4

19 6 0
                                    

Pagka-gising ko kinabukasan ay naligo ako at nagluto ng agahan.

Tulog pa ang mga kasama ko sa bahay dahil alas-6 palang. Ang totoo ay mamaya pang alas-9 ang pasok ko ngayong araw pero kailangan kong gumising ng maaga para maipagluto ang mga kapatid ko at mga kasama ko sa bahay.

Ang totoo ay hindi ko na halos naaabutan ang mga kasama ko sa bahay kasi late na sila kung gumising dahil late narin naman sila kung umuwi at matulog dahil sa kakapamasyal nila.

Dalawa ang kasama namin sa bahay, si tita Mariette at ang anak niyang si Karina.

Pagkatapos magluto ay ginising ko na ang mga kapatid ko para mag-agahan dahil maaga ang kanilang pasok kumpara sakin.

Madali ko lang nagising si Kiki pero etong si Soso, jusko! Niyugyog-yugyog ko na siya at tinayo pero wala parin! Ang ginawa ko ay binuhat ko nalang siya papunta sa kusina, inupo sa upan at winisikan ng kaunting tubig para magising ang diwa.

"Ate naman." Nakabusangot na sabi niya.

"Gising uy. Hindi pwede ang pa-late-late sa high school oy. Di ka na elementary." Sinimangutan niya lang ako bilang sagot.

Nagdasal muna kami bago kumain.

Sinamahan ko sila papasok ng school nila. Hinatid muna namin ang tulog paring si Sasa kay kuya Marlon bago namin pinaderetso sa school ng dalawang to ang tricycle na sinasakyan namin.

Si kuya Marlon e kaibigang bading namin nila mama. Sobrang bait niyan. Sakanya namin pinapabantayan muna si Sasa kapag umaalis si papa.

"Pasensiya uli sa abala kuya Marlon pero may susunod pa."

"Nako wala yun. Ayos lang ding nandito si Sasa sa bahay para hindi boring. Kumain na ba ito?" Sabi niya habang inaalos ang tulog paring bata. Parang kuya Soso niya, antukin.

"Hindi pa po. Eto po yung pagkain niya tsaka gatas tsaka damit." Ibinigay ko sa kaniya yung bag na ni-ready ko kanina.

"Osige na. Magsipasok na kayo't baka kayo ma-malate."

"Sige po. Salamat." Sagot ko dahil ako lang naman ang nasa harapan niya kasi di ko na pinababa yung dalawa.

Sumakay nako sa tric saka nagpahatid sa school ng dalawa.

"Ayusin ang pag-aaral ha. Lorenzo wag masyadong makulit ha. Makinig sa guro. Zacharias makipag kaibigan ka naman jusko."

"Opo." Sagot ni Soso

"I have a Kris ate."

"Osiya! Eto baon niyo. Sige na't magsipasok na kayo. Baka ma-late din ako." Inabot ko kay Kiki ang lunch bag na may lamang lunch box na ni-prepare ko rin kanina. Nandon na ang pagkain nilang dalawa.

Ng nasigurado kong naka-pasok na sila ay sumakay uli ako ng tric para magpahatid sa sakayan ng jeep.

"Thank you kuya Ilong."

"Wala yun. Sige na baka ma-late kapa."

"Sige po."

Si kuya Ilong ay service talaga namin. Binabayaran siya ni papa every month.

8:42 na ng maka-rating ako sa school kaya nagmadali akong pumunta sa classroom ko.

Hingal na hingal akong nakarating sa room.

"D-dito." Bahagya pang itinaas ni Noah ang kamay niya para kunin ang atensiyon ko kaya napangiti ako.

Lumapit ako saka umupo sa upuang naka-reserve para sakin.

"Salamat." Ngumiti lang siya bilang sagot.

Kinuha ko ang pouch ko at kumuha ng pabango. Kinuha ni Noah ang pabango ko para tignan.

"Calvin Klein Obsession for men. Bakit panlalaki?"

"Ha? A kapag kasi bumili si papa e pare-pareho kaming magkakapatid. Dalawang lalaki kasi ang kapatid ko dati, I mean may kapatid nakong babae ngayon pero nasanay na si papa sa ganon kaya hanggang ngayon e ganon parin." Ngumiti ako bago kumuha ng suklay. Jusko! Bakit kasi natural na kulot ako. Ang hirap suklayan!

Namana ko kay mama ang kulot kong buhok. Mula anit ay wavy ang buhok. Yung dalawang lalaki ng buhay ko ay napaka-bagsak ng buhok samantalang ako itong babae parang pugad ng ibon ang buhok kapag di nasuklay.

Pagkatapos kong magsuklay ay humarap ako kay Noah saka ngumiti. "Maayos naba akong tignan?" Tumango siya "Maganda ka." Bigla siyang namula sa sinabi niya kaya natawa ako ng malakas. "Alam ko. Wag mo ng sabihin." Nakangiting sabi ko.

Umayos ako ng upo ng may dumating na prof. Linshak! Kinakabahan ako!

"Hi class. I will be your Chemistry teacher for this semester. I am Geronima Cruz." Mukha siyang mabait kasi panay ang ngiti niya. S tantiya ko'y mga nasa early 30 palang siya.

"Ka-ano-ano mo si Miss?" Pasimpleng tanong ko kay Noah kasi baka makita ni miss at ako ang maging sentro ng buhay niya buong sem.

Nagkibit balikat si Noah. "Ka-apelido?"

Tinignan ko lang siya with wadapak face. Ngumuso lang siya ng onti.

"There's no need introducing yourselves. There are plenty of ways for me to know and remember you. Let's start." I dont want to be remembered jusko.

"Ay before that pala, may gagawin kayong research, well hindi naman siya ganon kahirap, you just need to make a research and a report about different pollutions. You can choose one pollution. You'll be working in pair." Napatingin ako agad kay Noah na nakatingin din sakin.

"Pair tayo." Nakangiting sabi ko. Tumango lang siya bilang sagot.

"So pano ang pairing. Count nalang? One two? Since yun naman ang uso sa high school."

Nagtaas ako ng kamay.

"Yes miss?" Tumayo ako.

"How about choosing your pairmate, well is that a word, nalang po? Since it'll be easier for us to work with someone we're comfortable with? Suggestion lang po." Ngumiti sakin ang prof kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

Sinenyasan nya kong umupo kaya umupo ako.

"Sige. You can choose your partners on you own." Yes!

Humarap ako kay Noah saka tinaas-taas ang kilay ko. Bahagya siyang natawa kaya bahagya rin akong nagulat. Kita ko kasi yung ngipin niya. Shookt ako.

"Ang gwapo mo kapag tumatawa ka." Namula ang pisngi niya saka medyo napayuko kaya natawa ako.

"Salamat ang kasunod non." Nakaharap nako sa guro kaya siniko ko lang siya.

"S-salamat." Natawa ako ng bahagya.

"So about the reporting, it'll be next meeting. So that's next week. You need to interview and kailangan may documentation. Kailangan ay may hard and soft copy ng report niyo plus the powerpoint. Is that fine with you?" May choice ba kami prof??

"Yes!" Pero mabait ka so g na.

"Good. Let's start the discussion."

Nag-start na siyang mag-discuss kaya nakinig nako't nag jot down ng importanteng impormasyon. Nagbasa nako kagabi bago matulog kaya basic nalang sakin to.

sssnbtnWhere stories live. Discover now