UD Day! :)
Wendy POV
Whahahahaha! Evil laugh. Well, nagtagumpay ako sa first step ng plano ko! And that is to pissed off that stupid girl Yel! Bwiset kasi. Kung hindi ko man maiinis si Char, kaibigan na lang niya ang iinisin ko :P Am I mean? Yes I am! And I love it! >:D< Well, bored lang naman ako kaya ko nagawa yun sa boyfie niya.
Feeling ko kasi yung guy na yun eh "under a heartbreak" pa. In short, hindi pa rin makapag move on. Kaya nag take advantage na lang ako. lol. Since wala naman akong magawa and hindi rin naman ako makatulog, tinabihan ko na lang siya. Ang layo pa nga ng tingin niya sa bintana eh, mukhang nag eemote!
So ito ang nangyare:
"Uhm. Hi. I can't sleep eh, can I sit with you muna. Wala akong makausap tapos tulog pa yung mga tao dito sa bus." sabi ko with matching beautiful eyes pa. And boom! Mukhang nagulat naman si kuya. Effective pa rin pala ang gawain kong ito.
"Oh sure." tipid niyang sagot. Umurong lang siya ng kaunti tapos ayun, nakatingin na naman sa bintana..
Walang umiimik sa aming dalawa. Eventually, I make the first move. AHA! He responds to my kisses. Buti na lang at tulog ang lahat ng tao dito sa bus. Pero alam ko na gising si Yel. Heller! Sa tagal namin na nagkakasama sa tour eh alam ko na hindi natutulog yun pag nasa bus. And I hate to admit this pero ex-bestfriend ko siya. YVCK.
And nagtagumpay naman ako! Nakita niya kami. If I know, alam ko na hurt siyang talaga. Napasinghap siya tapos naupo agad. Well, ako pa! Magaling ata ako dito! Nagkatinginan kami ni guy tapos napatayo na lang ako.
Tumingin na lang siya ulit sa bintana tapos umalis na ako. Mission accomplished! Yes >:D< Ngayon, tingnan ko lang kung ano ang magiging reaksyon nung babaeng yun sa ginawa ko. I won this time. 1-0! >:D<
CHAR POV
Uhm. Nagising ako sa ingay ng The Chillies sa likod. Enebe. Ako na lang ang andito sa upuan ko? Nasan na si babes? Naku. Andun na naman yun sa may harapan para matulog, ang ingay dito eh. haha! Naalimpungatan na ako sa ingay nila. Hayyyy... Ako nalang dito sa upuan ko.
I checked my phone to see if may message ang baby ko. Pero wala pa :( Sabagay, maaga pa naman eh. Iit's almost 7am plang. Hay. Namimiss ko na siya :( Pipilitin ko na--
"Guys! Stop over na muna!" okay. Buti na lang! Naiihi na rin kasi ako. Haynaku buhay nga naman.
"Babes! Let's go!" sabi ni babes. Ang bilis ng babaeng to. Mukhang naalimpungatan rin eh. Hihi. Iniwan nga lang ako ng walang paalam!
"Tara! Oy. Asar ka ah. You left me." sabi ko habang pababa na kami ng bus.
"Sorry. Ang himbing lang kasi ng tulog mo. Umalis na lang ako para maka-bwelo ka sa lugar." ahh. Soooo ayun pala ang reason!
"Ahh. Akala ko pa naman.. haha! Thanks babes. Oh nasan pala yung dalawa?" tanong ko.
"Ah. Ayun, si Yel ayaw bumaba, tapos si Nica hindi ko alam kung nasaan. Kung kani-kanino na naman dumidikit yun, alam mo naman.."
Dumiretso na lang kami sa pila. Ayun. Ang haba ng pila sa cr as usual :O Ang nakakainis pa eh kasunod pa kami ng mga babaeng walang alam kundi ang mang inis! Walang iba kundi sila Trixie. The ef! Bahala sila, inaantok pa ako and I dont have time for them.
Hindi ko nalang papatulan ang mga taong hindi ko naman ka-level. Duh. Si Charlotte Pineda kaya ito, lol.
"Kawawa naman si girl! HAHAHA" sabi ni Wendy. Mukhang may hidden agenda na naman sila as usual. Ayun, I smell something fishy na naman! Baka..... anyway, hahayaan ko nalang sila. In fact, wala pa naman akong nababalitaan na kahit anong hindi magandang pangyayari eh.
(FAST FORWARD)
Andito na kami ngayon sa car. Mukhang tuliro si Yel ha! Naku. To talagang babaeng to. Baka naman nahihilo lang. Hayaan ko na nga lang. Nag kanya-kanya na kaming lima. HAHA! Nag iba iba na kami ng seating arrangement. Ako andun pa din sa dati, nagulat na lang ako ng biglang tumabi sa akin si Aldrin..
"Pwede tumabi?" tanong niya.
--------
Thanks for reading :)