23: Engaged

5.3K 263 43
                                    

***Raw and unedited.


Hindi na alam ni Harri kung gaano katagal na siyang nakatitig sa diamond ring na nasa ibabaw ng coffee table. Pag-uwi niya kanina ay kaagag niyang hinubad 'yun.

Mabigal ang singsing. Halatang mamahalin. Hindi siya komportableng magsuot ng ganoon kamamahaling alahas.

"Sa tingin ko aabot 'yan ng isang milyon," ang sabi ni Aisha na nakatitig din sa singsing.

"Nakapag desisyon ka na ba, ate?" Seyosong tanong ni Hannah.

Nagkibit-balikat si Harri pagkatapos ay bumuntong-hininga. Gulong-gulo pa rin ang isipan niya.

"Kung ako ang tatanungin mo, I will say yes. Biruin mo, ikaw ang pinili niya. You didn't apply pero ikaw pa rin ang pinili niya."

Hindi pa rin umimik si Harri.

"Pagkakataon mo na ito, Harri. Makakatulong ito sa inyo ni Hannah. Mababayaran mo na ang mga utang 'nyo. Mabibigyan mo na ng magandang kinabukasan ang kapatid mo," sabi ni Aisha at napatingin si Hannah.

Kahit hindi nagsalita si Hannah ay sang-ayon ito sa mga sinabi ni Aisha.

"Pero...Hindi ba dapat magpapakasal ka dahil sa pag-ibig?"

Aisha rolled her eyes.

"He's handsome, sexy and rich. Sooner or later ay matututunan mo rin siyang mahalin. At hindi mo pa ba naalala na bago ka nagkatrabaho sa kompanya nila, nag-apply ka rin para maging asawa ni Ollie?"

Tama na naman ang kaibigan niya. Alam niyang ang pinakatamang gawin niya ay tanggapin ang proposal ni Ollie pero nagdadalawang isip pa rin siya.

"Pero...si sir Nick..."hindi niya naituloy ang sasabihin niya.

"Nick or Ollie. Ano ba ang deperensya? Magkamukha sila. They're both handsome and very rich. Kahit sino sa kanila ay okay na. Unless you're..." tumigil sa pagsasalita si Aisha at napatitig kay Harri. "Are you in love with your boss?"

Napatitig din si Hannah sa kanya.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Naghihintay ang mga ito sa magiging sagot niya.

"Ano ba kayo?" Sabi niya sabay tawa. "Hindi ako in-love kay sir Nick."

Hindi na siya kinulit pa ni Aisha. Tumayo ito at nagpaalam.

"Uuwi na ako. May trabaho pa ako bukas. Hindi tulad mo na pwede nang tumigil sa pagtatrabaho," sabi nito. "Bye, girls."

"Bye, ate Aisha," sagot ni Hannah.

Nang makaalis na si Aisha ay tumayo na rin si Harri.

"Matulog na tayo, Hannah," sabi niya sa kapatid.

"Paano 'to?" Kinuha ni Hannah ang singsing at ibinigay sa kanya.

Tinanggap 'yun ni Harri.

"Hindi mo ba isusuot?"

Napatitig si Harri sa singsing na nasa palad niya. Mas mabuting hindi niya muna isuot 'yun para makapag-isip siya ng mabuti.

***

Nagmamadali sa pag-park ng kanyang sasakyan si Nick pagdating niya sa mansion ng lola Viv niya. He's late for their dinner.

Pinatay niya ang makina ng sasakyan at bumaba na. Tinakbo niya ang entrance ng bahay at pumasok sa loob. He hates being late.

Dumaan sa receiving area at living area. Tahimik na tahimik sa loob ng bahay. Naisip niya na baka naghihintay na ang lola at kapatid niya sa dining room.

His Cold Cruel Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon