Chapter 10*

7.4K 171 14
                                    

Chapter 10


Via


I was looking at Tariq who is currently sleeping. Dapat ay kakausapin ko siya tungkol sa pagsundo kay Lewes bukas. I was calling him kaya lang ay hindi naman siya sumasagot so I went to his office, nakausap ko si Dexter and he said na may sakit si Tariq. He was about to go here para madalhan ng gamot si Tariq kaya lang ay napakarami niyang gagawin at dapat kausapin kaya hindi niya alam kung anong uunahin niya. So I took the initiative, ako na ang nagdala ng mga gamot.


Dinama ko ang kaniyang noo. Mas mainit siya kanina. Mamaya ay kukunan ko siya ng temperature. Pumunta ako sa kitchen at tumingin ng pwedeng iluto. I decided na lugaw na lang ang iluto ko since wala na siyang ibang stocks. Paalahanan ko na lang siya na mag-grocery kapag magaling na siya.


Nang maluto na ang lugaw ay bumalik ako sa kwarto and there I saw Tariq, standing and as if he was lost.


"Via!" He said when he saw me. Nahihirapang lumakad siya papunta sa akin kaya sinalubong ko na siya. He hugged me tight.


"Tariq."


"Akala ko umalis ka na. A-akala ko iniwan mo ako."


Hinagod ko ang kaniyang likod. Ang init pa rin ng kaniyang katawan. "Bumalik ka na sa kama. Iseserve ko na iyong niluto ko para makainom ka na uli ng gamot." I said softly.


Hihiwalay na sana ako nang hindi niya ako pakawalan. "Tariq," I called para bitawan na niya ako.


"Ayoko. Ayoko pa." Sabi niya. My eyes widened when I heard him sob.


"T-tariq."


"Akin ka na lang uli. Bumalik ka na sa akin. Magiging mabait na ako." Aniya at mas lalong humigpit ang kaniyang yakap.


I don't know what I should feel pero nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa hindi ko mawaring kadahilanan.

I let him hug me. Nanatili akong tahimik hanggang siya na ang bumitaw. Pinahiga ko uli siya sa kama. Palabas ako ng kwarto para kunin iyong niluto ko nang magsalita siya.


"You can go now."


Bumaling ako sa kaniya. Nakatakip ang kaniyang braso sa kaniya mga mata. "I can manage. Pasensiya na sa abala."


Napalunok ako nang maramdaman kong parang humaharang na kung ano sa aking lalamunan. I don't want to leave him lalo pa at ganiyan ang kalagayan niya pero alam kong kailangan kong umalis...para sa sarili ko at para sa kaniya.


"May pagkain sa kitchen. Eat before taking your meds. Aalis na ako." I told him. "Magpagaling ka." Then I left with a heavy heart.

---***---

I went back to my parent's house. Nasa gazebo ako at nag-iisip. I know what Tariq wants at hindi ko alam kung gusto ko rin ba iyon. And I am already engaged. Magsisimula na ako ng bagong buhay. Alam ko naman na kahit magsimula akong muli ay hindi ko na siya maaalis sa buhay ko dahil kay Lewes and I'm ok with that. Wala naman kasi akong magagawa. Ama pa rin siya ng anak ko at kahit gaano ako kagalit sa kaniya noon ay hindi iyon mababago. At some point of my life, ginusto ko na lang itago si Lewes mula sa kaniya pero unfair naman para sa anak ko iyon. He needs his father.



"Victoria."



I smiled when I saw my mom standing beside me, hindi ko siya napansin.



"Ayos ka lang ba, anak?"



Umiling ako. "Can I ask something, My?"



"Of course."



"How did you unlove Tito Trevor?"



Mukhang nagulat siya sa tanong ko pero nang makabawi siya ay nginitian niya ako.



"Is it because of dad?" Dagdag ko pa.



"Maybe. Well the truth is I don't know." She sighed.



When I met Tariq iyon na ang araw na sinabi sa amin nila mommy ang tungkol kay Tito Trevor.



"When I met your father I was so heart broken, pagod na pagod na rin ako noon dahil sunod-sunod ang problema. I need money for your Uncle Daniel, ang Tita ko naman ay nasa ospital at ang Tito Xavier mo nakabuntis, iyon nga lang ay nalaglag iyong baby. Sobrang dami kong problema at ang daddy mo ang tumulong sa akin para malampasan mga 'yon."



"Did you just love my father because he helped you?" I asked frankly.



Sa halip na masamain ang sinabi ko my mother chuckled. "Of course not. Your father is too lovable para hindi ako mahulog sa kaniya pero noong bumalik ako dito sa Pilipinas I was confused noong makita ko uli si Trevor."



"Confuse? How?"



"Anak, mahaba ang love story namin ng tatay mo mga thirty-six chapters. Akala nga ng iba love story namin iyon ni Trevor." Aniya na sinabayan ng tawa. I looked at her. Handa akong makinig and I think she felt that kaya nagkwento na siya. "I was confused as hell. Trevor is my first love, siya ang una sa buhay ko. When he hurt me nasaktan talaga ako and when your father came, I forgot about him kaya lang noong bumalik ako dito sa Pilipinas bumalik lahat...that's what I thought. When I felt the pain again akala ko bumalik iyong pagmamahal ko sa kaniya. Naisip ko rin noon na hindi naman ako masasaktan kung talagang nakalimutan ko na siya tapos dumagdag pa iyong insecurities ko. Lagi kong iniisip na I'm not worthy for your father. Sino ba ako? Isang diborsyada, akala ko pa nga ay baog ako. Anong maibibigay ko sa daddy mo? While Raze...he is almost perfect. Ang dami kong kaagaw sa kaniya, ang daming babaeng gusto mapunta sa pwesto ko. Ang daming mas deserving sa akin. Kaya naisip ko na mas better siguro kung si Trevor na lang kasi mukhang mahal naman talaga niya ako at least sa kaniya hindi ako nakakaramdam ng insecurities at takot." She let out a sigh. "I was so afraid before na kapag iniwan ako ng daddy mo ay tuluyan akong mawasak and with Trevor iwan man niya ako o hindi ay hindi ako gaanong masasaktan."



My mother held my hand. "I never love them with the same ferocity. Laging may lamang. Laging may nakakalamang and that's your father. I followed my heart kaya nandito ako, Via. Hindi dahil namili ako kung sinong mas deserving. Hindi dahil tumatanaw ako ng utang na loob kaya pinili ko si Raze. Hindi dahil mas deserving siya. Hindi dahil siya ang best choice. I chose him because I love him at kung pakakawalan ko siya dahil lang sa takot at insecurities ko then I might regret it for the rest of my life."



Yumakap ako kay mommy. "I'm confuse, My." I said truthfully.



"Oh my poor daughter. Just choose the one you love. Hindi madali pero iyon ang tama."

Rewrite The Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon