa mga restaurant sa paligid

"Bes mukhang masarap oh!" at tinuro sakin ni Jin ang ma cholesterol na pagkain.

"Ayoko nan, masyadong ma cholesterol"

"Eh eto? You want?" at itinuro naman sakin ni Jungkook ang Vegetables salad na nagustuhan ko naman.

"Sige"

"Yun oh pagdating Kay Jungkook walang ayaw ayaw ang Kim Taehyung" pang-aasar ni Jhope at natawa naman sila maliban sakin.

Maya maya lang ay dumating na ang order namin kaya kumain na kami

"Oh banana milk" inilapag ni Jungkook sa harap ko ang limang banana milk at tatlong banana milk naman sa kanya.

"Uyyyyy sana ol! Hahahaha" si Jin at Jhope.

At nagtawanan na naman kami

"Salamat" sabi ko. "Your welcome" nakangiting sagot ni Jungkook at kumain na ulit kami.

'Siya yung mahilig sa banana milk pero sakin yung pinakamarami kesa sa kanya, Hayst'

Puno ng kasiyahan ang paggagala namin kaya hindi ko na din magawang pagsungitan si Jungkook

Baka nga ayaw talaga kaming paglayuin ng tadhana dahil may plano talaga siya para sa amin ni Jungkook pero hanggang magkaibigan nalang talaga ang mabibigay ko sa kanya dahil may Jimin na ko

MY EYES ARE ALWAYS ON YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon