❀33❀

32 18 0
                                    


Chapter 33.

Kanina ko pa hinahanap si Xavier pero hindi ko padin siya makita

"San ba kasi nagpunta ang lalaking yun jusko!" habang hinahanap ko pa din sya

Nakasulubong ko naman ang isa sa mga yaya nina Xavier dito sa mansion nila

"Yaya nakita niyo po ba si Xavier?"

"Si sir Logan po? Nandun po siya sa garden habang nakaupo sa duyan" sagot niya sakin

"Sige yaya salamat" at ngumiti sakanya

Naglakad na ako papunta sa garden nina Xavier at totoo nga ang sinabi ni yaya nandito si Xavier. Lumapit naman ako sakanya at naupo sa tabi niya

"Xavier okay kalang?" tanong ko sakanya

Hindi niya ako sinagot nanatili lang siya nakatingin sa kalangitan at ninamnam ang hangin dito. Mukhang uulan atah dahil nagsisimula ng magdilim ang kalangitan

"Xavier" tawag ko sakanya

"Ewan ko Leilz, kanina ko pa iniisip ang bagay natu at sana ay hindi totoo"

Ha? Ano yung hindi totoo?

"Ano naman ang iniisip mo?" tanong ko sakanya

"Iniisip ko kung may gusto kaba kay Magnifico" sabi niya at pumikit

Nanigas naman ako sa kinauupuan ko sa sinabi niya at hindi makasagot nanatili lang ako nakatingin sakanya hanggang sa minulat niya na ang mga mata niya at tumingin sakin. Ayoko ang mga nakikita kong emosyon sa mga mata ni Xavier

Sana ay namamalikmata lang ako. Sana ay hindi totoo ang nakikita ko na nasasaktan siya sa sinabi niyang iyon

"Leilz yun ang iniisip ko simula nong gumising ka kanina" malungkot na sabi niya sakin

"B-bat mo ba kasi naiisip ang tungkol dun?" at nag iwas ng tingin sakanya

Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya dahil alam kong malalaman niya na nagsisinungaling ako

"Binabanggit mo ang pangalan niya habang natutulog ka kanina" sabi niya na ikinabigla ko

Binabanggit ko ang pangalan ni Fico?

"Xavier baka mali kalang ng dinig" sabi ko sakanya

"Leilz naka tatlo mo inulit ang pagtawag sa pangalan niya"

What the hell ⊙﹏⊙

"Wala lang yun Xavier"

"Tatanungin kita Leilz, may gusto kaba sakanya?" at dun na ako napatingin sa mga mata niya

"W-wala"

"Liar"

"Bat mo ba kasi tinatanong ang mga bagay na yan? May girlfriend si Fico Xavier at magkaibigan lang kami"

"Hindi nagsisinungaling ang mga mata mo Leilz, kapag tumitingin ka sakanya ay kakaiba at nakikita ko dun ang saya kapag tinitignan mo siya"

Nanatili lang ako nakikinig sa sinasabi niya pero yung puso ko ay tumitibok na ng mabilis

Nagsimula ng umambon pero hindi pa naman malakas

"X-xavier pumasok na tayo umaambon na baka magkasakit pa tayo" yaya ko sakanya pero binalewala niya lang ang sinabi ko

"Kapag nakikita mo sila ni Isabella na yun ay nakikita ko sa mga mata mo ang selos at sakit. Hindi dapat tanungin ko na gusto mo ba si Magnifico dapat ay tanungin kita kung mahal mo na siya"

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now