BEST BUDS 2

16 1 0
                                    

"Utang nalang muna!"si Michelle na ang sumagot sabay hagalpak ng tawa.Napansin ko ang pagyuko ni Mati. Alam kong nahihiya siya minsan sa pinangggawa ni Michelle idinadaan niya nalang yun sa pagyuko lalo pa't marami ng tao sa  kalsada kapag ganung mga oras.

"Eh malulugi kami sa ginagawa niyo eh..may utang pa kayo nung nakaraan diba?"napapakamot sa batok na paliwanag ng binata sa kanila.Tumawa ng pagak ang magkakaibigan.

"Asus!if iwe know kami nalang ang nagtitiyagang tumambay dyan sa tindahan nyo..matagal ng lugi ang tindahan nyo tsaka wag kang mag-alala dahil babalikan ka namin kapag meron na kaming magandang buhay o di kaya asawahin nalang kita para quits na tayo"si Kelly yun.Kawawang Jericho pingtulungan ng mga wala na sa sarillinng katinuan niyang mga kaibigan.Wala namang nagawa ang binata kundi ang tumahimik nalang.

Hanggang sa highway ay di pa rin mapatid-patid ang katatalak ni Michelle,naroong tatawa ito kapag kinukwento ang mga kabulastugang pingdaanan nila tapos mayamaya ay iiyak naman at maglulupasay sa kalsada kapag naalala ang buhay nila.Sa kanilang makakaibigan ito ang matapang ngunit mahina pagdating sa pamilya.Si Kelly naman ay ganun din pero mas matino ito kesa sa huli.Tatlo  nalang sila nung mga oras nayun dahil nauna na umuwi sina Kelly at Honeyllaine May.

Dapat sana mahuhuli siyang umuwi dahil malayo ang bahay nila ngunit nagpasya si Mati na  ihatid siya sa kanilang bahay.

TROPA : BOOK 1 (WALANG iWANAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon