"AROUND the world ang tawag sa nakita mo. Ito naman....ito namang style na ito ang spaghetti," ani Owy na sa gulang na labing-anim ay lalong lumitaw ang taglay na kaguwapuhan at ka-cute-an.Bagamat nadagdagan ang edad,hindi nabawasan ang hilig nito sa paglalaro ng yoyo.Mas dumami pa nga ang nalalaman nitong estilo sa paglalaro noon.
Tiyempo pa ng mga panahong iyon ay talagang hindi lang mga bata ang nahihilig sa yoyo.Iyon ang panahon ng "Yoyo Craze" dahil kahit may edad na,mapababae o mapalalaki ay naloloko sa paglalaro nito.
Pahusayan ng hagis.
Paramihan ng alam na Style.
Pagandahan rin ng yoyo.Gaya ng yoyo ni Owy na umiilaw pa.
"At iyan ang walking the dog?"manghang tanong ng fifteener na si Gwen kay Owy.
"Oo," anito habang nakasabit sa isang daliri ang tali ng nilalarong yoyo.Samantala,ang mismong yoyo ay animo may mga paang nakalapat sa lupa habang patuloy sa paggulong ayon na rin sa kontrol ng nag-lalaro.Tila iyon isang tutang naglalakad na ang tali ay hawak-hawak ng amo.
"Ang tindi mo talaga,Mr. Yoyo!"
"Huwag ka munang humanga riyan.Marami pa akong alam,"may pagmamalaking wika ni Owy na lalaong ginganahan sa exhibition.
Sanay na sanay sa paglalaro si Owy.Parang gaan-gaan ng kamay nito habang inihahagis-hagis sa ere ang yoyo hanggang makabuo ito ng hugistriyanggulo mula sa tali.Pagkuwa'y idinuyan-duyan nito ang yoyo.
"O,ano naman iyan?"Hanga na namn si Gwen .
"Ito ang Rock-a bye baby!"
:Ang galing!Ang galing!"sigaw ni Gwen sabay palakpak.
Hindi lang iisang palakpak ang narinig nila.Nang lumingon sila,saka nila nalaman na marami palang nanonood kay Owy.Karamihan ay mga girls na hindi lingid kay Gwen na may crush sa kanyang kaibigan.
Lalo namang nasiyahan si Owy.Yumukod pa ito sa mga naghahagikgikang tagahanga habang pandalas ng pasalamat.
"Owy ,isa pa uling exhibiton,o."lambong ng may pagkamestisang si Sharmaine."
"Oo nga,manonood ulit kami,"segunda ng barkada nitong si Shaira.
Hindi pa man sumasagot ang binata,nagpalakpakan na ang buong baarkada.
Napasubo ito.
"Owy,simulan mo sa Bicycle o sa Shooting Star,"si Sharmaine ulit na kilig na kilig.
Ilang sandali pa at pinalibutan na nina Sharmaine at ng barkada nito ang nagyoyoyong si Owy.
Naiwan sa isang tabi ang nanggigil na si Gwen.
Sa inis niya.umalis siya roon at umuwi ng bahay.
MALALAKI na nga sila,kaya inaasahan ni Gwen na hindi na mahirap intindihin para kay Trisha ang dahilan kung bakt ganoon ang closeness niya kay Owy.
"So,type mo si Owy?"
"Hindi lang type,Trisha...in love pa ako sa kanya."
"An what do you know about love?Gwen magkaedad lang tayo,ano?Hindi pa nga tayo nagde-debut.In short,hindi pa tayo matatawag na dalaga.Tapos ngayon,sasabihin mong in love ka?"
"I believe,walang pinipiling edad ang pag-ibig.
Baka lalo kang ma-shock kapag sinabi ko sa iyong maliliit pa tayo ay ganito na ang damdamin ko para sa kanya."
"Oh,mu!"Natampal ni Trisha ang sariling noo.
"Siguro ngayon ay alam mo na kung bakit hindi ko pinapansin ang mga nagpapalipad-hangin sa akin.