***BETINA***Madaling araw na pero gising na gising pa rin ako, hindi ako dalawin ng antok at narito ako sa aming silid, napatingin ako sa mga kapatid ko na tulog na tulog. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na ginawa sa akin nina Timothy at ni ate Jane.
Paano nila iyon nagawa sa akin, boyfriend ko si Timothy at si ate Jane ay pinsan ko. Matanda ng anim na taon si Timothy sa akin mula din siya sa mayamang pamilya dito sa probinsya namen, bukod sa isang civil engineer ay may sarili din itong business.
Hindi ko mapigilan na muling mapahula ng manariwa sa akin bakit nila na nagawang saktan ako at pinagmukhang tanga. Mamayang alas onse ng umaga ay nakatakda ang kasal nila.
Na naging laman ng usapan dito sa aming lugar, buo na ang aking pasya luluwas ako papunta maynila doon makipagsapalaran. Tatanggapin ko ang alok ni Ate Alice bilang isang Waitress sa bubuksan na coffee shop.
Mabuti na lang ay pumayag ang mga kapatid ko na pansamantala ay iiwan ko sila kay Tita Glenda, ang nag-iisang kapatid ni Itay.
Alas otso ng umaga ay nakahanda na akong umalis dala ang isang bag, sumakay ako ng tricycle at tanaw ang simbahan hindi ko maiwasan na mapangiti ng mapait.
***FLASHBACK***
Nagtatrabaho ako bilang kahera sa isang grocery store dahil hindi nakapasok ang kasamahan ko at kulang sa tao ay wala akong magawa kundi ang mag-overtime.
Breaktime ay nagmadali akong pumunta sa locker room para tingnan ang akin cellphone. Luma na ito pero magagamit ko naman, nalungkot ako na wala man lang ni isang mensahe mula kay Timothy. Lahat ng mga mensahe ko sa kaniya ay wala man lang reply.
Pansin ko na madalang na itong magtext sa akin simula ng magbukas ang kaniyang ng sariling engineering firm, si Timothy ay nakilala ko ng magtrabaho ako bilang isang service crew sa isang fastfood, maaga akong nagtrabaho dahil naulila na kami at hindi maasahan ang mga kapatid ng mga magulang ko, Bukod sa may kani-kanilang pamilya. Talagang kailangan ko magtrabaho para may makain kami. Kahit hirap ay pinagsasabay ko ang pag-aaral at trabaho.
Pansin ko na laging nasa fastfood si Timothy hanggang sa isang araw ay nagpakilala ito sa akin, mula noon ay gumawa ito ng paraan para maligawan ako. Mahigit apat na buwan din itong nanligaw sa akin bago ko siya sinagot.
Isang taon na rin kami mahigit na magnobyo at naging maayos naman kami. Ngunit ni minsan ay hindi ko naranasan na magdate kami sa harap ng maraming tao. Nagiging dahilan minsan ng away namen ang tungkol sa sex. Dahil sa hindi ako pumapayag sa gusto niya.
Minsan ay pinilit ko si Timothy na pumunta sa bahay at doon ay nakilala ni Ate Jane, si Timothy pala ay dating schoolmate ni ate Jane noong high school.
Dahil naghahanap ng secretary si Timothy ay tinanggap na niya si Ate Jane, noong una ay nais ni Timothy na ako pero tinanggihan ko dahil iniiwasan ko ang Mama ni Timothy na napakamatapobre at halatang hindi niya ako gusto.
****
Simula noon ay napansin ko ang pagbabago nito, kaya iniisip ko lang na dahil sa trabaho. Dahil sa hindi inaasahan ay pagdagsa ng tao ay ginabi na ako ng uwi.Habang sakay ng jeep ay napadaan ito sa isang motel, nakita ko ang isang pamilyar na sasakyan na nakapark. Medyo kinabahan na ako pero agad din nasagot ang katanungan sa aking isipan, nakita ko si Timothy at Ate Jane na magka-akbay ay masaya habang naglalakad paputungo sa sasakyan. Nakita ko kung paano sila naghalikan kaya agad akong napababa sa Jeep para kausapin sila. Hindi nila napansin na nasa harapan na nila ako.
"Timothy"
Napatingin sila sa akin bakas ang gulat sa mukha ni Timothy pero kabaligtaran ni Ate Jane matapang itong humarap sa akin.
"Timothy bakit?"
"Tina sorry pero may pangangailan din ako bilang lalaki at hindi mo kayang gawin, lagi kang tumatanggi tapos ipipilit mo ang kasal sa akin at ilang beses ko ng sinabi sayo na magdiet pero hindi mo rin pinapansin, wala man lang akong nakikitang improvement sa sayo."
Napaiyak ako dahil hindi alam ni Timothy na hirap na hirap na ako sa
pagbabawas ng pagkain pero hindi pa rin ako pumapayat. Akala ko ay tanggap niya na ganito ang pangangatawan ko. At nakakasama ng loob na dahil sa sex ay masisira anf aming relasyon."Bakit mo ginagawa ito sa akin, bakit kay ate Jane pa?"
"Ako na ang magsasabi sa kanya babe, alam mo Betina hindi kayo bagay ni Timothy" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at muli ay nagsalita.
"bata ka pa naman makakahanap ka ng lalaking para sayo yung ka level mo, nakita mo naman na kagagaling lang namen sa loob ng motel. Ilang beses kaming nagtalik ni Timothy at ni minsan ay hindi ka sumagi sa isipan niya. At hindi din masisiyahan si Timothy na nakipagtalik sa isang mataba, Ngayon pwede ba tigilan na naten to, mas mabuti na rin at nangyari ito para matapos na kung anoman ang sa inyo. Lets go babe"
Hinila na ni Ate Jane si Timothy at iniwanan akong nag-iisa.
***
Kinabuksan kahit walang tulog at namamaga ang aking mga mata ay pumasok ako, pero nakita ko si Timothy sa labas ng grocery store kung saan ako nagtatrabaho. Umaayos ito ng tayo ng makita ako.
"Betina mag-usap tayo"
"Ano yun Timothy? Dito na lang at pakibilisan ng sasabihin mo kasi may trabaho pa ako"
"okay ganito Betina kung gusto mo pang maging maayos ang relasyon naten, papayag ka na sa gusto ko, ang makipagtalik sa akin mamaya hihintayin kita"
"Ano!?"
"Makikipagbalikan ako sayo, walang ka ng makikitang kagaya ko Betina at walang lalake ang tatagal sayo kung mag-iinarte ka pa"
"Alam mo Timothy nagsisisi ako na mahalin ang kagaya mo, kahit masakit mas pipiliin ko na mahalin ang sarili ko"
"Wow ha, akala mo kung sinong maganda, hoy nakikita mo ba ang sarili mo sa salamin? ang taba mo kaya walang magkakagusto ng higit pa akin, alam mo kung bakit kita niligawan ay dahil na challenge lang ako, hindi ka kawalan sa akin"
"Alam ko Timothy, kasi pinaramdam mo sa akin"
Hindi ko na hinintay magsalita si Timothy tinalikuran ko na siya para pumasok sa trabaho. Muli ay tumulo ang luha sa aking mga mata.
*****
Kinahapunan ay talagang sinasadya nilang asarin ako. Kahit sa daming bakanteng kareha ay sa akin sila pumila.
Nangingiti pa silang dalawa habang binabayaran ang ilang box ng condom.At ang mga sumunod na araw ay pasakit sa akin dahil bigla na lang akong pinatawag sa admin office para sabihan na hindi na nila kailangan ang serbisyo ko.
***END OF FLASHBACK***
Sakay ng bus ay tahimik lang ako sa byahe. May ilang mga billboards akong nakikita sa bawat nadaraanan pero agaw pansin sa akin ang isang family picture na nasa billboard. Mababasa ang Dela Torre Empire na talagang hindi papatalo sa kanilang kagandahan at kagwapuhan bukod sa maganda hubog ng kanilang katawan.
YOU ARE READING
The Mafia Lord and The Waitress (On-Going )
Random"Sir here is your order Cafe Au Lait po" "Thanks but I changed my mind" "Po sir, anong na lang order ninyo" "You"