MAAARI PA BANG IBALIK ANG DATING TAYO?

7 0 0
                                    


MAAARI BA TAYONG MAGBALIK SA KAHAPONG KAY TAMIS

KUNG SAAN LASAP PA ANG TAMIS NG IYONG PAG-IBIG?

MAAARI BANG MAIBALIK ANG NAGDAANG SUYUAN

KUNG SAAN NAROON ANG INIT NG IYONG PAGMAMAHAL?

MAAARI BANG GUNITAIN NATIN KUNG SAAN TAYO NAGSIMULA

KUNG SAAN ANG ATING MGA EMOSYON AY SARIWA PA?

MAAARI BANG BALIKAN NATIN ANG LUGAR KUNG SAAN NABUO

ANG AKING PAG-IBIG PARA SA IYO?

MAAARI BANG BISITAHIN ANG MGA ALAALANG NAIWANAN

SA ATING MGA TINAHAK NA DAANAN?



"MAAARI PA BANG IBALIK ANG DATING TAYO?"

YAON ANG TANONG NA BUMAGABAG SA AKING PAGKATAO



MARAHIL AY NAGBAGO NA ANG PANLASA

NG IYONG PUSONG NGALAN KO NOON ANG IDINIDIKTA.

MARAHIL AY WALA NA ANG APOY SA IYONG MATANG NAG-AALAB

DAHIL WALA NANG MASAKSIHAN KUNDI ANG MGA DAGITAB.

MARAHIL AY NATABUNAN NA ANG SAKIT ANG UMPISA

AT MAGING ANG SAYANG KASAMA NITO'Y NAIBAON NA.

MARAHIL ANG MGA LUGAR AY KASAMANG BINAGO

KATULAD NG KUNG PAANO NAGLAHO ANG GILIW NG IYONG PAGSUYO.

AT MARAHIL ANG ATING ALAALA'Y IYO NANG PINATAY,

NGUNIT ANG NATIRA SA AKI'Y BABAUNIN KO HABAMBUHAY.

POEM / POETRY STORYWhere stories live. Discover now