Chapter 16: The Outcast

2.6K 99 10
                                    

Merry Christmas sa inyong lahat.  Updated na muli, pasensya na po kung medyo late na naman. Busy kasi sa work ,pero dahil christmas break na, babawi na ako sa inyo! :) 

Merry Christmas ulit :)

============================================================================

Matamlay na umupo si Rocco sa kanyang station. Paano kasi lumipat na ng upuan si James dahil magkatabi ang kanilang station dati.

"Okay ka lang?" tanong ni Solen kay Rocco. Hindi pa namalayan ni Rocco ang paglapit ni Solen sa kanyang station.

Nag-nod lang si Rocco at nagsimula na siya ng magbukas ng kanyang log-in account.

"Galit pa rin ata sa akin si James," matamlay na wika ni Rocco kay Solen.

"Hayaan mo na, maayos din yan mamaya," turan naman ni Solen.

"Lumipat siya ng station, so that means galit sa akin yung tao," wika pa rin ni Rocco.

"May topak ata diyan sa station na iyan. Lagi nirereklamo ni James sa mga IT yan pero until now hindi pa rin naayos. Format lang naman ang kailangan diyan eh. Alam mo naman na ang tatamad ng mga IT natin dito sa office," turan naman ni Cassandra.

"Tama. Ewan ko sa mga IT natin, ang tatamad nila at pangit pa sila." sang-ayon naman ni Solen at nagtawanan pa sila ni Cassandra.

Maya't-maya pa, lumapit si James sa kanila at may binigay na mga papel kung saan nandoon ang mga updated na gagawin nila. Pero sa bandang station ni Rocco, hindi na siya lumapit. Pinaabot na lang ni James kay Solen ang papel.

Ramdam ni Rocco ang pang-iiwas sa kanya ni James. 

"Kakausapin ko na lang siya mamaya," bulong ni Rocco sa kanyang sarili.

Dumating ang lunch break at tinawag ni James sina Tom. Agad-agad naman sila tumayo at pumunta sa canteen.

"Rocco, let's go," tawag ni Cassandra kay Rocco. 

Nagbuntung-hininga si Rocco at tumayo na ito mula sa kanyang station.

Sa canteen, pansin at ramdam ni Rocco na iniiwasan siya ni James. Lahat sila ay masayang nagkukwentuhan  na waring walang nangyari  sa kanila noon kumain sila sa Italian Restaurant.

"Busog ka ba?" tanong ni Solen kay Rocco na napansin di niya gaanong ginagalaw ang kanyang inorder na beef steak.

"Oo eh," sagot naman ni Rocco.

"Sayang, kainin mo yan. Mahal pa naman yan inorder mo," turan ni Solen.

Pilit na ngumiti si Rocco kay Solen.

Tumayo si Rocco at nagkataon na nagsalubong sila ni James pero umiwas ng tingin si James ng tingnan siya ni Rocco.

"James," tawag ni Rocco.

Hindi pinansin ni James si Rocco.

"Sir James," muling tawag ni Rocco kay James.

Muling hindi pinansin ni James si Rocco, umiwas ito at dumiretso ito sa kinauupuan nina Tom.

Napansin naman nina Cassandra at Solen ang eksena nina Rocco at James.

"James, tinatawag ka ni Rocco, bakit ayaw mo siya pansinin," turan ni Solen.

Hindi pinansin ni James ang sinambit ni Solen bagkus nakipagkuwentuhan na lang siya kay Tom.

"Mauna na ako," turan ni Rocco sa kanila.

Nagtinginan naman sina Solen at Cassandra ng paaalis na si Rocco mula sa kanilang kinaroroonan.

"Sige," sambit ni Solen.

Sa  peripheral vision ni Rocco, kita niya na nagtitinginan ang mga grupo na umalis siya.

"Wala man sa kanila na pigilan ako na mauna na sa kanila," bulong ni Rocco sa kanyang sarili at malungkot ito nagtungo sa kanyang station.

------------------------------------------------------------------

8:15 am

"Sh*t, late na ako!" takbong sambit ni Rocco sa kanyang sarili ng dumating na siya sa opisina. Medyo na-late siyang nagising dahil nakalimutan niyang i-alarm ang kanyang phone at nasamahan pa ito ng traffic sa daanan.

"Bilisan mo!!" bulong ni Rocco sa elevator ng sumakay na ito.

Nang dumating siya sa kanilang department, naabutan niya sina Cassandra, Solen, Matthew, Cedie , Tom at James na masayang nagkukuwentuhan.  Kita niya ang malakas na tawanan ng mga kalalakihan at hagikhikan nina Solen at Cassandra. Bigla silang napatahimik ng lumapit siya dahil uupo na siya sa kanyang station. Kanyang-kanya silang ayos at nagtinginan sa kanilang upuan. Lingid sa kanila, nakita lahat ni Rocco ang mga ayos at paano mag-react ang kanilang mukha. Nagbuntung hininga na lang siya at sinimulan na niya ang mag-open ng kanyang account para sa kanilang trabaho.

"Okay.... focus na lang ako sa work ko. Kung ayaw nila sa akin..okay that's fine," wika ni Rocco sa kanyang isipan.

------------------------------------------------------


Pagkatapos ng lunch break, lumapit si Rocco Kay Cassandra habang nagyoyosi.

"Cassandra, may extra ka ba pa?" tanong ni Rocco.

"Extra ng alin?" takang tanong ni Cassandra.

"Yosi," nakangiting sagot ni Rocco.

"Akala ko hindi ka naninigarilyo?" takang tanong ulit ni Cassandra.

"Hehehe, hindi naman talaga ako smoker eh pero I know how to smoke. Minsan lang sa isang taon ako magyosi." sagot ni Rocco. Muling ngumiti ito at lumabas pa ang kanyang dimple.

"Hahaha, sige,  green yung akin. Gusto mo?" alok ni Cassandra sa kanyang yosi na Marlboro.

"Sige," sabay kuha ni Rocco sa yosi ni Cassandra.

"May problema ka anu?" tanong ni Cassandra.

"I will be resigning soon. May specific bang procedure dito kung paano ba magresign? " pabalik na tanong ni Rocco.

"What?!!!" gulat na sambit ni Cassandra." Bakit naman?" dugtong na tanong nito.

"Wala lang, it seems like I don't belong to this company anymore," sagot ni Rocco at tumingin ito ng malayo sabay labas ng usok ng sigarilyo mula sa kanyang bibig.

"Dahil ba sa alitan ninyo ni James, kaya ka magreresign?" tanong ni Cassandra.

Ngumiti lang si Rocco at pinatay na niya ang kanyang yosi at tinapon niya ito sa basurahan.

"Tapos na ang break natin, let's go na," anyaya ni Rocco kay Cassandra.

Tiningnan ni Cassandra si Rocco, kahit hindi sabihin ni Rocco ang dahilan ng pagreresign niya ay alam niya na may kinalaman ito sa gap nila ni James.

 ======================================

DURUGTUNGAN!!!

The Serial Killer's Diary [BOOK 1]Where stories live. Discover now