DANAIRA
Pag-uwi ko ng bahay ay agad kong binuksan ang laptop ko at sinearch sa internet ang pangalan ng nakasulat sa card na binigay sa'kin no'ng lalaki na sa tingin ko ay pangalan ng isang company. S'yempre malay ba natin kung con-artist pala ang isang 'yon, ano? Baka mamaya alam niya na hindi ako mayaman kaya siya nag-offer ng gano'n na kalaking pera. But, ehem- hindi ko naman sinasabi na naniniwala ako na kaya niyang magbigay ng five hundred thousand. Sus, baka nga pera pa ng mga magulang niya ang ibayad niya sa'kin kung nagkataon. Teka, ano nga ang sinabi niyang gagawin ko? Babysitting ba?
Typing...
Acacio|
Acacio Enterprises |
Acacio Enterprises Corporation|
Search!
Wow. I can't believe it. Totoo nga ang company na 'yon at bakit hindi ko alam na sikat pala ang Acacio Enterprises? Meron pa rito na mga videos na tungkol sa kanila. Woah~ naipalalabas din pala sila sa telebisyon. So, ang tanong: Bakit hindi ko alam? Pero ang mas malaking tanong: anong koneksyon ng lalaking 'yon sa company na 'to? Hmm... Guard kaya siya ro'n? Long hair siya, e. Pero kung mukha ang pagbabasihan, masyado siyang gwapo para maging isang guard lang.
Kung hindi ko nga lang crush si Roffle noong unang pagkikita namin siguro ay naging crush ko na siya. Pogi niya kaya! Kaso lang mukhang may sira sa utak kaya pass. Duh~ doon tayo sa pogi na at walang sayad sa utak.
Nakalagay din dito sa internet ang location ng company. Medyo may kalayuan siya lugar namin.
My gosh. So, ano na ang gagawin ko? Na-search ko na ang company name at may lumabas naman. Pero ang problema ay hindi ko alam kung anong koneksyon ng lalaking 'yun sa company na 'to. Paano na lang kung pumunta ako ro'n bukas tapos wala siya ro'n or bait lang pala ang offer niyang five hundred thousand para dukutin ako? Geez.
Isa pang problema, hindi ko man lang alam ang pangalan ng lalaki na nagbigay sa'kin ng business card. At wala man lang ni-isang pangalan ang nakasulat dito maliban sa company name at number na pwedeng tawagan. Gosh, siguro ay peke itong business card dahil walang pangalan ng may-ari.
Tch. Bakit ko pa ba iniisip 'yon? My gosh, masisira lang ang ganda ko kung iisipin ko pa 'yun. Halata namang fake. Makatulog na nga!
Sinara ko na ang laptop. Naghubad ako ng damit at dumiretso sa banyo. Nakalimutan ko na hindi pa pala ako naglilinis ng katawan. Might clean my body first before going to bed.
Kinabukasan, s'yempre hindi ako pumunta sa company na iyon. Ano ako, uto-uto? Tanga-tanga lang ako minsan pero hindi ako uto-uto, ano. Mas mabuti na rin na hindi ako pumunta ro'n, hindi ko rin naman alam kung ano ang sasakyan ko at kung paano makarating doon. Baka maligaw lang ako tapos may biglang dumukot sa'kin. My gosh!
Well, marunong naman ako mag commute unlike Jade and Roan. S'yempre laki sa yaman ang dalawang 'yon, samantalang ako naman ay naranasan ang paghihirap.
Habang na sa klase ay ang lalaki na 'yon pa rin ang na sa isip ko pati ang malaking pera na in-offer niya sa'kin. I know it's too late for me to go there now because the time is beyond 2 p.m. Tch, baka ganito lang talaga kapag nanghihinayang ka sa pera. Oops, hindi ako mukhang pera 'no! I'm just thinking, what if that offer was real? Aish! Hayaan na nga natin 'yon, baka mabaliw lang ako kapag lalo ko pa 'yon inisip.
BINABASA MO ANG
Barge In (Eyes Series #3)
RomanceDanaira Rose Siervo never expected to fall in love with Klutch Negan Acacio, a lazy but wealthy guy who only used her for academic purposes, but their arrangement turned into something more. Despite their feelings for each other, they were forced to...