Kabanata 7

670 54 14
                                    

Polite

"You're out early, akala ko'y tulog ka pa…" Isak speak up after seconds of silence. Nadinig ko ang paninimbang sa mga binitawan niyang mga salita.

Pinagmasdan ko ang dalawang beses niyang pagpasada ng kanyang kamay sa kanyang buhok na punong-puno ng pawis. Ang kanyang kulay gray na T-shirt ay basang-basa rin.

Ilang milya ba ang tinakbo niya at ganito na lang ang pawis niya? Mukhang di pa maampat at tumutulo talaga. Pinagpapawisan ba? O baka may ibang kasamang nagpapawis kanina?

Mas umusbong ang aking irita sa aking mga naiisip, lalo pa't naririnig ko pa rin sa likod ng aking utak ang tunog mabining halakhak ng Adviser ni Freah. Nilingon ko ang banda ng gate at nakita kong wala na iyon doon.

Tapos na pala iyong pag-uusap nila ha? Kung pag-uusap nga ang tawag sa tunog malandi niyang mga pasaring kay Isak.

Pilit kong pinaalala sa aking sarili na kontrolado ko lang dapat ang aking mga emosyon. Na huwag magtanong at mag-usisa dahil wala naman akong karapatan para doon. It's frustrating me!

Sa likod niya ay ang pasikat na araw sa Silangan, kay ganda niya sanang pagmasdan kung hindi lang ako parang nauupos na kandila dahil sa aking nararamdaman ngayon.

"K-Kanina ka pa gising?" He tried to ask again. Ngayon ay may kung ano akong naririnig na pangamba sa kanyang boses.

Wala akong planong sagutin ang tanong niya. Kapag may sinagot ako, baka mas isuplong ko lamang ang sarili ko sa kanya.

Nanatili lang akong nakatingin, walang kalakip na emosyon ang aking mukha.

"Bilisan mo na diyan, Isak. Magpunas ka ng maayos ng pawis mo bago pumasok. Ayaw kong pawisan ang magluluto sa kusina ko," I coldly said.

Isang malamig na tingin mula sa akin bago ko siya tuluyang tinalikuran doon. Nandidilim ang aking paningin dahil sa aking tinatagong iritasyon.

Narinig ko ang muli niyang pagtawag sa aking pangalan, ngunit hindi ko na siya muling liningon.

Dumaan muna ako sa kusina at uminom ng tubig. Pinangalahatian ko agad ang isang baso. Para na rin akong nagjogging sa tindi ng aking pagkahingal dahil sa mga emosyong pilit kong pinipigilan.

Paanong nangyaring parang hindi lang ang mga plano ko sa araw na ito ang nagulo? Narealize kong sa nararamdaman kong ito, tuluyan na palang nagulo ang aking buong mundo.

"Sonja…"

I froze when I heard his faint voice calling my name. Talagang sinundan pa ako!

Now, I found out the fault I did on striding towards this kitchen. Ito na nga at kailangan ko pa ulit siyang harapin kahit na hindi pa nga ako nakakalma.

"Magluto ka na ng agahan dito, Isak. Aalis ako maya-maya. Ikaw na muna ang bahala sa mga bata," inunahan ko na siya sa pagsasalita.

Nanginginig kong inilapag ang aking baso para siya ay muling maiwasan.

"May gusto ka bang sabihin sa akin, Sonja?"

Just when I'm about to leave him in the kitchen, he blocked my way using his huge frame.

"May nakita ka bang ayaw mo kanina? May nadinig ka? May gusto ka bang marinig na eksplenasyon mula sa akin?" sunod-sunod ang buhos ng kanyang mga tanong sa akin.

Somehow, it triggered some of my thoughts. I want them to be revealed in a way I'm not going to be ashamed in the end.

"Kung may nakita at nadinig nga ako, ano ngayon? May dapat ka bang iexplain mula doon, Isak?"

Ghost of You (Short Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon