"Naninibago talaga ako sa buhok mo" ani ni Arcy habang nag d drive ito papunta sa bahay niya. Nanduon din ang lahat ng pinamili naming kakailanganin ko para sa transformation ko kaya kailangang doon kami dumiretso .
"Tsk.." sambit ko rito.
"Siguro kung naging lalaki ka, baka playboy ka" aniya habang nakatingin pa rin ito sa kalsada.
"Ang bad mo" ani ko rito sabay pout.
"Try mo kayang mag boses lalaki para medyo masanay ka" aniya at napasimangot na lamang ako. This was the last time na magiging babae ako, dahil pagka dating ko sa seoul ay kailangan mukha na akong lalaki.
"Eh kapag nasa seoul nalang ako, atsaka duh kita mong ganito yung suot ko tapos pag sasalitain mo ako nang panlalaki" usal ko rito at nakita ko ang pag irap nito sa kawalan.
"Are you really - really sure about this.. Irene?, I mean may time ka pa para mag back out" aniya.
No I can't quit and just back out. Yeah this is my dream pero para rin ito kay Lola Jeila.
"You know that I can't...Arcy" ani ko at napabuntong hininga na lamang ito.
Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa bahay niya. Ewan ko ba kung anong trip nito at hiniling niya sa magulang niya ang ganito, siguro kapag gusto niya talagang mapag isa.
Pinindot niya ang isang remote control at saka bumukas yung garahe niya.
Agad kaming bumaba at pumunta doon sa tapat ng pintuan ng bahay niya. Wala akong masabi sa itsura nito nang tuluyan itong mabuksan. Para itong bahay sa states.. it is simple and yet very classy.
Pareho kaming umupo sa sofa.
"Alam mo Irene... kinakabahan pa rin talaga ako sa binabalak mo e" aniya habang nakatingin ito sa akin.
"Wala kang dapat ikabahala Arcy, atsaka mag iingat naman ako, I won't let them caught me" sambit ko rito.
"Naku siguraduhin mo lang talaga, Irene" aniya.
Hindi nagtagal ay napag desisyunan ko nang mag ready kaya agad na kaming umakyat sa kwarto niya.
Nandito sa kwarto niya yung maleta na naglalaman ng mga panlalaking damit na binili namin kagabi.
Isinuot ko na lamang ang isang black ripped jeans at plain white t shirt, at nag snickers na lamang ako.
"Hindi ka ba mag co coat" aniya sabay bigay sa akin nung gray na coat. Kinuwa ko na lamang ito isinuot.
"Ang gwapo mo Irene" aniya habang pinagmamasdan ako. Kahit nga ako ay naga gwapuhan sa sarili ko.
At nagsimula na nitong ayusin yung buhok ko. Tuluyan na akong nag pagupit kagabi dahil mahirap kung mag wi wig pa rin ako.
Nang matapos ito sa pag aayos sa buhok ko ay napa nganga na lamang siya sa akin.
"Pwede mo naman akong maging girlfriend, Irene if you want" aniya habang nakangisi kaya agad akong napangiwi at binato ko siya nang unan.
"Kadiri ka, hindi tayo talo" usal ko rito at tinawanan niya lamang ako.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Halos nag iba ang itsura ko, medyo nilagyan ni Arcy nang kaunting lip tint ang labi ko at yung buhok ko naman ay messy ang pagkakaayos, naku baka pakasalan ko nalang yung sarili ko nito...
Napa tingin ako sa wall clock at alas otso na.
"Tara na?.." tanong ni Arcy at tumango na lamang ako sa kaniya at hinila ko na yung maleta ko na pagkabigat bigat, sa sobrang daming damit ba naman ang pinamili ni Arcy hindi ba?...
Inilagay ko sa likuran nang sasakyan yung maleta ko, at pumasok na ako sa loob ng sasakyan at sumakay doon sa front seat.
"Are you ready?" tanong niya at tumango na lamang ako at tuluyan na niyang pinaandar yung sasakyan niya.
This is it, Irene. Goodbye Yna Irene Capistrano and hello Ivan Capistrano.
A/N: So hi!! ito yung I'm His Fangirl story and I've decided na baguhin siya so I hope suportahan niyo pa rin po huhu. Maraming salamat sa mga nagbasa.
BINABASA MO ANG
I'm His Fangirl (Bts Fanfiction)
FanfictionYna Irene Capistrano is one of the fangirl of the famous kpop boy group in the world. But then she had no chance to go to their concert nor a chance to see them personally because she doesn't have a enough money. Pero mukhang natupad lahat ng dasal...