[KABANATA 9]

225 10 0
                                    

{Familia De Celesta}

" Magandang Umaga! ". Masiglang bati ni Catalina sa repleksyon niya sa salamin. Puno ng galak ang Binibinibat halata iyon sa malapad na ngiti sa kaniyang mga labi. Kaagad itong nagtungo sa loob ng paliguan, at nilinis ang sarili saka nagsuot nang kulay luntian niyang baro't saya. At kaniyang isinalapid ang buhok mag-isa na may kasamang ipit na bulaklak din sa kaniyang buhok. At kakulay din nito ang suot niyang damit.

Lumabas na din siya ng kaniyang silid. Habang pababa na sana ng hagdanan ay natigilan siya dahil sa nagmamadaling Bonita na siya niyang nakasalubong. " Binibini???? ". Gulat nitong tanong at napahinto sa pagtakbo sa mismong harapan ng Binibini. " Bonita? Nagmamadali ka? ". Mahinahon nitong tanong. " Gising na po kayo? ". Hindi makapaniwalang tanong ni Bonita sa Amo. Sapagkat sa ganitong oras ay inaasahan niyang mahimbing pang natutulog ang Amo. " Oo, paumanhin hindi na kita nahintay pa kaya nag-ayos na ako! ". Sambit pa ni Catalina.

Nakangiti nitong nilagpasan si Bonita, at nagtuloy-tuloy sa pagbaba ng hagdan. Napakurap-kurap nalang si Bonita dahil nabigla siya sa inaakto ng kaniyang Amo ngayon. Sa isip nito'y. " Anu kayang nakain ng Binibini at tila masaya ang gising? ". Sambit niya sa isipan niya.

Nagtungo muna si Catalina sa kusina ng kanilang mansion at kumuha ng dalawang tasang tsaa at saka dumeretso sa sala ng kanilang mansion kung saan nandoon din ang Ate Felisa niya. Naupo siya sa katabi nito. Abala kasi ang Ate niya sa pagbuburda ng damit. " Gising ka na! Himala at ang aga? ". Pabiro nitong sambit ng hindi nakatingin ka Catalina. " Tsaa ate? ". Alok pa nito sa kapatid. " Salamat! ". Matipid na tugon ni Felisa.

Uminom ng tsaa si Catalina at ibinaba din agad ang tsaa. " Para kanino iyan Ate? ". Tanong naman ni Catalina ngayon. " Wala naman. Wala lang kasi akong mapaglibangan..... " Sagot nito sa kaniya. Napatango-tango si Catalina at uminom ulit ng tsaa. " Kamusta ka kagabi? Nakatulog ka ba ng mahimbing? ". Tanong muli ni Felisa dahilan para mapatingin sa kaniya si Catalina.

Hindi naman naunawaan agad ni Catalina ang sinasabi ng Ate niya. " Hindi ka ba ginambala ng Ginoo sa iyong panaginip? ". Dagdag pa ni Felisa. At hinarap na ni Catalina ang Ate niya. Dahil doon hinarap din siya nito at ibinaba ang ginagawa. " Sino ba ang kasayaw mo kagabi? At sino bang nagmamay-ari ng panyong nakabenda sayong sugat noon ika'y madapa? ". Nanlaki ang mata ni Catalina sa pagkagulat sa mga narinig niya mula sa Ate Felisa niya.

" Paano mo nalaman ang tungkol sa panyo Ate? ". Gulat na tanong Catalina sa Ate niya. Oo alam naman niya na alam ng Ate niya na si Ginoong Alfonso ang kasayaw niya kagabi ngunit ang tungkol sa panyo. Malabo naman si Bonita ang nagsabi nito dahil malabong ikuwento ni Bonita ang tungkol sa panyo. " Walang sekretong hindi nabubunyag Catalina..... Ibig sabihin ay tama ako. Si Ginoong Alfonso nga ang nagmamay-ari ng panyo na iyong dala-dala noong nakaraang araw? ". Tugon ni Felisa sa Binibini. Napalunok si Catalina sa kaba. Inaalala niya kasi na baka magalitan siya nito at baka kung anu ang isipin.

" W-walang ibig sabihin iyon Ate..... At paano mo nalaman ang tungkol sa panyo? ". Tanong pa ni Catalina. " Matalas ang aking pandinig, narinig ko kayong nag-uusap kagabi habang kayo'y nagsasayaw ". Unti-unti'y nalinawan si Catalina sa sinabi ng Ate niya sa kaniya. " Maniwala ka Ate walang ibig sabihin iyon!, tanda lamang ang panyo ng aming pagkakaibigan ". Paliwanag naman ni Catalina. " Sabihin mo sakin Catalina, paano at kailan nangyari iyon? ". Naguguluhan subalit seryosong tanong pa ni Felisa.

Hindi naman makasagot si Catalina. Alam niyang kahit na anung gawin niya, alam na ng Ate Felisa niya. At sa oras na alam na nito ang isang sekreto hindi ka titigilan ng kakatanong tungkol sa sinekreto mo. Nag-isip ng palusot si Catalina na baka sakali'y umepekto dito. " E ikaw Ate kamusta kayo ni Ginoong Elonso? ". Pag-iiba ni Catalina sa usapan. Napansin naman niya ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ng mukha ng Ate niya. Kung kanina ay seryoso na ito at kulang na lang lamunin siya nito ng buhay ngayon ay para bang umaliwalas at kahit di sabihin nito sa kaniya ay ramdam niya at kita niya na napapangiti ang Ate niya. " Kami? Ayos lang naman kam------- Sandali nga, iniiba mo ang usapan. Mabalik ako, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Paano at kailan nangyari iyon? ". Paghihigpit nitong tanong.

" Year 1899 " (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon