Chapter 1

49 6 2
                                    

Names and events are just made to fit the story.

''Punyeetaaaaa''
''Ayoko na''
''Pano 'tooooo!!!''

Sigaw ng mga kaklase kong nagmamadali na dahil paalis na ang prof at hindi pa siya tapos.

Mga nagkakagulo para lang matapos ang ipapasa.

May mga umiiyak na dahil ayaw nilang bumagsak sa subject.

Meron naman tinapos na lang para may maipasa. Malay mo tumama pa siya sa mga hula hula niyang sagot.

May mga naglalaro na lang ng kani kanilang phone dahil sila'y tapos na.

At ako naman ito, nanonood sa mga taong nagkakagulo dahil natapos ko na.

Hi, ako nga pala si Hudison Tee isang estudyanteng nag aaral sa Mapua at kumukuha ako ng Mechanical Engineering.

Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid na puro lalaki. Tama, pangalawa at iniisip niyo na kapag pangalawa sa magkakapatid e ''Black sheep'' na kung tawagin. Wag kayo mag alala, hindi ako ganun. Hintayin niyo makilala ang bunso saming magkakapatid. Siya ang masasabing ''Black sheep''. Mukha lang akong galit sa mundo dahil bibihira mo lang akong makitang nakangiti pero may mabuti naman akong kalooban.

Minsan nagiging basag ulo ngunit sulit naman ang mga tuition ko. Consistent scholar sa mga school na pinapasukan ko.

Never pa akong nagkaroon ng bagsak na marka sa report card ko. Minsan na rin akong sumali sa mga ''Mr. and Ms.'' sa school. Pinapalad namang manalo. Dun ko rin nga nakilala ex ko.

Wag niyo na balakin itanong kung sino ex ko dahil alam kong masaya na siya sa iba.

Sa kasalukuyang 1st year pa lang ako sa college at hihirapan nanaman ako makapag adjust nito sa bagay bagay dahil sa new environment na aking gagalawan.

1st day pa lang e naligaw ligaw na ako dahil nahihiya ako magtanong tanong sa mga schoolmates ko.

Buti na lang e may guard akong nakita.

''Sir, saan po ba ang registrar office dito?'' tanong ko dahil nalilito na ako.

''Ay diretsuhin mo lang yan sabay kaliwa. May makikita kang ng mga taong nakapila." sagot ng guard sa tanong.

''Sige po salamat''

Tama kayo, sir ang tawag ko sa mga guard dahil professionals din naman sila kaya deserving silang matawag na ''sir''.

Tinandaan ko lahat ng sinabi ng guard pero ang problema ko ay hindi ko alam ang ''kaliwa'' at ''kanan''. Hindi ko pa nasasabi sainyo pero hindi ako pure Filipino may half ako.

Ako ay isang Chinoy. Siguro halata naman sa aking apelyido ko. May kumpanya ang tatay ko dito sa Pilipinas kaya kami napunta dito. Thirteen years ako nanirahan sa China. Doon ako nag kindergarten, elementary at grade 7. At lumipad pa puntang Pilipinas para ituloy ang aking pag aaral dahil nga inilipat na sa tatay ko ang posisyon nang pagiging CEO ng kompanya ng aking lolo.

Hindi naging madali sakin ang biglaang paglipat sa paaralan na hindi pa ako sanay. Kaya siguro nasanay na akong i-isolate ang aking sarili sa mga kaklase dahil naninibago ako sa lahat ng pangyayari.

Sa kabila nun, nagkaron naman ako ng mga iilang kaibigan na nakilala ko nung grade 9 na ako. Lima kaming magkakaibigan. Ipapakilala ko sila sainyo.

Una kong naging kaibigan dito sa Pilipinas ay si Jason. Isang lalaking ubod ng talino na pwede mo na ipalit sa mga prof na hindi nagtuturo. Kahit sobrang talino nun, nagagawa niya pa ring lumandi kung kani-kaninong babaeng magpapatutor sakanya.

          

Sumunod naman ay sina Oliver na lagi niyang kasama na si Brian. Sila ay magpinsan at nakilala nila ako dahil akala nila ako'y naghahamon ng away dahil sa aking tingin.

Naglalakad ako nun at natitigan ko si Oliver nang walang dahilan. Bigla akong nilapitan ni Oliver at tinanong kung may problema ba ako at kung gusto ko ba raw ng away.

Tinalikuran ko lang siya matapos niya sabihin ang nga iyon. Sabay pinalingun ako at inambaan ng suntok at napigilan ko ang kanyang kamay. At sumagot ng paseryoso ''WALA'' sabay naglakad ng dirediretoso.

Kinabukasan nun, bigla akong nilapitan ni Oliver at humingi siya ng paumanhin.

''Bagong estudyante, sorry nga pala kung napag initan kita kahapon. Sama kasi ng tingin mo akala ko makikipag away ka dahil sa tingin mo'' sinabi ni Oliver habang nakaupo ako sa may library at nag aaral.

''Ayoko pa naman masira yang maganda maganda mong mukha." Tinuloy niya ang kanyang sinasabi at tinignan ko lamang siya at tinuloy ang aking ginagawa.

Nahihiya kasi akong makipag usap sa taong hindi ko pa masyadong kilala baka kasi may masabi akong hindi maganda sa kapwa ko kaya limitado lang ang aking pakikiusap.

"Oliver nga pala. At ikaw ay si?" Siningit niya bago siya umalis.

"Hudison. Hudison ang aking pangalan." Sagot ko sa kanyang tanong.

At onti-onting nag usap kami ni Oliver hanggang sa naging magkaibigan kami. Pinakilala niya na sakin ang pinsan niyang si Brian.

Lumipas ang dalawang araw pinakilala rin sakin ni Jason, si James at si Nicole na naging kaibigan ko na rin.

Sila ang matatalik kong kaibigan. Napaghiwa hiwalay kami dahil sa aming course. Si Oliver at si Jason ay kumuha ng nursing sa UP Manila habang si Nicole naman ay BS Chemistry sa UST dahil gusto niya raw gumawa ng pabango na makakatalo kay Joel Cruz. Si James ay kumukuha ng Accountancy sa FEU habang si Brian ay nag aral sa ibang bansa dahil gusto niya mag aral ng Law sa ibang bansa. At ako naman ay napadpad sa Mapua dahil sa impluwensya ng aking pinsan.

Nakakapagkita pa naman kami kahit papaano pero hindi tulad ng dati na halos araw araw.

Mabalik sa buhay kolehiyo ko. Tatlong linggo na ako sa kolehiyo. Sa ngayon hindi pa ako nahihirapan. Nakikita ko naman na magagaling ang mga kaklase ko. Nakakatuwa lang makita silang natataranta at ako naman ay chill lang dahil maaga ko natapos ang mga pinapagawa.

Ang katabi ko na si Jake na isa ko ring kaibigan dito sa Mapua na walang sawang pagtingin sa salamin at minsan na rin akong nahawa. Nasa CR ako nun, kakatapos ko lang maligo at napatingin ako sa salamin. Habang nagbloblower dahil paalis na ako nun papuntang school. Tinitigan ko sarili ko at umabot ako ng 1 oras kakatingin lang sa aking mukha. Dahil dun sinusumpa ko si Jake. Biro lang.

Isa akong scholar sa Mapua kaya kailangan ko galingan sa lahat ng aking gagawin para hindi matanggal ang aking scholarship. Matapos ang isang subject namin. Susunod naman ang 4 hours straight na subject ko na walang ibang gagawin kundi magkwento ang prof ko ng kanyang buhay. Lagi niyang sinasabi na naging estudyante rin daw siya at alam niya lahat ng gawaing estudyante.

Kada may maaalala siya ikwekwento niya ito na para bang hindi niya pa nakwento samin. Paborito niyang ikwento ang 1st love niya na napangasawa niya ngayon. Sa mga oras na iyon makikita mo na may mga kaklase na ako na nakapikit na. Meron pa mga nakaheads down na sa antok. May mga humihilik na rin sa may bandang likod. Meron ding mga tulo laway na. Ang pinakamalala e may nagbubuffet na sa gilid. Nagsshare ng kani-kanilang pagkain. Pero ako, nakikinig lang. Ang ginagawa ko, pasok labas lang sa tenga at aabangan kung magtuturo ba siya.

......

Pagtapos ng aking klase e bigla akong nilapitan ni Jake at inaya ako kumain dahil nakakagutom naman ang pakikinig sa buhay ng tao. Pumunta kami sa Ministop upang bumili ng aming paboritong manok ang ''Uncle John''. Sasamahan pa ng Kariman na Pizza flavor. Kumain lang kami at onting kwentuhan sabay naglakad lakad sa intramuros at nakakita ng isang babaeng umiiyak. Nilapitan ko siya at kinausap.

''Miss, are you okay? Why are you crying? Is everything alright?'' tanong ko sa babaeng umiiyak

''May kumuha ng wallet ko. Hindi ko alam kung pano na ako makakauwi'' sagot ng babae habang umiiyak.

''Eto o pahiramin muna kita.'' Inabutan ko siya ng pera at nagpasalamat ang babae sabay umalis.

Bigla akong nilapitan ni Jake. Sinabi na masanay na raw ako sa mga budol budol. At tinanong ko siya kung bakit. ''Alam mo ba, ilang beses niya na ginagawa yun. Minsan nga naiwan niya raw wallet niya. Minsan kakabreak lang daw nila ganun. Kaya ikaw mag iingat ka''

Nanlaki ang mga singkit kong mata matapos malaman ang sinabi ni Jake habang nahiya ako dahil sa aking ginawa. Okay na rin naman yun at least natutunan ko na. At sa babaeng binigyan ko ng pera, sana masaya ka sa pag inom ng milktea deserve mo naman yang pera na binigay ko. Hindi naman masama ginawa ko. Mahalaga nakatulong pa ako HAHAHAHA.

Naglakad na kami ni Jake papuntang sakayan ng Fx at umuwi na.

I'm drunk and I loved youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon