Ella's POV
Malakas ang t-bok ng puso ko, na tila ba sinasabayan nito ang malakas na hiyawan ng mga tao at tugtog ng musika sa dance floor ng bar. Nasa ikalawang palapag ako ngayon ng Red Nights bar, ang bar na pagmamay-ari ng amo ni mama. Ngayong gabi ay tuluyan ko nang isusuko ang katawan ko sa taong hindi ko kilala. Ngayong gabi kasi ang unang gabi ko bilang isang bayarang babae.
Masakit mang tanggapin ay wala akong magagawa. Wala akong ibang choice, ito lang kasi ang alam kong paraan para makalikom ng malaking halaga ng pera sa lalong madaling panahon.
"Oh ito Ella, siguraduhin mong gagamit kayo ng condoms para walang mabubuo diyan ha." malaki ang matang ininguso ni Madam Flor ang tiyan ko na kitang-kita ngayon dahil sa suot kong fitted na white tube. Nanginginig ang kamay na tinanggap ko ang iniabot nitong plastic box na may lamang isang roll ng tissue, maliit na bote ng sanitizer, at ilang pirasong candies at condoms.
"Hala sige na! Huwag mo ng paghintayin pa ang unang customer mo. Baka bawasan pa no'n ang tip mo dahil nainip kakahintay sa 'yo. Bilisan mo na! Ah— nga pala, siguraduhin mong ia-apply mo ang lahat ng itinuro ko sa 'yo kahapon. Tandaan mo, sundin mo ang lahat ng gusto ng customer. Bumukaka ka ng maayos at umungol ng malakas. Kasi kapag nagustuhan ni Sir B ang performance mo, tiyak na bibigyan ka no'n ng malaking tip." paalala nito habang mas ibinababa pa ang suot nitong red tube upang mas makita pa ang kanyang clevage. Kagaya ko ay nakasuot din ito ng maitim na maikling denim shorts at three inches black spool heels. Sa pagkakatanda ko ay nabanggit nitong may kakatagpuin ito ngayong importanteng bisita.
Nasa mid-forties na si Madam Flor, ngunit mukha pa rin itong nasa kanyang mid-thirties dahil sa uri ng pananamit at physical appearance nito. Maraming nagsasabi na ito raw ang kabit ni Mayor Recalde, ang Mayor ng bayan namin. Ayon sa mga mosang sa lugar namin, si Mayor din daw ang nagbibigay ng malaking allowance na siyang ginagamit ni Madam Flor para sa kanyang botox, gluta drip, at iba pang maintenance sa katawan. Si Mayor din daw ang backer ni Madam Flor kaya hindi ito mapakialaman ng mga pulis kahit na may mga illegal na nangyayari sa bar nito.
Marahan akong itinulak ni Madam Flor paharap sa hallway papunta sa mga silid kung saan pinagsiserbisyuhan ng mga katulad kong bayarang babae ang mga 'customer' nila. Kagat ang labing nilingon ko si Madam Flor habang mahigpit na nakayakap sa kahon na ibinigay niya.
Kinakabahan ako, nalulungkot... at natatakot.
Hindi ko lubos akalain na matutulad din pala ako kay mama— maging isang bayarang babae. Nagsumikap akong kumuha ng kung ano-anong part time jobs para lang makapagtapos ako ng high school at makatulong na rin sa mga gastusin sa bahay. Pangarap ko kasing makapagtapos ng kolehiyo at makakuha ng marangal at magandang trabaho. 'Yong trabahong kaya kong ipagmalaki at hindi ko ikakahiya sa mga tao. 'Yong trabahong makakapag-ahon sa 'min sa kahirapan para hindi na magbenta pa si mama ng katawan at si Lola Emy ng mga kakanin sa palengke.
Ngunit lahat ng iyon ay mananatiling pangarap na lamang sa ngayon dahil lahat ng naipon ko ngayong bakasyon para sana sa nalalapit na pasukan ay nagamit na namin bilang pambayad sa hospital bills ni Lola Emy. Bigla kasi itong inatake sa puso habang nagbebenta ng mga kakanin sa palengke. Malaking pera ang kailangang malikom namin bago matapos ang buwan na ito dahil kailangan nang sumailalim ni lola sa Coronary Artery Bypass Graft operation sa susunod na buwan. Kahit na pinagsama na namin ang ipon ko at ang ipon ni mama ay kulang na kulang pa rin ito.
Ayon sa doktor ni lola, kapag hindi pa raw ito naoperahan sa lalong madaling panahon, baka raw mastroke ito o tuluyan nang mawala sa 'min. At 'yon ang hinding-hindi ko kayang mangyari.
Alam kong mali ang pinasok ko. Alam ko ring malaking kasalanan 'to sa Diyos. Ngunit wala na akong iba pang magagawa sapagkat ito na lang ang tanging paraan para mailigtas namin si lola.
BINABASA MO ANG
Nefarious Intentions
RomanceDahil sa kakulangan sa perang pampaospital sa lola niyang inatake sa puso, napilitan si Ella na huminto ng pag-aaral at pasukin ang trabaho ng kanyang ina, ang pagiging isang prostitute. In the midst of the crowded and noisy bar where she serve drin...