Chapter 6
“Drop everything on my calendar for the next three weeks, I’m heading out,” halos pasigaw na wika ni Derick sa sekretarya niya. Kapapasok palang niya sa opisina ng oras na iyon. He found out that his fianceé is nowhere to be found. Siyempre pa, he hired a good security team that will track Dalene pero naisahan sila nito. Iyon ang ipinag-iinit ng ulo niya. Hindi pa naman siya nagbukas ng email kagabi dahil sa dami ng tambak na trabaho na inasikaso niya sa bahay. He took his work home dahil ayaw niyang nakikita ng mga empleyado niya na lumalagpas siya sa eight to nine work hours.
“Pero Sir Derick--”
Tinitigan kaagad ni Derick ang sekretarya bago umiling. He needs to get away from the office fast and he needs to go now if possible. “No ifs or buts, Carol. I need to be somewhere today.” Derick looked at his watch. Nang malaman niyang umalis ng hindi nagpapaalam si Dalene ay kinabahan siyang bigla. His men informed him na nagpa-book ng flight si Dalene at hindi pumasok sa opisina.
“Should I book you an overseas flight, sir?”
Nilingon niya ito. “Hindi, sa Davao lang ang punta ko. Book me a flight to The Pearl Farm Beach Resort. I want to leave as soon as I can. Kung makakakuha ka ng flight ngayong tanghali mas maganda.”
“Right away, sir.”
Derick started pacing inside his office when he ended the call. Damn that woman! Hindi pa siya na-frustrate ng sobra sa buong buhay niya. Alam ng mga nasasakupan niya ang ugali niya pagdating sa trabaho kaya naman hindi siya nagagawang kunsumihin ng mga ito. Si Dalene lang talaga ang nagawang magpainit ng ulo niya.
Nang biglang tumunog muli ang telepono ay mabilis niya iyong sinagot.
“Sir Derick,” bungad agad ng sekretarya niya.
“Yes?”
“May flight po mamayang eleven fifteen ng tanghali. Ipapa-book ko na ho iyon under your name kasama na iyong hotel accommodation.”
“Good. Uuwi na muna ako to prepare. I’ll let you know if I need anything.” Nagmamadaling kinuha ni Derick ang kanyang coat at lumabas. Hindi na niya sinubukang i-lock ang opisina dahil may maglilinis naman doon mamaya. Dumaan siya sa opisina ng sekretarya. “Is my itinerary ready?”
“Yes, sir. Nasa email na ho ninyo ang lahat pati ho iyong reservation information sa resort. Your taxi will arrive in thirty minutes,” dagdag pa ni Carol habang nakatingin sa relong pambisig.
“Maraming salamat. I have my phone with me so if there’s anything important that you need to tell me, please call, okay?” Nang tumango si Carol ay nagmamadali na siyang lumabas. Hindi na nga niya nagawang pansinin ang ilang empleyado niya na bumati sa kanya.
Paglabas ni Derick ay mabilis niyang pinaandar ang sasakyan. Dahil medyo malapit ang bahay sa building na pag-aari niya ay hindi siya kinakabahan na maipit sa trapiko. He was practically ten minutes or less away from home.
Derick arrived immediately. May flight siyang dapat habulin and he can’t afford to be late. He knows that the taxi will arrive soon so he just stuffed clothes inside his luggage. Kung may makalimutan man siya ay doon nalang niya iyon sa Davao bibilhin. Nang marinig niyang may bumusina sa labas ay lumabas na siya. Nakita nga niya ang taxi doon na naghihintay.
“Just in time,” bulong niya sa sarili bago lumulan sa taxi. “Sa Domestic Airport po,” aniya. He secretly smiled dahil hindi siya sanay na nagta-taxi kapag pupunta sa airport. Hindi lang niya gustong abalahin ang piloto ng charter plane ng pamilya nila para sa madaliang lakad niyang ito. He doesn’t even want his parents to know that he’s going after the girl that they want him to marry.
Pasipol-sipol pa si Derick nang lumululan na siya sa eroplano. Dahil frequent flier ay alam na niya kung saang lane pupunta. Makaraan ang treinta minutos ay naroon na nga siya at naglalakad na sa tarmac.
“Welcome aboard the Philippine Airlines, sir,” anang flight attendant.
“Thanks,” sagot niya. He was in the business class section of course.
We will be arriving in Davao in about one hour and forty-five minutes. Narinig ni Derick na nagsalita ang piloto. Gusto niyang pumikit dahil napagod siya sa mga tinapos na trabaho but he just can’t. He’s excited to see Dalene’s surprised look on her face. Tila hindi rin mapakali ang sistema niya dahil parang nangangati ang mga kamay niya na sakalin ang babae. They’ve discussed things regarding their impending marriage at hindi niya lubos akalain na tatakasan siya nito. Ilang buwan nalang ang nalalabi para mag-isip silang dalawa tungkol sa mga detalye ng kasal nila pero dahil nga ayaw siya nitong pakasalan ay tumatakas ito. It would’ve been okay if she was a different woman. Medyo tumatagos na kasi sa puso niya ang mga insulto at masasakit na salita na ibinabato nito sa kanya. Siya pa naman iyong tipo ng lalake na hindi iilag kundi iuumang pa ang sarili sa mga ganoong bagay.
Contrary to what some tabloids are talking about, ilang babae palang ang nakarelasyon ni Derick. He goes out with friends especially with his female friends pero casual dates ang mga iyon at hindi seryoso. He’s been photographed with certain famous personalities pero ang mga magulang niya ang nag-insist na makasama niya ang mga babaeng iyon. He doesn’t own a black book that contains tons of numbers of different women at hindi pa niya nagawang abalahin ang kanyang sekretarya para lang bumili ng mga bulaklak o regalo para sa isang babae. He wasn’t dating anyone since he signed the contract two years ago.
Kalahating oras lang at narating na nga ni Derick ang resort kung nasaan si Dalene. Agad siyang lumapit sa front desk para kuhanin ang susi ng kanyang suite.
“This isn’t so bad,” bulong ni Derick nang mabuksan niya ang pintuan. Maaliwalas ang suite niya at napakaluwag. Masasabing may panlasa at elegante ang nag-decorate ng buong hotel dahil Pilipinong pilipino ang dating pero may halong pagka-makaluma. Pinuntahan ni Derick ang kwarto niya at nagtanggal ng mga gamit mula sa luggage. Gusto niyang magpahinga muna. Ni hindi pa nga siya kumakain ng tanghalian. Nagpalit na siya ng damit at sandaling naghiga sa chase chair na naroon. Nakaramdam ng antok si Derick kaya tuluyan na nga niyang ipinikit ang mga mata at natulog.
Derick awoke to the sound of his cellphone beeping.