Chapter 23 : Home

190 5 2
                                    


AYUMI'S POV

"What?! Na-expelled ka?!" gulat na tanong ni Euwan.

"Oo nga"

Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse siya ngayon, papunta kami sa office niya. Friday ngayon at tinatanong niya ko kung may kailangan ba kong puntahan sa school kaya sinabi ko na sakanya na na-expelled ako.

"Why? What happened?! Anong ginawa mo?!" sunod sunod na tanong niya. Napakamot ako sa noo ko bago natatawang sumagot

"Ahh... naubos pasensya ko eh" tumawa pa ko ng pilit

"Well that's not new, mabilis namang maubos yung pasensya mo eh, I'm asking what the hell did you actually do?" sinamaan ko muna siya ng tingin bago sumagot

"Eh sumombra na sila eh... kaya yun... sumobra din ako, napagdiskitahan ko mga mukha nila, nabunutan pa ng ngipin yung isa" pag-aamin ko.

"And then?"

"Dumating yung nanay nila, ehh may kapit yun, kaya yun, wala naman na rin akong magagawa, sinagadsagad ko na, pati yung nanay nila inaway ko" dagdag ko.

"Hayst! You should've called me! What's the name of that university again?! Ipapasara ko"

Gulat akong tumingin sakanya

"Nababaliw ka na ba? Ang daming nag-aaral dun, hindi lang sila. Tsk! Wag kang mag-alala, lintik lang ang walang ganti" hahayaan ko muna silang magdiwang tsk tsk tsk

Pagpasok namin sa company, bawat empleyadong nakakasulubong namin bumabati samin. Bago kami nakapasok sa opisina niya, nadaanan namin yung secretary niya. Kitang kita ko kung paano siya magpacute nang ibigay niya kay Euwan yung schedule niya. Nang mapunta sakin ang atensyon niya kaagad ko siyang inirapan. Hmp! Lakas ng loob humarot sa harap ko.

Nang makapasok kami sa opisina umupo ako sa sofa na nasa tapat ng office table ni Euwan. Sakto namang tumunog yung cellphone ko, pagtingin ko ng caller tumingin muna ko kay Euwan bago ko sagutin yung tawag

"Hello?" bungad ko nang sagutin ko yung tawag.

"Hey! How are you?" masiglang tanong ni Shin

"I'm fine. Napatawag ka?"

"I'm just wondering if you're free today. Nood tayong movie" napalingon ako kay Euwan, bahagya pang nakakunot ang noo niya habang nakatingin sakin.

"Uhhmmm ano kasi... hindi ako pwede ngayon" sagot ko sakanya

"Ehh? Bakit? Busy ka ba?" parang nagtatampong tanong niya

"Oo ehh" sagot ko

"Sino yan?" napalingon ako kay Euwan nang magtanong siya

"May kasama ka ba? Sino yun?" tanong din ni Shin nang marinig niya si Euwan

"Ahh oo si Euwan" sagot ko sakanya.

"Huh? Sin-" nagulat ako nang hablutin niya ang cellphone ko

"I'm her husband" matapos niyang sabihinn yun pinatay na niya yung tawag sabay hagis ng phone ko sakin, buti nalang nasalo ko

"Stop talking with that stranger" inis na sabi niya.

"But he's not, I told you, he's a sen–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang magring ang cellphone niya. Pinanlakihan pa nya ko ng mata bago sinagot yung tawag.

Pasimple kong tinext si Shin

To: Shin

'Sorry 'bout that, mainit lang yung ulo ni Euwan. I really can't watch a movie with you, and I think it will be hard to meet you, I'll be busy'

The Royalties [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon