CHAPTER 16
First missionMaaga akong nagising dahil sobrang excited na ako lumaban. We can't deny the fact na meron at meron kaming makakalaban sa mission namin. Kaya we should always be ready.
Hindi na naman bago sakin ang makipaglaban. Our parents died 10 years ago at sa loob ng 10 years na yun ay kami lang dalawa ng kapatid ko ang magkaramay. We fought together and luckily we survived and look at us now.
"Astrid, halika na nasa labas na sila ng Quarters." rinig kong tawag ni Eezeiah
"I'm coming"
Lumabas ako ng kwarto at pagbaba ko nasa labas na nga sila ng Quarters.
Madilim pa sa paligid dahil madaling araw namin napiling umalis. Hindi din naman kasi ako makatulog kagabi dahil sa loob ng tatlong buwan eh ngayon na lang ulit ako makakalabas sa academia. Akalain mo yun, tatlong buwan na pala ang itinagal namin dito ng kapatid ko.
"Ayan lang ang dala mo Astrid?" tanong ni Zyair
Ang tanging dala ko lang kasi ay ang bag ko na maliit na nakasukbit sa balikat ko.
Damit lang ang nakalagay dito dahil paniguradong madudumihan ako sa mission na ito and I don't want that.
"Where's your dagger or any weapons? Wala?" Dewei
"I don't need those. And besides, nandyan naman kayo"
Hello, nakalimutan na yata nila kung anong gift ko. Ang panget mang pakinggan pero they are my weapons.
Ang lalaki din kasi ng mga dala nilang bag, I bet puro pagkain yun.
"How about your food? Pano kung magutom ka? I mean, kanya kanya kasi kaming dala ng pagkain namin but don't worry I don't mind sharing it—"
"Thank you Zyair, but no thank you. Lumaki kami sa kagubatan ng kapatid ko. Alam ko kung saan at pano ako makakakuha ng pagkain."
Tinalikuran ko na sila at nag umpisa maglakad. Gusto ko na simulan tong mission na 'to.
"Just don't be a burden in this mission, Davis."
Ngumisi na lang ako nagtuloy tuloy ang paglalakad. Fuck you.
"Ate, akin na yang dala mo. Alam ko namang damit lang nakalagay dyan eh. Kasya pa yan dito."
Binigay ko naman agad ang bag ko sa kapatid ko. Now, I am free.
Mahigit isang oras na kami naglalakad papunta sa Timog at medyo nangangalay na ako.
Tumigil sila Dashyl na nasa unahan na naglalakad kasama si Regan at humarap samin,
"Magpahinga muna tayo sandali"
Agad silang umupo sa mga kalapit na puno, tss. Palibahasa mga anak mayaman kaya tamad maglakad at mabilis mapagod.
Nagdirediretso ako papasok sa gubat nang may tumawag sakin,
"Where are you going?" Dashyl
"I need to pee, sasama ka?" Ngumisi ako ng umiwas sya ng tingin
Tinalikuran ko na sila at naglalakad papasok ng gubat, nang makakita ako ng mga damo ay dali dali akong nagkubli dun at umihi, wala naman akong nase-sense na may gift maliban sa mga kasama ko na hindi naman kalayuan sakin.
Pagkatapos ko ay bumalik na agad ako sa kung nasaan sila pero ang nakakapagtaka, bakit parang ang layo na ng nilalakad ko? Kanina pa ako naglalakad at parang wala akong nakikita ni isa sa mga kasama ko?
Anong nangyayari? —fuck, ba't hindi ko yun napansin
I'm under an Illusion.
Fuck. How to get out of here—
*Azzyl's POV
Nakailang sulyap na ako sa daan na tinungo ni ate kanina, bakit napaka tagal nya yata? Nag aalala na ako.
"Ang tagal naman yata ni Astrid?" Morgayne
"Oo nga no? Kanina pa yun. Dashyl, hanapin na natin sya. Delikado. Maraming witch ang nagkalat ngayon dahil pasibol na ang araw." Dewei
Tinuturing ng mga witch na isang malakas na enerhiya ang pagsibol ng araw kaya't kanya kanya silang sinasalubong ang araw.
"Hindi maliligaw si ate nang ganun ganun na lang. She knows very well the forest" Sabi ko.
Nasan ka ate? Please, wag ka magpadalo dalos ate.
Magiging simula ng gulo pag nalagay ka sa panganib.
"I already use my gift, pero wala akong naririnig mula sa hangin" Zyair
"Fuck I kne—"
"Saan ba kayo galing? Kanina ko pa kayo hinahanap"
Naputol ang sinasabi ni Dashyl ng may magsalita sa likod namin.
"There you are Astrid! Nako! Akala ko sa first mission natin na magkakasama ay may malalagay agad sa peligro eh, buti naman at wala. Let's go guys" Eezeiah
"Magsimula na tayo ulit maglakad, nasasayang ang oras."
Tumalikod agad si ate at naglakad, sumunod naman sila at naiwan kami nila Dashyl at Regan
Nagkatinginan kami, at alam ko ang nasa isip nilang dalawa.
—may mali
-----
Winonaneninonuxx 💜