THIRD PERSON's P.O.V
"The hell?" Nakakunot ang noo ni Keiro nang mabasa kung anong nakalagay sa letter na para sa araw ngayon. Isang pangungusap lang at hindi man lang maintindihan dahil may malalim itong kahulugan. Binasa n'ya ito muli at naguguluhan pa rin. Kahit anong talino n'ya ay hindi n'ya ma-gets ang isang sentence na 'yon.
H'wag umasa at h'wag magtiwala.
Tanging 'yon lamang ang nakasulat sa letter na para bang may pinapahiwatig sa kan'ya. Pagkunot lamang ng noo ang tanging nakuha n'ya bago kinuha ang bag n'ya para tumungo na sa campus. Pinatay n'ya ang ilaw sa kwarto n'ya at iniwan ang letters sa cabinet n'ya. Pababa na s'ya nang makita ang lolo n'yang si Pilar na kumakain sa lamesa na ngayon ay nakatingin sakanya.
"Keiro, aalis ka na ba?" Tanong ng matanda bago pinakita ang pagkain sa apo. "You should eat your breakfast first tapos sumabay ka na sa'kin."
Tahimik lang silang kumain mg kanyang lolo na hindi talaga normal. Madalas ay lagi silang nag-aaway sa harap ng pagkain at nagtatawanan ngunit sa pagkakataong ito, tanging tunog lang ng kutsara na dumadampi sa plato ang naririnig.
Patapos na kumain si Keiro nang basagin na ni Pilar ang katahimikan. "Ginawa mo na ba sinabi ko, Keiro?"
Napatigil si Keiro sa sinabi ng lolo n'ya at agad na napatingin dito. Nakatingin sakanya ito ng seryoso habang hinihintay ang sagot n'ya.
"I won't let you dictate my life even more, Pilar." Mahinahong saad ni Keiro bago tinignan ng malumanay si Pilar na hindi na nabigla sa sinabi ng apo n'ya.
"This time, susundin ko kung ano 'yung gusto ko, at walang makakapigil sa'kin, 'di ko hahayaang mag-end up ako katulad ninyo ni Tandang George," seryosong saad ng binata bago tumayo. "Hindi ako maduduwag sa nararamdaman ko."
Umalis sa paningin ni Pilar ang apo n'ya matapos sabihin ang mga salitang 'yon. Napangiti s'ya sa sinabi ni Keiro at may naalala.
"Namana talaga ni Keiro ang pagiging bobo mo sa nararamdaman mo, Keita." Bulong n'ya na tila ba kausap ang kapatid n'yang si George.
"At hindi magbabago ang tadhana ni Keiro kung hindi maalis ang nararamdaman na 'yon."
He gave the portait of George na nasa kitchen a smirk bago muling kumain.
•••
Nagsimula na ang pagpunta ng mga estudyante sa mga iba't-ibang booth nang matapos na ang opening ng foundation day na sa gymnasium ginanap. Agad nilang hinanap ang pinakagusto nilang puntahang booth dahil naroon ang mga taong gusto nilang makita.
Ang booth nila Athena.
Dahil sa sikat sina Cosmo at Suwa sa mga babae, marami agad na nagtungo ro'n para kumain. Ang dekorasyon ng buong classroom ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam. Amoy na amoy ang mga nilulutong pagkain nila Athena na kinagalak ng bawat estudyante na nasa loob na. Ang mahabang pila ng booth nila ay agad na kinainisan ng ibang booth na katabi nila.
Sa kabilang banda naman, si Athena ay nakangiti magdamag habang nagluluto. Isa ito sa mga bagay na magaling s'ya, ang pagluluto. Kaya nga natuwa s'ya nang sumang-ayon ang lahat sa idea n'ya. Umaayon ang lahat sa plano nila dahil maraming estudyante ang nagugustuhan ang luto nila ni Suwa.
"Nakita mo ba 'yung pila sa labas? Sobrang haba, Bliss!" Tuwang-tuwa si Suwa nang masaksihan ang pila sa labas na kinagulat n'ya talaga. Napangiti lalo si Athena sa sinabi ni Suwa at nagpatuloy pa rin sa pagluluto.
"Naghahanda na rin pala 'yung student council sa laro mamaya, sure ka bang makakapunta ka?" Tanong ni Suwa bago ibinigay kay Wil na isang waiter ang kakatapos n'ya lang i-plating na pagkain. Tumingin s'ya kay Athena na nagluluto pa rin.
"Nangako ako kay Kei, kaya pupunta ako. Siguro naman by the time na naglalaro na sila, kaunti na 'yung kakain dahil maraming manonood sakanila," nakangiting saad ni Athena.
"You know, Athena... Si Keiro, ayaw n'ya sa mga taong hindi tumutupad sa pangako," napatingin si Athena kay Suwa na seryosong nakatingin sakanya ngayon. "Kaya ako muna magt-take over sa'yo mamaya kapag may mga customer pa rin para makanood ka, don't worry."
Lumaki ang ngiti ni Athena at agad na tinapik ang balikat ni Suwa. "Thank you, Suwa."
Umiling ang binata sa dalaga na kinataka nito. "No, thank you. Thank you for being Keiro's friend, sa pagiging kaibigan namin. Thank you."
Suwa's words touched Athena's heart kaya muntik n'ya nang makalimutang nagluluto s'ya dahil sa saya. Tinanong n'ya ang sarili n'ya kung deserve n'ya ba ang mga kaibigan na katulad nila. Dahil alam n'ya na hindi, hindi dahil hindi naman dapat talaga s'ya maging masaya. Hindi pwede.
"Hoy, Cosmo! Ano? Tutunganga ka lang d'yan? Ang panget mo hoy!" Singhal ni Suwa kay Cosmo na ngayon ay aambahan s'ya ng suntok. Natawa si Athena at agad na bumalik sa pagluluto.
Siguro, siguro pwedeng deserve n'ya. Pwedeng hindi.
Lumapit si Cosmo sakanila at binatukan agad si Suwa na napayuko sa sakit.
"Porket may ambag ka ngayon lumalaki ulo mo, kupal ka. Bliss, pinapahirapan ka ba nitong kumag na 'to?" Maangas na tanong ni Cosmo. Nakasuot sakanya ang uniform ng tipikal na waiter sa isang classy resto. Binagayan nila ang buong dekosrasyon ng classroom na parang naging isa talagang resto. Ang ginawa nilang lamesa ay ang mga lamesa galing sa bahay ng isa nilang kaklase habang ang mga palamuti sa taas na isang DIY chandelier ay lalong nagpagaan ng mood ng buong classroom na ngayo'y mukha nang resto.
"Oo nga pala, may gustong mag-record ng mga ginagawa natin sa booth kaya pinalagay ko muna 'yung mga camera do'n sa taas ng cabine—"
"Ang dami mong satsat, kunin mo nalang 'to at ibigay mo do'n sa table no. 7—Aray! Fuck you!" Angil ni Suwa nang batukan muli s'ya ni Cosmo na ngayon ay tawang-tawa sa reaksyon ng kaibigan. Tumingin s'ya kay Athena at tinanguan ito.
"Kapag ginulo ka ni Suwa sa pagluluto, paluin mo lang ng sandok, titigil na 'yan. Parang aso lang 'yan," natatawang saad ni Cosmo bago s'ya paalisin ni Suwa. Inis na inis ang mukha ni suwa bago inayos muli ang bagong luto ni Athena.
"Suwa, gaano katagal na ba kayong magkakaibigan?"
Napatingin si Suwa kay Athena nang matanong n'ya 'yon. Ngumiti si Suwa sakanya ay sumagot. "Mas matagal silang nagkasama ni Keiro, 3 years ago ko lang sila nakilala. Noong umuwi ako rito galing Japan."
Tumango-tango si Athena at muling bumalik sa pagluluto.
Sunod-sunod na pagpasok ng mga estudyante kaya hindi matigil sa pagluluto si Athena at pagtulong sakanya ni Suwa. Ang mga kaklase nilang naka-assign sa labas ng pinto para do'n isulat lahat ng mga estudyanteng nakapasok sa booth nila na ipapasa nila sa teacher nilang si Mrs. Tiago. Dahil ilalagay 'to sa office of the prinicipal para bilangin kung sino ang may pinakamaraming naging customer na booth.
"Ang haba ng pila, Wil!" Masayang saad ni Rhea nang makita na sunod-sunod ang pagdating ng mga estudyante. Nasa labas sila para sila ang magsulat ng mga pangalan habang ang iba ay nasa loob para maging waiter. Ang iba naman ay inaayos ang pila para hindi makagulo sa ibang booth.
Tumingin si Athena sa buong kwarto, nilibot n'ya ang mga mata n'ya at nakita n'ya kung gaano kalaki ang tsansa na maging succesful ang booth na pinagplanuhan nila. Napangiti s'ya nang maalala n'ya na lahat ng 'to ay bunga ng pagsisikap nilang buong klase.
Ang scenery ng buong kwarto ay tila isang magandang tanawin sa mata ni Athena. Walang bakas ng bagyong darating nalang bigla.
BINABASA MO ANG
Letters From The Parallel Universe
RomanceKeiro Morales, a despondent boy, an almost perfect but not quite one-who observes how his world turns something he didn't expected when he found letters from another universe. Athena Vasquez, a disparate-mysterious woman, the true form of beauty-th...