Lunes na naman at papasok na naman ako. Aalis na naman ako sa bahay. Maaga akong umalis. Para ihatid ang mga gamit na dinala ko sa bahay. Actually, mga damit iyon na pinalabhan ko.
Nang makarating ako sa dorm ay tahimik. Baka nasa labas at nag-e-exercise si Gelo. Routine niya.
Nagpahinga ako saglit bago naligo. Nang lumabas ako mula sa banyo ay nakasalubong ko si Adam. Saglit kaming nagkatitigan bago siya nagpatuloy sa pagpasok sa banyo. Maliligo siya.
At that moment, bigla kong naalala ang chinat sa'kin ni Gelo.
Gelo Angeles:
Dude, nakita ko si Adam kanina na kinain ang niluto mong nilaga. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang kumain dito.I don't know why but I smiled. Hindi ko nga nakikitang kumakain ang taong iyon.
Nagpatuloy ako sa pagpasok sa kwarto ko.Nang lumabas ako ay naabutan ko si Gelo na nakaupo sa sofa.
"Dude! You're here na pala!" Excited na sabi niya.
Tumango ako."Wait for me. Maliligo na rin ako. Sabay na tayo pumasok. I missed you."
Natawa na lamang ako. Habang hinihintay ko siya ay inaliw ko ang sarili ko sa pag-scroll sa Instagram.
Hindi pa ako natatagalan nang mapansin kong lumabas si Adam.I hate this setup. Parang wala lang ako sa kaniya. I mean, parang hindi niya ako kasama dito sa dorm. Samantalang sila ni Gelo ay nag-uusap naman. Namimili ba siya ng kausap?
I need to do something.
-
Tapos na ang klase.Half-day lang ngayon ang klase namin. Iyon ang schedule ngayong Monday. Imbes na umuwi sa dorm ay naisipan kong magpunta sa Library.
Mahilig ako magbasa. Lalo na ng mga Greek Mythology.Si Gelo naman ay nauna na.
Halos dalawang oras din ako sa Library. Nang matapos ay naglakad na ako papunta sa dorm.
On my way, napansin kong tahimik ang paligid. Maaga pa naman ah. May ilan pa ring nagkaklase.
Ganunpaman, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa narating ko ang dorm.Nagulat ako ng bahagya nang sa pagbukas ko ng pinto ng dorm ay palabas naman si Adam. Nakasuot siya ng gray na hoodie nakabukas ang zipper noon kaya kita ko rin ang kulay black na t-shirt sa loob.
Wala kaming imikan.Dumiretso ako sa kwarto at agad na nagbihis. Pagkatapos ay nag-open ng Facebook. Agad na may lumitaw na chat head. Binuksan ko iyon at binasa. Kay Gelo pala galing. Nakalagay doon na baka late siya umuwi. Nireplyan ko iyon ng 'sige'.
Nang mainip sa ginagawa ay napagdesisyunan kong manood na lang ng k-drama. Kahapon kasi ay pinasahan ako ng kapatid kong babae.
'Hi bye, Mama' ang title niyon. Maganda ang palabas na iyon. Tungkol sa pamilya. Nasimulan ko na iyon kagabi.
Tumagal din ang panonood ko at nakadalawang episode din ako. Huminto lang ako sa panonood nang makaramdam ng gutom. Hindi na ako nakapagluto dahil tinamad ako at nawili na sa panonood. Siguro naman ay kumakain na si Gelo sa labas. Tumayo ako at lumabas ng dorm. Kakain ako sa labas.
Nasa labas na ako na school. Habang naglalakad ay nakikinig ako ng music. Malayo na rin ang nalakad ko nang may mapansin ako sa 'di kalayuan. Isang lalaki ang nakaupo sa gilid ng daan. Nakatapat ang lalaki sa poste ng ilaw. Nakayuko siya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Lumingon pa ako sa likod ko. Ewan ko pero parang may kakaiba sa paligid ko.Malapit na ako sa pwesto ng lalaki. At habang papalapit ay nakikita ko na ang mukha niya. Pamilyar ang lalaki. Base sa paningin ko, hindi nalalayo ang edad niya sa'kin. Nakasuot ang lalaki ng...hoodie.
Nanlaki ang mata ko. Si...
Mas binilisan ko ang paglakad.
Huminto ako nang makalapit ako. At tama ako ng hinala."Adam!" Aniko.
Hindi sumagot o nag-angat ng ulo ang lalaki. Pero sigurado akong siya iyon. Nanatili siyang nakayuko.
Lumapit pa ako at hinawakan siya.
"Adam!" Tawag ko sa pangalan niya. Hindi siya sumasagot. Iniangat ko ang mukha niya at nagulat nang makitang namumula ang mukha niya at may sugat sa gilid ng labi at ilong.
"Adam! A-ano'ng nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko."Tss. Why do care? Leave me alone. Iwan mo ako," sa wakas ay nasabi niya.
"Hoy! Ikaw na nga itong tinutulungan. Halika na. Umuwi na tayo." At tinulungan ko siyang tumayo. Nahirapan ako dahil masyado siyang mabigat.
Nang makaayos na ay itinulak niya ako.
"Pabayaan mo na ako. Sanay na ako ng ganito," aniya.Napailing ako. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari pero gusto ko siyang tulungan. I just can't leave him like this. Ako ang nakakita sa kaniya kaya konsensya ko kung may mangyari sa kaniya. Kahit na alam kong ayaw niyang tulungan ko siya.
Sinubukan ko uling tulungan siyang tumayo. At mabuti naman na hindi na siya tumutol o umangal.Hindi ko na inintindi ang gutom ko at dinala ko pabalik sa dorm si Adam. Gusto ko mang tanungin siya kung ano ang nangyari ay mas pinili ko ang 'wag na munang alamin. Siguro ay bukas na lang.
Nang marating namin ang dorm ay inihiga ko siya sa sofa. Bahagya pa akong nadala ng pwersa niya kaya napalapit ang mukha ko sa mukha niya. Nahinto pa ako sa nangyaring iyon. Pero agad na binawi ang sarili. Naamoy ko ang hininga niyang amoy alak. Halos masuka ako sa amoy. Buti na lang at nakapikit siya.Haist.
Tumayo ako at nag-inat. Tinitigan ko si Adam.
Ano ba'ng problema nitong lalaking ito? Masyado siyang misteryoso. Ayaw naman niyang makipagkaibigan.
Nanatili akong nakatitig sa kaniya nang bumukas ang pinto at pumasok si Gelo.
"Dude, nand--" nahinto siya sa sinasabi niya nang mapansin kung saan ako nakatingin. "Nandito na pala siya. Buti naman. Lagi na lang siyang ganyan. Laging nakikipag-away."
"Nakikipag-away?" Baling ko kay Gelo.
"Oo. May nagtext sa'kin. Nakita daw nilang nakikipag-away na naman yang si Adam. Tss," sagot niya.
"Bakit naman siya nakikipag-away?"
"Hindi ko alam," nagkibit-balikat si Gelo. "O ito yelo, ilagay mo sa mga namamagang parte niya."
Nakalagay ang yelo sa plastik nang iabot sa'kin. Alam na niya siguro ang nangyari kaya bumili na siya ng yelo.
Tinungo ko ang kusina at inilagay sa planggana ang yelo. Kumuha din ako ng towel.Naiwan akong kasama si Adam. Si Gelo ay nasa kwarto na. Napagod daw siya kaya matutulog na.
Idinampi ko sa noo ni Adam ang towel na may yelo sa loob. May bukol doon. Sunod ay sa labi at ilong. Napangiwi pa si Adam. Siguro ay nararamdaman niya ang sakit.
Hinawakan niya ang kamay ko na ikinagulat ko. Akala ko ay magsasalita siya pero agad siyang bumitaw.
Napabuntong-hininga ako."Leave me," he said after a while still eyes closed.
"Adam, 'wag ng matigas ang ulo mo. Let me do this," i said.
"Why are you doing this?"
"Kasi...I-"
"Don't say you love me Kaya mo ginagawa 'to..." Putol niya sa sinasabi ko. Napakunot ang noo ko. Ano ba'ng sinasabi nito?
Nananaginip ba siya?Pero ang sumunod na nangyari ang labis na ikinagulat ko.
Nagmulat siya ng mata. At...inilapit ang mukha niya sa mukha ko!
BINABASA MO ANG
Adam And Steve [BL Story]
RomanceSteve is a nice, smart guy. He's active in his school. But due to an unexpected scene, he was transferred to another school. An all-boys school. Different from school he was in before. Different surrounding and atmosphere. It's difficult for him to...