A.N: HELLO GUYS!!! DI KO PO INEXPECT YUNG 6K READERS KO HUHUHU THANK YOUU!!🤩❤️ IM VERY SORRY KUNG LATE NA KO NAGUPDATE. MADAMI REASONS EH PERO KAHIT GANON ATLIS NAGUPDATE PARIN AKO HAHAHAHAHAHA!!
Serenity's POV
"Huh??? Hindii!!! Ikaw talaga yon!! Kamukhang kamukha mo siya!!" sabi ko at naguguluhan na talaga.
"Kapag sinabi kong hindi ako, hindi ako okay?" sabi niya at napakunot yung noo ko.
"Wag mo ng pilitin okay? Hindi nga siya eh. Baka kambal niya, dejoke." sabi ng biglang sumulpot na si Taehyung.
"Huwag mo na akong lapitan. May atraso ka pa samin baka nakakalimutan mo. Tsaka, baka maisip ko pa na.." sabi niya na nakangisi sakin.
"Ano ha?!" sigaw ko at hinampas siya sa braso.
"Baka maisip ko na may gusto ka sakin" sabi niya at iniwan akong tulala."Hinding hindi ako magkakagusto sayo!! Wag ka feeling!!!" sigaw ko sakanya at hinintay na sa waiting shed yung driver ko. Masyado kasing oa si daddy at ayaw na akong pag commute dahil sa nangyari.
***
"Oh Serenity anak, okay na ba pakiramdam mo?" tanong ni Nanay sakin at tumango naman ako."Ano ba kasi nangyari sayo? Simula nung dumating ka dito sa Pilipinas, nagkakaganyan ka na" tanong ni Nanay at ngumiti nalang ako sakanya.
"Hayaan niyo na po. Onting tiis nalang naman siguro, makakabalik na ako ng states" sabi ko at lumungkot ang mukha niya.
"Tara, kain ka na. Tumawag rin pala mga kaibigan mo, pupuntahan ka daw nila dito at aalis raw kayo" sabi niya at sumunod nalang ako sa pagbaba.
***
"Wala kayong sinasabi na aalis tayo ha!"sabi ko sa vid call namin nila Cielle, Selene, at si Andrew."Duh girl!! It's saturday naman eh at wala naman halos pinapagawa saatin." sabi ni Selene na naghahanap ng damit sa closet niya.
"Para na rin sa pagbabalik ni Andrew!! Dahil don, libre niya pagkain naten!! Yess!!" sabi ni Cielle na kumindat.
" Oo ako na bahala sa pagkain. Pero pagkain lang! Wag kayong abuso diyan HAHAHAHA" sabi ni Andrew.
Napabuntong-hininga nalang ako. "Wala na akong magagawa. Kasi naman kayo eh, ang biglaan. Dapat sinabi niyo na last time" sabi ko at naghanap narin ng damit sa closet ko. Kakatapos ko lang rin maligo.
"Gurl!! Ano ka ba!! Ikaw yung tipo ng kaibigan na kapag gala ang usapan, kahit biglaan, go lang ng go" sabi ni Selene at napakunot noo ko. Nakasama niya na pala ako?
"Uhm, so kita kita nalang tayo mamaya sa UP Town Center ha! Bye!!" sabi ni Cielle at nagsibabaan na sila. Naghanap nalang ako ng damit at nagayos na.
***
"Soo!! Saan tayo first?" tanong ni Selene na halatang excited na excited."Ano ba? Cinema ba muna? Laro? Shopping?" tanong ni Cielle.
"Kayo bahala. Susunod nalang ako sainyo" sabi ko at nagsitinginan sila saakin.
"Seriously? Samantalang da-"
"Mag shopping nalang muna siguro kayo noh? Kailangan ko rin mamili ng mga damit eh" putol ni Andrew sa sinabi ni Selene at umalis na kami.
Nag-ikot ikot kami sa H&M, Forever 21, Penshoppe, Capital Store, at iba pa.
"Grabe ha!! Ang dami mong binili Selene!" sabi ko sakanya. 7 paper bags ba naman. Akin nga 4 lang eh.
"Syempre. I love shopping." sabi niya at kumindat sakin.
"So, akin na yang mga pinamili niyo at ilalagay ko na sa sasakyan. Cielle, samahan mo ako, di ko kaya buhatin to lahat" sabi ni Andrew at umalis na sila.
Nagscroll nalang ako sa instagram ko habang hinihintay sila.
"Uhm!! Serenity!! May pupuntahan lang ako ah! May nakalimutan ako bilhin eh. I'll be back" sabi ni Selene at tumango naman ako.
After a few minutes, napagisipan ko na maglakad lakad dito dahil wala rin naman ako magawa.
Habang naglalakad ako, meron akong nakitang isang spot. May bench sa ilalim ng mga puno and hindi siya nasasagi ng araw. Meron ding mga christmas lights pero hindi bukas. Siguro pang gabi lang yon. Parang pang romantic yung bench.Pumunta ako don and umupo. Pumikit ako kasama ang paghampas ng sariwang hangin sa mukha ko....
" Etong spot na ito, I made this for you, for us. Hanggang nandito pa to, hindi mawawala pagmamahal ko sayo. So forever na itong nandito kasi forever kitang mamahalin. Promise.."
Nakaramdam ako ng hilo after that.. Damn, ano yunn?? Urgh.. Pagkadilat ko, naaninag ko ang isang lalaki na nakatayo medyo malayo sakin at nakatulala ang mukha..
"Jungkook?" ..
Cielle's POV
"Uy!! Selene!! Nasaan na si Serenity?" tanong ko sakanya."Di ko alammm!! Kasi I told her na may pupuntahan lang ako, di ko naman alam na aalis siya diyan." sagot niya.
"Tinawagan na namin pero wala parin eh. Nakaoff ata phone" sabi ko at naglalakad lakad parin kami.
"Hoy!! Nandito rin kayo?!?" sigaw ng isang pamilyar na boses. Si Jimin. Kasama si Taehyung at Jin.
"Malamang. Nakita mo kami diba" sabi ni Selene at inirapan sila. Hindi nalang nila yon pinansin.
"Oh ano ginagawa niyo dito?" tanong ko.
"Hinahanap namin si Jungkook, biglang nawala eh. Sabi ko hintayin kami pero nainip siguro" sabi ni Jin at nagkatinginan kami ni Andrew."Eh, hinahanap din namin si Serenity eh. Jusko po!!" sabi ni Andrew at naglakad lakad na ulit kami kasama sila Jimin.
"Oh ayun pala sila oh" turo ni Taehyung sa isang spot. Nakatayo si Serenity at Jungkook.
"Serenity!!!! Omg!! Ano ba, bigla bigla ka nalang nawawala" sabi ni Selene sakanya at sabay akbay pero walang kibo si Serenity.
" Una na kami ha. Bye" sabi ni Andrew at nagmadali kaming umalis.
***
((nasa sasakyan))
"Hayaan niyo na muna siya. Baka sumama lang pakiramdam" sabi ni Andrew at tumango nalang kami."A-ano yun? B-bakit?" sabi ni Serenity na parang gulong gulo parin.
"Matulog ka na nga muna." sabi ni Selene sakanya.
Haysss... Bakit pa kasi...
BINABASA MO ANG
Bangtan Gang and Me ( Tagalog BTS Fanfic )
Teen Fiction"1.2.3 Hello! We are Bangtan Gang. "