Cassandra's POV
"Nababaliw na ba s'ya? tsaka diba galit s'ya sa'kin? kaya bakit s'ya nandito??" parang baliw na sabi ko dahil kinakausap ko yung sarili ko.
Lalabasin ko ba s'ya o hindi?
Ewan ko bakit bigla akong napatingin sa sarili ko, nakapambahay lang kasi ako. Lalabasin ko s'ya ng hindi ako nakaayos?
Tinignan ko yung sarili ko sa salamin, okay naman itsura ko pero parang nahihiya ako bigla.
Ano ba 'yang pinagiisip mo Cassandra? ano nagpapaganda ka pa para sa kan'ya?
"Hindi no!" napabuntong hininga pa ako
Nagpunas nalang ako ng pawis at inayos yung buhok ko, ayan okay na siguro 'yan. Nakita naman n'ya na akong nakasando at short eh.
Kaya mo yan Cassandra!
Kapag may ginawa s'yang hindi maganda sa'yo, bugbugin mo na oki?
Tumango lang ako at nagtungo sa labas. Dito palang sa pinto natatanaw ko na s'yang nakatingin sa'kin.
At nang tuluyan akong makalabas..
"Bakit ka nandito?" pagtatanong ko sa kan'ya ngunit hindi n'ya ako sinagot.
Abnormal ata 'to eh.
"Hoy! tinatanong kita! anong ginagawa mo kako dito?" pero sa pangalawang pagkakataon hindi n'ya pa din ako sinasagot.
Lakas ng tama neto, nakakapikon sa totoo lang.
"Bahala ka! kung ayaw mong magsalita papasok na ako sa loob! lakas ng tama mo---" hindi na natuloy yung sasabihin ko nang hilahin n'ya ako papalapit sa kan'ya at nilapat ang kan'yang labi sa labi ko.
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa n'ya, hindi pa ako nagrereact kaya patuloy n'ya lang akong hinahalikan.
HUH?
TEKA! GAGO!!
GAGO CASSANDRA HINAHALIKAN KANA WALA KA PANG GINAGAWA.
Tinutulak ko s'ya pero hindi s'ya umaalis hinawakan n'ya yung magkabilang kamay ko dahil nagpupumiglas ako sa kan'ya.
Masyado s'yang malakas para sa'kin o sadyang nanghihina lang talaga ako dahil sa ginagawa n'ya?
Inapakan ko yung paa n'ya at tama nga ako nabitawan n'ya ako, tinulak ko s'ya sa dibdib at sinabing..
"Nababaliw kana ba?! bakit mo ako hinalikan?!" pasigaw na sabi ko sa kan'ya dahil galit ako
Oo galit ako.
Putangina first kiss ko 'yon!!
"Ano ba Kyle Santiago?! nasisiraan ka na ba ng ulo?!" dagdag ko pa
Pero tanging tingin lang ang ginagawa n'ya sa'kin, magwawalk out na sana ako kaso bigla n'ya ulit akong hinila at niyakap at sabay sabing..
"Imissyou." sabi neto at nilagay yung baba n'ya sa balikat ko habang inaamoy at sumisiksik sa leeg ko.
Ako na ata yung nababaliw ngayon, bakit ko s'ya hinahayaan? at tsaka bakit hindi na ako makapalag sa kan'ya? bakit hinahayaan ko s'yang yakapin ako ngayon..
Hindi kaya..
Third Person's POV
"Hindi na, kaya ko na mag-isa ang kulit mo." sabi ni Andrea kay Andrew dahil nagpupumilit pa itong ihatid s'ya sa bahay nila
"Sigurado kaba?" tanong sa kan'ya ni Andrew
"Oo nga." sagot sa kan'ya nito
"Iilang lakad nalang, bahay na namin. Hindi naman napakalayo eh parang isang kanto nga lang agwat." dagdag pa nito
BINABASA MO ANG
When We Meet The Badboys (BOOK1-COMPLETED)
Teen FictionWhat if one day yung taong hindi mo inaasahan ay s'ya pa yung mamahalin mo nang tuluyan. Yung isa takot na masaktan at yung isa naman hindi sinasadyang makasakit. The other one maganda ang pananaw sa buhay at yung isa naman hindi makalimot sa nakara...